Katia's point of View
" Red? "
Tawag ko sa kaniya. Lumingon naman siya at binigyan ako ng 'bakit' na muka.
" Halika muna dito. "
Malumanay kong sambit sa kaniya. Kaya agad siyang lumapit.
" Bakit? "
Tanong niya.
" Wala lang. Gusto lang kitang katabi. "
Malumanay kong sagot. Ayoko namang mag complain, pero paano kami magkakaintindihan kung hindi namin pag uusapan ang nararamdaman ng isa't isa?
" Alam mo namang wala na tayong oras sa isa't isa diba? Naiintindihan kong mabait kang kaibigan at ayaw mong pauwiin si Anne mag isa kasi nga delikado na. Naiintindihan ko rin na ayaw mo lang siya ma-out of place kaya mas kinakausap mo siya. That's why I don't complain about it. Pero alam mo din naman na ito lang yung panahon natin para makapag laan ng oras sa isa't isa diba? Ee bakit hindi mo man lang ako kinakausap? "
" Alam mo namang ganto talaga ako diba? "
Paliwanag niya.
" Alam ko. Pero kausapin mo naman ako. I-approach mi ako. Do I need to beg you just to make you feel that I badly want your time and attention? "
Sagot ko naman. Napatahimik naman siya sa sinabi ko, tapos tumango lang siya. Alam ko na ang ibig niyang sabihin.
* A LITTLE FAST FORWARD *
" Paalis na kami Eid! Salamat ah! Happy birthday ulit! "
Pagpapaalam ni Red.
" Happy Birthday! "
Dagdag ni Anne.
Ngumiti lang naman ako kay Eid, senyales ng pagpapasalamat ko. Tapos umalis na kami agad at pumunta sa paradahan ng tricycle. Tricycle lang sasakyan namin kasi medyo malapit lang naman.
Habang naglalakad kami, mas lalo pa akong nag apoy sa galit. Kasi hype naman oo! Akala ko ba omoo na siya? Na napag usapan na namin kanina? Bakit hindi niya pa rin ako inaapproach? Oo, alam kong di niya kayang iwanan si Anne, ganun siyang kaibigan, Oo! Alam ko! So be it! Pero bakit di niya pwedeng gawin din yun sa akin?
Hindi ko na talaga makontrol ang sarili ko. Naglakad ako ng mabilis, at hinayaan ko silang dalawang maiwan at mag usap.
" Katia! Saglit, oyy!! "
Sambit ni Red.
Sa sobrang galit ko at hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko, sumigaw ako sa kaniya habang naglalakad pa rin ako ng mabilis.
" NAGKAKASAYAHAN PA KAYO DI YAN AYY!! BAGAL NIYOO! "
Sarcastic kong sigaw. Alam kong mali ang inasta ko pero ewan, nadala lang talaga ng damdamin.
Nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad, maya-maya'y lumingon ako, pero wala na akong makitang anino nilang dalawa.
" Nasaan na yung mga yun? "
Tanong ko sa sarili ko tapos nagtuloy-tuloy ulit ako sa paglalakad.
Maya-maya'y may naramdaman akong sasakyang paparating. It's them. Nakasakay na sila sa Tricycle. Kaya pumasok na ako. Umupo ako sa kalapit ni Red sa angkas sa may likod ng driver habang si Anne ay nasa loob ng tricycle.
" SINABI KO NA SAYO DIBA? SINABI KO NA SAYO KANINA?! HINDI MO PA RIN BA NAIINTINDIHAN? I TOLD YOU TO GIVE ME SOME f*****g TIME, RED!! DON'T YOU GET IT?? I NEED YOUR ATTENTION!! ITO NA NGA LANG PAG UWI NATIN NA MAGKASAMA ANG TANGING PARAAN PARA MAGKAORAS TAYO SA ISA'T ISA AT MAGKAUSAP DIBA?? "
Pagalit kong bulong. At syempre, tatahimik nanaman siya.
" LAGI NA LANG TAYONG GANITO!! "
" ANOO?? MAGSALITA KA? MANANAHIMIK KA NANAMAN BA? "
Kitang-kita ko sa muka niya ang pagaalinlangan. Ramdam ko na gusto niyang magsalita pero di niya lang magawa.
" KUNG GANITO NA LANG TAYO PALAGI, MAS MABUTI PANG MAGHIWALAY NA LANG TAYO!! "
Nabigla ako sa mga binitawan kong salita. Sabihin niyo nga sa akin? May mali ba sa dinedemand ko? May mali ba akong kinilos? May mali ba akong nagawa? Naiintindihan niyo ba kung bakit ako nagkakaganito? Alam kong nagiging parang immature na ako sa mga ginagawa at inaasta ko pero, yun lang naman ang hiling ko ee, simple lang ang hiling ko, bat di niya rin sa akin maibigay?
* FAST FORWARD *
Iniisip ko pa din ang nangyare kagabi. Hindi ko talaga nakontrol ang sarili ko. Ang mali ko lang talaga ee umasta akong parang bata, immature, pero kailangan bang ako nanaman ang mag adjust? NANAMAN??
Nagmessage lang siya sa akin kagabi tapos nag usap kami na parang wala nanamang nangyare. Hindi na ako galit. Inintindi ko na lang siya kasi ganun talaga siyang klase ng tao. Patuloy ko lang siyang iniintindi kahit na napaka unfair niya. Pero sa totoo lang, pagod na talaga ako.
Dahil wala kaming school works, naisipan ko munang pumunta dito sa bahay para maglinis. Pagpasok ko, napansin kong may tao sa loob. Nandito rin pala si Red.
Ngayon lang ulit kami bumalik ni Red dito sa bahay namin. Umuuwi kasi kami sa bahay-bahay namin kapag may pasok. Katulad ng sinasabi ko sanyo, minsan lang kami pumunta dito.
Nakita kong tahimik lang siyang nakaupo sa sofa. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Ngumiti lang din ako. Galit ba to? Nagdiretso lang ako sa kusina, medyo tanghali na kasi. Baka hindi pa siya kumakain. Ipagluto ko muna.
"By? "
" Oh? "
" Kumain ka na ba? Pagluluto kita? Anong gusto mong kainin? "
Sunod-sunod kong tanong. Maya-maya'y napansin kong nakasandal na pala siya sa dingding dito sa kusina.
" Bakit? "
Tanong ko, nakatitig kasi siya sa akin. Umiling lang naman siya habang matamis nag ngiti.
" Sabi ko anong gusto mong kainin? "
" Ikaw. "
Mabilis niyang sagot.
" Ha? "
Pagtataka ko.
" Ikaw ang bahala, sabi ko. "
Iyun ba talaga ibig sabihin niya? O gusto niyang magkainan? Magkainan sa hapagkainan, ganun! Isip niyo ah! Syempre gusto kong kasabay siyang kumain, minsan lang kaya yang gantong pagkakataong magkasama kami at nagkakaroon ng oras sa isa't isa.
" Sinigang? "
Tanong ko. Paborito kasi niya yun.
" Much better kung ikaw... "
Sagot niya.
" ... ang bahala. Ikaw ang bahala, kung anong gusto mo, dun na din ako. "
Mabilis niyang dagdag. Ikinulubot ko lang naman aking noo habang pasimpleng ngumiti.
* FAST FORWARD *
" Masarap? "
Tumango lang naman siya ng tumango habang suno-sunod ang paghigop niya sa sabaw. Napailing lang naman ako.
" Para ka namang bibitayin niyan HHAHA! Magdahan-dahan ka nga! "
Ngumiti lang naman siya sa akin.
Nagpatuloy lang ako sa pag kain ko, maya-maya'y bigla kong naalala yung nangyare kahapon.
" Ughhmm... Red? "
" Hmmm? "
Tapos tumingin siya sa akin.
" Regarding last night? Ganun na lang ba talaga yun? Hindi na ba talaga natin yun pag uusapan? Wala ng kasunod na pag uusap tungkol dun? "
Tanong ko, tapos saglit siyang huminto sa pag kain.
" Anong ibig mong sabihin sa kasunod na paguusap? "
Tapos kumain siya ulit.
" Bakit lagi mong iniiwasan ang usapan Red? Kaya lalong lumalala ee! Kaya walang adjustment na nangyayare. Kaya hindi tayo nakakahanap ng paraan para maayos ang isang bagay. Lalo lang lumalala! "
Sambit ko. Huminga lang naman siya ng malalim at walang inimik na kahit ano.
" Iyun na yun? Hays? Bubuntong hininga ka na lang ba? Tapos ano? Iiwasan nanaman natin to? Tapos gagawin mo ulit? Then it will continue again and again? Ganun? "
Dagdag ko pa.
" Hindi ko alam kung bakit hindi ako makapagsalita sa tuwing nagtatalo tayo, Babe! ..."
Sambit niya.
" ... Parang gusto ko lang talaga na manahimik na lang palagi kapag nag aaway o natatalo tayo. Siguro dahil na rin na ayoko nang nag aaway tayo. "
Dagdag pa niya.
" Red, hindi mo pwedeng ganyan lang ang gawin palagi. Ang pagtahimik ay hindi angkop sa lahat ng bagay. May mga bagay at pagtatalo na dapat tapusin sa pamamagitan ng maayos n apag uusap para hindi rin lumala ang sitwasyon We're not like the old us, Red! Hindi na tayo katulad ng dati! Kapag nag aaway tayo dati, tatahimik lang tayo tapos mamaya okay na, everything will gonna be back to normal. Pero ngayon? Madalas na tayong mag-away. Hindi na tayo katulad ng dating tayo. Kailangan natin tong maayos as soon as possible. Kailangan nating pagusapan ang mga gantong bagay kung gusto pa nating maging maayos ang pagsasama natin! "
Malumanay kong paliwanag.
Humingi ulit siya ng malamim at inihilamos niya ang kaniyang mga kamay sa kaniyang muka.
" Anong kailangan kong gawin, Katia? "
Tapos hinawakan niya ang aking kamay habang nakatitig pa rin kami sa isa't isa.
" Alam mo kung sino sa ating dalawa ang mas nasasaktan? Ako Red! Ako ang mas nasasaktan. Kasi kapag tumatahimik ka, tumatahimik na rin ako. And you know what's next after silence? I just keep every pain and that pain I kept become worst. It makes me worst, it makes us worst! Mas nagdudusa ako! Mas nasasaktan! ..."
Tumungo siya at walang masabi.
" ... Alam mo namang hindi ako ganito dati diba? Pero bakit ganito na ako ngayon? Bat ganto na ang mga kinikilos ko? Bat ganto na ang nararamdaman at nasasabi ko? Bakit nagagalit na ako kahit sa maliliit na bagay na yong nagagawa? Hindi naman ako ganto dati ah?! Bakit Red? Bakit ganto na ako? ... "
At unti-unti, kinakamuhian ko na ang sarili ko.
Tumingin siya sa akin na parang sinasabi niyang walang mali sa akin.
" ... Napakadaming panahon, paraan at oportunidad na pwedeng pwede mong ilaan sa akin ang oras mo't atensyon. Napaka daming pagkakataon na pwede kang bumawi! Pero pinilit ba kita? Pinilit ba kitang gawin mo yun sa akin? Na ibigay yun sa akin? Hindi, Red! I didn't beg for your time and attention! Iniintindi lang kita at naghihintay sa pagbawi mo. I saw every free time you have that you can give to me but I resist seeing you giving that time to others. "
" Bumitaw ka na lang Katia! Iwananan mo na lang ako! ... "
[ To be continued ]