Nag-eenjoy siya ng labis habang humaharap siya sa mga costumer ng shop na namimili ng mga kailangan ng mga ito. Ilang araw na siyang nagpi-Feeling promodizer at Sales lady at hindi siya papayag na lalabas ang costumer na walang nabibili. "Pwede bang araw-araw ka na lang dito? Mas dumadagsa ang costumer namin dahil sayo,"untag sa kanya ni Ed. "Huwag ka nga abuso diyan,Ed..pinagbigyan ko lang siya tumulong dito," sabad ni Jeffrey na nakasimangot ang mukha. Natawa siya. Ayaw talaga nito payagan siya kasi puro lalaki nga daw ang costumer nila at may pagkakataon na imbes na bumili gusto lang pala makipag-usap sa kanya kaya pumasok rito. "Asus,nanliligaw ka pa lang uy! Possessive na agad?" pang-aasar ni Ed rito. Sinamaan naman ni Jeff ng tingin ang kaibigan. Napailing na lang siya. "Jeff,

