Katia's Point of View
" ... Napakadaming panahon, paraan at oportunidad na pwedeng pwede mong ilaan sa akin ang oras mo't atensyon. Napaka daming pagkakataon na pwede kang bumawi! Pero pinilit ba kita? Pinilit ba kitang gawin mo yun sa akin? Na ibigay yun sa akin? Hindi, Red! I didn't beg for your time and attention! Iniintindi lang kita at naghihintay sa pagbawi mo. I saw every free time you have that you can give to me but I resist seeing you giving that time to others. "
" Bumitaw ka na lang Katia! Iwananan mo na lang ako! Give up on me! Walang may gusto sa ating dalawa na mangyare ito pero nasasaktan ka na! Mas mabuti pang bitawan na lang natin ang isa't isa. You don't deserve me. You are perfect and ideal. Kahit mga kaibigan ko sinasabi yan. They said that you are an ideal girlfriend and that's true!! I can prove it! But if an ideal girl will just suffer like that? Like this? Hindi ko kaya yun! If you stay, baka mas lalo kang masasaktan. Hindi mo ako deserve, Katia! Pabigat lang ako sayo! "
Malungkot niyang paliwanag habang nakatungo. Unti-unti kong hinawakan ang kaniyang kamay.
" Hindi mo naman kailangang gawin din yung ginawa ko, Red! You don't need to be an ideal guy just to say that I deserve you. I just need you to understand me. I just need you to feel what I feel! Ang kailangan ko lang ay kunting pagbabago. Gusto ko lang yung dati. Yung dating tayo! Yung dating ikaw! All I need is you, Red! Only you!! "
" I think I can't be the same Red I once was. Imposible nang maibalik yun! "
Sagot naman niya habang nakatungo pa rin.
" Hindi imposible kung susubukan Red! "
" Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ginagawa ko naman ang lahat pero walang nagbabago... "
Sagot niya.
" ... Kaya mas mabuti pang bitawan mo na lang ako, Katia! Ayokong masaktan ka ulit! "
Ngumiti na lang ako sa kaniya. Siguro kailangan muna naming magpahinga.
" Pag usapan na lang natin to mamaya, okay? "
Mas gugustuhin ko pang patuloy siyang intindihin kahit patuloy akong masaktan kesa makita ko siyang masaya sa iba. Tama na, Katia! Balewalain mo na lang lahat and everything will be fine after.
* FAST FORWARD *
Ramdam ko ang pagka-sincere ni Red. Ramdam kong nasasaktan din siya at ayokong nararamdaman niya yun. Okay lang sa akin na masaktan ako pero hindi ko kayang makita siyang nawawalan ng pag-asa at nasasaktan.
Nandito na ulit ako sa school. Syempre, aral talaga lagi naming inuuna. Medyo maaga pa naman bago mag mag uwian, wala kasing klase ngayong hapon, mabuti nga at wala ee, makakapag laan kami ni Red ng oras sa isa't isa. Kaya dahil walang klase, naisipan ko agad na pumunta sa classroom nina Red. Umuwi rin kasi kami agad kahapon, hindi kami nag stay sa bahay naming dalawa/binigay ng lola niya. May pasok kasi kinabukasan. Kaya iyun, miss ko na siya agad. Ewan ko ko kung bakit kung umasta ako ee parang wala lang nangyare, inisip ko na lang na mas makakabuti kung kakalimutan ko na lang yun at kumilos na parang walang nangyare, na parang katulad ng dati. Inisip ko na lang na kunting hindi pagkakaintindihan lang yun. Siguro kung babalewalain na lang namin yun at kakalimutan, mas magiging okay ang lahat.
Nakita ko si Red na natutulog sa may arm chair. Wala namang ibang tao kaya lumapit ako agad sa kaniya.
*Muah*
Sabay halik sa pisngi niya. Nagising naman siya dun. Binuksan niya ang mata niya para tingnan kung sinong humalik sa kaniya. Tumingin lang siya sa akin, tapos natulog ulit.
" Oyy, byy!! "
Malambing kong tawag sa kaniya.
" Hooyy! Gising ka na, kanina ka pa tulog simula ng dumating ka dito! Oyy! Gising na! Gising ka muna, may oras pa! "
" Hmmmm. "
" Oyy, babe! Gising! Andito na ako! "
Hindi pa rin siya bumabangon sa pagkaub-ob niya.
Hindi niya ba napapansin na sweet na ulit ako? Hindi niya ba napapansin na inadjust ko ulit sarili ko at ang nararamdaman ko just to take us back to normal? Just to make us be what we used to be? Hindi ba niya naisip na itong pagkawala ng klase ay isa sa mga way in disguise para makabawi siya at makapaglaan ng oras sa akin?
" Papunta ako sa bahay nina Aina mamaya, dun ako tutulog. "
Sabi ko sa kaniya. Wala lang, gusto ko lang marealize niya sa sarili niya na hindi kami makakapag laan ng oras mamaya kasi pupunta ako sa bahay nina Aina para mag bonding. Gusto ko rin naman kasing makihalubilo kahit minsan. Sarili ko naman kahit minsan.
" Oyy! Gising! Gising Red! "
Tumitig lang ako sa kaniya. Naghihintay na bumangon siya. maya-maya'y napabuntong hininga ako.
" HAAAAYYY!! Eto nanaman tayo! "
Bulong ko. At alam kong narinig niya yun! Ayy! Oo nga pala! Nakalimutan ko! Manhid nga pala siya! My bad!
" Hindi mo ba nakikita babe na inadjust ko ulit ang sarili ko para sayo? Hindi mo ba nakikita na hindi na ako galit sayo? Na hindi ako nagtatampo o kahit ano mang negative na nararmdaman ko? Hindi mo ba napapansin na kinalimutan ko na lang yung nangyare nitong mga nakaraang araw? "
Tapos bumangon siya at tumingin sa akin. Pero dun nagtapos ang pagiging malambing ko. Cold nanaman ako. Hindi nanaman mawari ang muka. Huminga ulit ako ng malalim.
" Eto nanaman tayo! "
Sabi ko.
" I'm sorry. "
Simple niyang sagot.
" It's okay! "
Malamig kong salita.
" Lagi naman kitang naiintindihan diba? "
Dagdag ko pa.
" I'm sorry. "
Sagot niya ulit.
I've been a fool, stupid, and martyr to love him so much than myself. Napaka bobo ko sa part na hinayaan kong abusuhin niya ang mga sakripisyo at pagiintindi ko.
" Iwan mo na lang ako. Bitawan mo na lang ako. Ayokong nakikita kang ganiyan. Hindi ko na layang mabago ang sarili ko. "
Kapag nag uusap kami ng ganiyan, tumutulo agad ang mga luha ko ng walang sabi-sabi. Minsan pa, humahagulhol ako ng iyak. pero ngayon? Ngayong mga oras na ito? Hindi ko na alam! Wala ng luha ni lungkot ang nararamdaman ko. Ang tanging alam ko lang na sa pagkakataong ito, gusto ko namang maging malakas. Gusto kong maging matapang at hindi ko na ipapakita sa kaniya na nasasaktan ako. Ayoko nang ipakita at iparamdam sa kanya na nakadepende lang ang sarili at buhay ko sa kaniya.
Sa pagkakataong ito, hindi ako iiyak.
Sa pagkakataong ito, kagustuhan ko naman ang masusunod.
Sa pagkakataong ito, ang sarili at ang nararamdaman ko muna ang uunahin ko.
Self-care is how you take your power back. No more martyring myself.
Katia's Point of View
Nagbreak kami kagabi ni Red, tapos ako parang wala lang nangyare. Oo, palihim akong umiiyak habang nagkakasayahan kami ng mga kaibigan ko. I've felt sad and lonely. But I didn't let those feelings break my smile that night. Masyado ba akong mahirap intindihin? Mamaya gusto ko, mamaya ayaw ko na? Ewan ko din, pati sarili ko di ko na maintindihan ee.
I always thought, maybe I really fall out love.
Papunta ako sa bahay namin. Wala pa akong balak kunin mga gamit ko dun, mag uusap lang ulit kami tungkol sa hindi pagkakaunawaan namin o baka maguusap kami to make this break up official.
Nagdiretso ako sa salas, pero wala naman siya doon. Nagpunta akong kusina, wala din siya doon. Siguro nasa taas yun. Ha? Bat nasa taas? Sa kwarto? This ain't good!
Tumaas agad ako at oo, tama kayo, nasa kama ang gago.
" Hooyy? "
Tawag ko sa kaniya. Tapos umupo ako sa kama. Tumayo naman siya at tumingin sa akin.
" Mag usap na tayo ngayon! "
Sambit ko, tumingin lang naman siya sa akin. Tumingin kami sa isa't isa na parang hindi namin mawari kung saan kami magsisimula.
" Ano? "
Sabay ngiti. Para kaming baliw dito na nagngingitian tapos di pa namin alam ang sasabihin namin.
Third Person's Point of View
Maya-maya'y tumahimik sila habang nakaupo parin sa may kama at bigla namang binasag ni Red and katahimikan.
" Hindi na tayo. "
Pagbasag nito.
" Alam ko. Kahapon pa. "
Natahimik naman si Red sa sagot nito.
" Bakit parang okay lang sayo? "
Tanong pa nito. Tumingin lang naman si Katia sa kaniya. Pinipigilan lang niya ang pagtulo ng kaniyang mga luha. She really wants to be selfish today! Gusto niyang unahin naman ang sarili at nararamdaman niya kahit ngayon lang.
" Iyun naman gusto mo diba? Hindi naman ako ang may gusto nun! "
Sagot naman ni Katia.
" Ayoko lang naman na nahihirapan ka dahil sa akin. "
" Naiintindihan ko. "
Sagot ni Katia kahit na sa loob-loob niya, hindi talaga. Hindi niya matanggap. Sobrang nasasaktan siya at gustong gusto niyang sabihin kay Red na " Sa tingin mo ba hindi ako nahihirapan sa ganitong sitwasyon? Sa tingin mo ba masaya ako? "
" Katia, I have waited for so long for the perfect girl and when I found you, my patience has finally paid off. But Katia, I don't want to waste that girl that I have waited just because of someone like me. You don't deserve me, Katia! You don't deserve me!! You deserve more!! "
Ngumiti lang naman si Katia sa kaniya. Isip isip niya, hindi niya talaga alam kung anong mararamdaman niya ngayon. Hindi niya alam kung dapat ba siyang magalit o hindi. Hindi niya alam kung titiisin na lang ba niya ulit ang lahat o kung iiyak na lang ba siya. Hindi niya alam kung yayakapin ba niya si Red at sasabihin sa kaniya na mahal niya ito. Hindi niya na talaga alam ang nangyayare sa sarili niya.
" I'm sorry. "
Pagpapaumanhin ni Red. Nakaupo pa rin sila sa kama hanggang sa nagkadikit ang ilong nila sa isa't isa.
Malalagkit ang kanilang mga tingin na nagbibigay sa kanila ng kakaibang ibig sabihin.
At maya maya rin ay hindi nila napansin na gumagalaw na pala ang kanilang mga labi.