26. New Relationship

1473 Words
Katia's Point of View I met Liam Timothée months from now. We just met, yun lang! Basta ang alam ko, masyadong komplikado itong pinasok ko. But don't get me wrong! I'm happy when I'm with him. " LIAM!! " Pabulong na sigaw ng isang pamilyar na boses ng babae. Lumingon ako pero agad din akong napabalikwas ng lingon, sabi na nga ba si Agathe ee!  Agathe Timothée. Siguro naman di ko na kailangan ipaliwanag diba? " Agathe! What are you doing here, honey? " Liam asked her. " WHO IS SHE, LIAM? TELL ME?!! " " Don't shout Agathe! She's just my client! " Huminga ako ng malalim. " What? I-I though-t she wa-s! " Pautal-utal nitong sambit kay Liam.  " Why are you thinking that way, honey? " I simply rolled my eyes. " Anyway, thanks for your time sir! I should go first! " Tapos kinamayan ko si Liam. And guess what, he just smiled at me. Thank me later, Liam. Lumabas na ako agad ng resto. Inayos ko ang nakapulupot sa leeg ko at nilanghap ang simoy ng hangin. Alright! Ngayong nakaalis na ako sa resto, sege tska kayo magtanong sa akin! Who's Liam? Well, Liam is my new. I don't know what kind of new, basta new! Liam is a good man. Lagi siyang nandiyan sa tabi ko. Pinapasaya at pinapatawa niya ako at sobrang komportable ko kapag nasa tabi ko siya. Matagal ko ng alam na may asawa na siya. He's three years older than me anyway. He also feels the same din naman kapag nakakasama niya ako. But the thing is, he just loves me because I'm comforting him. He just loves me whenever her wife is away from him at oo, alam ko yun. He's sweet, gentle, funny, smart, and wealthy and somewhat I fell into his bait.  Alam ko namang mali ito. Isa pa, hindi niya naman ako niligawan ee, tska hindi ko rin naman masabing gusto ko siya. Pero kahit ganun, we still call each other "Babe" as an endearment. Pero huwag niyo akong husgahan, matagal ko na rin naman napapagisip-isip itong ginagawa ko ee. Yes, I'm happy and comfortable when I'm with him. Pero ito ba talaga ang gusto ko? Ang maging masaya kahit na alam ko na may masasaktang iba? At kahit alam ko sa sarili ko na masasaktan siya katulad ng naramdaman kong sakit nung niloko ako ni Red? Bakit kaya nalaman ni Agathe kung nasaan kami? Bakit kaya siya sumugod ng ganun? Ewan ha? Pero sa mga buwan kasi na nagkasama kami ni Liam kahit isang beses hindi yan nagpakita sa kompanya ni Liam or even to go out with Liam. Ahh!! Alam ko na ang dahilan!! Siguro nakaramdam si Agathe dahil sa nangyare kagabi. * FLASHBACK * " Do I know you? " Nagulat ako sa message na nabasa ko. Si Liam ba ito? Bakit niya naman itatanong out of blue if I know him di ba?  Ahh! Teka! Parang alam ko na kung sino to. Tinawagan ko isang number ni Liam para kompirmahin sa kaniya kung siya ang nagmessage sa akin nun. " I'm sorry, babe! I'm still on work, baka hindi muna tayo makalabas mamaya for dinner. Let's just move it tomorrow, okay? Lunch, is that fine to you? " Paliwanag niya sa akin. " It's okay, babe! I don't mind it! May gusto lang sana akong itanong. May nagmessage kasi sa akin gamit yung account mo, and that someone asked me kung kilala ko daw ba siya? Ikaw ba yun? Maybe it's your?? " " I told you she will saw your messages, kaya nga sabi ko sayo dito mo na lang ako imessage diba? Sabihin mo na lang sa kaniya na client kita. " Eto ang problema ng pangalawa ee. Second girl, second lover, mistress, side chick. Napaka problematic. " Sinabi ko na din yun bago pa ako tumawag sayo. Sabi ko na lang hinahanap kita dahil client mo ako. " Paliwanag ko. Ayoko kasing pag ugatan ng away nilang dalawa or worst, maghiwalay pa sila. Atska wala naman akong ibang napapagsandalan nowadays except kay Liam. Kaya even ganto ka komplikado, okay lang, umaasta lang ako na wala lang ang lahat. Okay lang naman kasi talaga ee, importante nandito sa tabi ko si Liam. Komportable lang ako sa kaniya pero hindi ko alam kung mahal ko siya. I know that he loves her wife so much and I know I can't change it kahit na alam kong unti-unti na siyang nahuhulog sa akin. Sa ilang buwan na nagkasama kami, nakita at naramdaman ko ang lahat ng efforts niya para sa akin.  And yes, I also saw how I make him fall in love with me gradually. But yet, this is wrong. * END OF FLASHBACK * I'm now in my condominium. Medyo gabi na rin kasi. Buti na lang wala na masyadong gawain sa kompanya. Buti natapos namin agad ang mga gawain this month.  Hihiga na sana ako sa kama para magpahinga ng biglang tumunog ang door bell. Lumapit naman ako agad dito. " It's me, Liam. " Agad ko naman siyang pinagbuksan. " Oh? Bat napadaan ka dito? Gabing gabi na ah! Baka masundan ka nung asawa mo! " Agad ko siyang hinila papasok ng condo tapos tiningnan ang kapaligiran. Baka kasi nasundan siya dito. Lagot kami nito ee. " Wala na, pinauwi ko na kanina. Kaya wala lang yun! Wag ka mag-alala! " Sagot niya. "Okay! Pero bakit ka ba napadaan dito? " Tanong ko habang pumunta sa kusina para ikuha siya ng maiinom. " I just wanna say sorry about what happened earlier. " Sambit niya. Ngumiti lang naman ako na parang sinasabi kong okay lang yun. " Juice or coffee? Teka! Kumain ka na ba? " " Oo, kumain na ako! Nagdinner kami sa labas ni Agathe, sabi ko lang may dadaanan pa akong papeles sa kompanya. Tapos nagdiretso ako dito. Kahit kape na lang, medyo malamig sa labas. " Agad ko naman siyang ipinag-blend ng kape. Tapos agad kong ibinigay ang kape sa kaniya habang nakaupo siya sa may harapan ko. Sumandal lang ako sa malapit sa coffee blender at napatahimik. " Liam? " " Hmmm?! " " Naisip ko lang. Bakit hindi mo na lang seryosohin yung asawa mo? Mag focus ka sa kaniya. " Sambit ko habang nakatitig sa sahig. " Bakit mo naman biglang nasabi yan? " Tanong niya sabay higop ulit ng kape. " I don't want to be a mistress Liam. Atska, hindi naman kasi talaga ako ganito Liam. Hindi talaga ako ganitong klase ng tao. Sadya lang na naguguluhan pa ako tungkol sa mga nangyayare sa akin in my past kaya sinubukan ko. Honestly, Heartbroken pa kasi talaga ako nung mga araw na nagkakilala tayo. " " Katia?!-- " " I don't want to hurt your wife Liam. " Katulad kanina, muntikan ko ng masaktan si Agathe, I know sinasaktan ko na talaga siya, pero kung nalaman pa niya talaga kanina at kagabi kung sino talaga ako sa buhay ni Liam. Alam ko kung gaano kasakit ang mararamdaman niya. Katulad ng sakit na naramdaman ko noon. Like I'm nearly dying in despair. Huminga lang siya ng malalim. Matagal ko na kasi talaga itong pinag iisipan. " Yes, I wanna talk to you and be with you all the time. Gusto ko yung ganito! Katulad nito! Kahit wala naman talaga tayong label... " Kung tutuusin nga para lang naming pinaglalaruan ang isa't isa. Like a rebound? Rebound ang turing namin sa isa't isa, I guess? Ganun din naman yun diba? Have you ever been a rebound? Sege, sabihin niyo sa akin ang pakiramdam!! Masakit diba? Sinong hindi nasaktan, babatukan ko!!  Masakit kaya yun!! Pero sa case naman namin, pareho naman namin na nirerebound ang isa't isa.  Tama pa rin ba ang utak ko? Punyeta, defected na ata yung kalahating ga-monggo kong utak. " ... I love talking to you, Liam! And I'm so comfortable with you but I don't wanna do this anymore. Nanliliit ako! I look so small! I pity myself! " Kasalanan ko naman ito ee, at alam ko yun. Kasi nagpaka easy to get ako. Gusto ko lang kasi maging masaya ulit nung mga araw na nagkakilala kami. I really need a shoulder to cry on that time. Inisip ko lang ng mga oras na yun ay maging katulad na rin ng ibang tao na ang gusto lang ay makipag landi. Makipag flirt. Sumaya, kahit pansamantala lang. Ganun talaga siguro kapag desperada ka sa Love! Sobrang daming katangahan ang hindi namamalayan na nagagawa na pala. Hindi lang naman siya nagsasalita. Maya-maya'y may tumawag sa phone niya. He give me a signal na sasagutin niya muna yung tawag, tapos lumayo siya papunta sa sala. Sumunod din naman ako. " Okay, I'll be there in... " Tumingin siya sa relo niya. " ... in twenty minutes. " I guess this is an urgent nanaman. " I've got to go, babe! It's urgent. " Pumunta siya sa akin habang kinukuha ang jacket niya.  Nakasandal lang naman ako sa may pader habang naka crossed arm tapos hinalikan niya ako sa pisngi. " Let's just talk about it next time okay? " He added. Dahan-dahan lang naman akong umango habang nakangiti. Tapos umalis na siya. Huminga ako ng malalim. Haaayysss!! This next time he talks about will never be tomorrow nor next week. I'm sure about that.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD