14. Numb and Tired [Foreshadowing]

1533 Words
Third Person's Point of View " Hey Red! Si Katia. " Simpleng sambit ni Mark. Agad namang lumingon si Red. Tiningnan lang naman ni Red si Katia na parang sinasabing 'bakit' Sinignal lang naman ni Katia nag ulo niya na parang sinasabi niyang pumunta siya sa labas. Kaya agad naman si Red na lumabas. " Bakit? " Malumanay na tanong ni Red. " Bakit? Bakit lang ang masasabi mo? Bakit lang? Iniwan mo lang ako dun ng hindi mo ako kinakausap Red! Iniwan mo ako dun without asking me and without asking yourself what can I feel. Alam mo namang di ako okay diba? Alam mo namang iniwan ko mga kaibigan ko at pinili kita kasi gusto kong kasama kita tapos iiwan mo ako dun ng ganun ganun lang? " Pagalit niyang bulong kay Red. Gustong magsalita ni Red pero hindi niya ito mailabas mula sa kaniyang mga bibig. "  Let's just talk later, okay? " Sagot niya at agad din naman siyang pumasok sa loob. Gustong gustong murahin ni Katia si Red  ng milyong beses at sabihing napakamanhid niya.  Bumalik naman si Katia sa Le Rosie at umupo sa ibang upuan malayo sa table ng mga kaibigan niya. Napansin na mga kaibigan niya ang pagdating niya ngunit hinayaan lang muna nila sila at nagpatuloy sa pagiinom at pagsasaya. Maya-maya'y lumapit sa kaniya si John at umupo sa tabi niya. " Are you alright? " Ngumiti lang naman si Katia dito habang tumatango. " Everything will be alright. " * A LITTLE FAST FORWARD * Dumating na si Red sa Le Rosie. Looking good with his new haircut but still, Katia is avoiding looking at him. Umupo naman si Red sa kung saan nandun ang mga kaibigan niya. Maya-maya'y tinawag niya si Katia at sinabing umupo sa tabi niya. " Dito ka sa tabi ko, Babe! " Noong una, ayaw ni Katia na lumapit sa kaniya pero sa huli, ang galit niya'y humupo at ang kaniyang pride ay unti-unti niyang ibinaba kaya lumapit din siya dito. Umupo siya sa tabi nito habang si Red ay umaasta na parang walang nagyare. Habang nagkakasiyahan silang magkakaibigan at habang nanahimik si Katia sa tabi nito, kinalabit ni Katia si Red at agad naman si Red na tumingin sa kaniya na parang nagtatanong kung bakit. " Ano? Ganto na lang ba tayo palagi? Iiwasan na lang ba natin ang nangyare? Hindi natin papansinin ang hindi pagkakaintindihan? Back to normal like nothing happened? Sa tingin mo ba maaayos natin ang mga ito kung hindi natin paguusapan? " - Katia " Alam mo namang ayaw ko ng nagaaway tayo diba? Lalo lang lala kung magkakasagutan pa tayo. Kaya mas okay na hayaan na lang natin, then later on, everything will be going back to normal. " - Red " Kasi iyun ang pinaparamdam ko sayo, Red!! Dahil lagi kong binaba ang pride ko. Nilulunok ko ang pride ko. Nadigest ko na pati at itatae na lang. " Sarcastic na sagot ni Katia. "  Hindi sa lahat ng pagkakataon ay iyan dapat ang isagot Red!! Hindi sa lahat ng pagkakataon ay pwedeng ganiyan lang ang gawin at isagot sa lahat ng sitwasyon. Kung hindi natin yan paguusapan ngayon, mahahalungkat pa yan sa mga susunod na araw, paguugatan pa yan ng isa pang away o mas malala pa. Mas okay na napag uusapan agad ang away at nagkakaintindihan!! "  Dagdag pa niya. " Pero ayoko nga ng nagaaway tayo, Katia. I hate arguing with you! I hate it! " -Red " Pero paano natin maiintindihan ang isa't isa kung hindi natin pag uusapan? IPago na akong umintindi, Red!! " Biglang huminto ang mundo ni Red. Tila napapaisip at hindi alam ang sasabihin. " Napapagod ka na ba sa akin, Babe? " Malumanay niyang tanong. Tumingin lang naman sa kaniya si Katia na tila hindi rin alam ang sasabihin at ibibigay na emosyon. " Hindi. Pagod lang ako umintindi. " Sagot niya pero deep inside, naguumpisa na talaga siyang mapagod sa lahat ng meron sa pagitan nila. " Sabihin mo sa akin ang totoo, Babe! Pagod ka na ba? " Tanong ulit ni Red. Nag-aalalang muka ang ibinigay niya kay Katia habang itinatanong niya iyan. " Mahal mo pa rin ba ako? " Umiwas lang naman ng tingin si Katia. Hindi niya talaga alam kung anong sasabihin niya. Hindi niya alam kong oo ang isasagot niya o hindi. " Iiwan mo na ako? " Agad naman umiling si Katia sa tanong ulit nito. Ramdam ni Katia ang sincerity ni Red. Ramdam niya at nakikita niya sa mga muka ni Red na parang sinasabi niyang " Don't go, babe! I still need you! I want you! Please stay!  Huwag ka sanang mapagod, babe! " That face that she's looking right now is making her feel love again. Like everything went back to normal again. That's the nature of humans. The human nature characteristics that always end up being hurt. Because no matter how much it hurts you, you always go back for more. Katia's Point of View Nandito na kami ngayon sa labas, katatapos lang nilang mag chill sa Le Rosie. Pauwi na sana kami ng maalala namin na hinihintay nga pala kami ng kaibigan namin na si Eid sa bahay nila, naalala namin na birthday nga pala niya ngayon. Isa kasi si Eid sa barkada namin at napaka importante niya sa amin kaya kahit gabi na, naisipan pa rin naming pumunta sa bahay nila. " Dadaan muna kami sa bahay nina Eid. " Sambit ni Red sa mga kaibigan niya. " Ikaw Anne? Paano ka? " Tanong niya dun sa isa niyang kaibigan. Kabaryo lang namin si Anne, kaya tinatanong ni Red kung sasabay ba siya samin o hindi. " Hindi ko alam. Inimbitahan din ako ni Eid pero baka ma-out of place lang ako. " Sagot ni Anne. " Bakit ka naman maa-out of place? Tara! Inimbitahan ka rin naman pala ee. Tska alas sais na, delikado ng umuwi mag isa. " Tsss.. Dapat kami lang na dalawa. Pagkakataon na sana para mapag usapan namin ng pribado yun. Kaso sasabay pala namin si Anne. Gusto ko pa naman sanang kausapin siya. Gusto ko pa naman sanang magkaroon siya ng kunting oras sa akin kahit ngayon oras lang na pag uwi namin sa mga bahay bahay namin. Minsan lang naman kasi kami pumunta sa bahay ng lola niya na ibinigay sa kaniya. Gusto ko sana na magkaroon kami ng oras sa isa't isa kahit ito man lang na oras ng paglalakad namin papunta sa bahay nina Eid. Tinatanong niyo ba kung bakit? Iyun ay dahil hindi kami nagkaksabay umuwi ni Red dahil katulad ng sabi ko sa inyo, mag kaiba ang schedule namin. Minsan uwian nila ng 3 pm habang ako 5 pm. Minsan naman baliktad. Wala na din kaming oras sa isa't isa lalo na ngayon na nawala yung cellphone niya. Akala ko kami lang dalawa, pero syempre naman ayos lang sa akin na sumama si Anne at sumabay samin, kaibigan ko yun ee, kaibigan namin. Tska may punto naman si Red, gabi na at delikado. Napakabait at maalaga kasi ni Red. He will not leave anyone behind. Ganun siya kabait na kaibigan. Nag simula na kaming maglakad. Nanahimik pa rin ako at hindi ko siya kinakausap o kahit kinakalabit man lang. Pero hayop naman, bat ang manhid niya? Hindi niya man lang napapansin na nandito rin ako sa tabi niya, na kasama rin nila ako. Bat di niya napapansin na gusto ko rin na kausapin niya din ako. Yun lang naman gusto ko. Ang oras niya't atensyon. Nag uusap lang si Anne at Red habang ako ay kasabay nilang naglalakad sa gilid nila na parang hangin. Wala ba ako dito? Am I a wind? Na parang okay na kami? Punyeta, oo! Naiitindihan ko siya.  Simula nung umaga pa. Punyeta, Oo! Naiintindihan ko, pero hanggang ngayon ba naman? Hindi man lang niya nararamdaman na pinipigilan ko lang ang sarili ko? Na tinitiis ko lang ang lahat para lang maging maayos ang relasyong ito? Para lang hindi kami mag away? Hindi ba niya yun naiisip at nararamdaman? Napaka manhid niyaa!!! Oo, naiintindihan kong hindi niya maiwan si Anne. Naiintindihan ko talaga yun kasi kaibigan niya si Anne. Hindi ako nagseselos. Naiingit lang ako na bakit nabibigyan niya ng oras ang iba habang ako hindi niya mabigyan kahit kunti? Bakit ganun? Bakit di niya rin kayang ibigay sa akin yun? Do I beg too much? Did I ask too much? Maya-maya rin ay nakarating na kami sa bahay nina Eid. " Eid? Saan CR niyo? " Tanong ni Anne. " Doon! Halika ituro ko sayo. " Sambit ni Eid habang itinuturo yung CR. Kasalukuyan namang kausap ni Red ang best friend niyang si Reuel.  " Red? " Tawag ko sa kaniya. Lumingon naman siya at binigyan ako ng 'bakit' na muka. " Halika muna dito. " Malumanay kong sambit sa kaniya. Kaya agad siyang lumapit. " Bakit? " Tanong niya. " Wala lang. Gusto lang kitang katabi. " Malumanay kong sagot. Ayoko namang mag complain, pero paano kami magkakaintindihan kung hindi namin pag uusapan ang nararamdaman ng isa't isa? " Alam mo namang wala na tayong oras sa isa't isa diba? Naiintindihan kong mabait kang kaibigan at ayaw mong pauwiin si Anne mag isa kasi nga delikado na. Naiintindihan ko rin na ayaw mo lang siya ma-out of place kaya mas kinakausap mo siya. That's why I don't complain about it. Pero alam mo din naman na ito lang yung panahon natin para makapag laan ng oras sa isa't isa diba? Ee bakit hindi mo man lang ako kinakausap? " [ To be continued ]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD