27. An Option

1505 Words
Katia's Point of View * TWO WEEKS AFTER * Nakaupo lang ako dito sa office ko ng biglang nag ring yung telepono. Yung assistant ko pala. " Madame, M. Liam est dans la ligne./ Ma'am, Mr. Liam is in the line. " Sambit nito. " D'accord merci!/ Okay, thanks! " Agad ko namang inilipat sa kabilang linya. " Good morning, babe! " Bungad nito. " Why? " Alinlangan kong tanong. " Why what? " " Why did you remember me? " Tanong ko. " Sorry, babe! Medyo naghihinala kasi si Agathe, kaya inuna ko muna. " Tama ako diba? He won't remember me unless his wife is not around her. " Sus! Ang sabihin mo na aalala mo lang ako kapag bored ka! " Paglalambing ko. " Hindi ah! Busy lang talaga ako! Sorry na kasi! " " Baliw!! " " Baliw sayo!! " Okay! Marupok alert!!  " Ewan ko sayo, sabihin ko kaya yan sa asawa mo? " Pabiro kong sambit. " So what? " " So what so what ka diyan!! Gusto mo bang maghiwalay kayo? " " HAHAHA! Later at 6pm. Dinner tayo! ... " He's avoiding it again.  Bat ba ayaw niya pang makipaghiwalay. Yeah, although, hindi naman niya talaga ako niligawan. Pero bakit ayaw niyang tantanan na ito? Alam ko naman na hindi niya ako mahal ee. It's just, coincidentally, I'm the one who's there whenever his wife is away. I'm the one who's filling the gap inside him. And I know, I'm just an option.  There is a difference between being alone and being lonely and quite frankly, I was dealing with the reality of both at the same time. I don't know if I just want to do something new, or I'm just desperate, looking for someone again who takes care of me as I used to feel. At pansamantala, pinunan iyun ni Liam. Women have come a long way to learn how to be independent and intelligent, and yet, most of us are still willing to accept and be satisfied with being the number two for a man who’s not even half our worth. We are more than just ' The Number Two ' and we should not settle for less. I realized that, If the man's intention is to be a player, he must be a player. Not to be a liar. To be a player means to have all his women know that they’re not the only women in your life. Hiding one or several of them in hopes that he is his girlfriend or wife won’t find out is something that a liar would do. We should know the difference. Ayokong masaktan ang asawa niya dahil sobrang alam ko kung ano ang pakiramdam nang maloko. I've been there. I felt it. At ayokong maging ugat ng away or worst, ng paghihiwalay nila. So, I really should finish this as soon as possible. * FAST FORWARD * Nandito ako ngayon sa coffee shop malapit sa kompanya namin. Na sstress ako sa loob ee, lumabas muna ako saglit. Hayss!! Tatawagin ko na sana yung waiter ng may biglang umupo sa harap ko. Isang sobrang pamilyar na babae. Sarcastic lang siyang ngumiti sa akin. " Who are you? " Tanong ko sa kaniya. " I am the one who should ask that to you, right? Who are you? " At oo, wag niyo ng itanong kung sino. Alam niyo na nanaman siguro. " Magkaano-ano kayo ng asawa ko? " " Bakit? Sino ba asawa mo? " Tanong ko. Kailangan kong mag ingat. " Don't fool me around young lady! I know you know me!! Who are you to Liam? " " Oh! Liam! I'm his cousin. " Pagsisinungaling ko. " Akala ko ba kleyente ka niya? Atsaka paano mo siya naging pinsan? " Potek, Katia! Sabi ko mag-ingat diba? " Bakit mo ba tinatanong ha? Ano bang meron? " Segwey kong tanong. " Tinatanong ko ang mga ito dahil palagi kong nakikitang nag pa-pop-up ang pangalan mo, pero whenever bubuksan ko na ito, laging nawawala agad. Who really are you huh? " Paliwanag at tanong niya. Napasarcastic naman ang ngiti ko sa kaniya. " Huwag ka mag-alala! He's all yours! " Sambit ko. " Kung talagang mahal mo siya, pagkakatiwalaan mo siya. " Dagdag ko pa.  " Matagal na ba kayong magkakilala? Matagal na ba kayong nagkikita? Kelan pa? " Sunod sunod niyang tanong. " Hindi kami madalas magkita ni Liam. Minsan lang. " Sa tingin ko naman naniniwala siya. " Hindi ko kasi alam, hindi ka naman niya kasi naiikwento sa akin. Di niya naiikwento sa akin na kleyente niya yung pinsan niya. " Malumanay niyang paliwanag na parang nag-iisip. " Siguro wala ka lang oras sa kaniya kaya hindi niya nasasabi sayo agad o kahit magkaroon ng kunting kwentuhan man lang about his work. " Liam told me na laging nasa out of town ang asawa niya. Di ko naman kasalanan kung ako yung nandyan diba? Tell me I'm wrong? " Sa totoo lang, madami akong oras sa kaniya. " Sagot naman niya. " Sure ka ba? How can you be so sure? " Sarcastic kong sambit. Gusto ko kasing sampalin siya sa katotohanan na baka naman nagkukulang na siya. Baka lang kasi may mapagtanto siya.  Iniisip ko rin, siguro isa to sa mga guide sa kanila para maging matatag. Siguro nakatadhana na pumasok ako sa buhay nila para bigyan sila ng mga hamon at para masukat ang kanilang pagmamahalan at pati na rin ang pagiging matatag ng relasyon nila. " Bakit? Sinabi niya ba sayo na nawawalan ako ng oras sa kaniya? Ohh! Nalimutan ko, siguro ikaw ang lagi niyang kausap kapag wala ako, kaya mo siguro alam ang mga tungkol siyan. " Sarcastic niyang paliwanag. Naiintindihan ko naman kung bat siya nagkakaganito. But even she's somehow rude to me, I will not rudely repute her as well. Maybe this is the time for her to realize something. " Wala siyang binabanggit sa akin tungkol sa pagkawala mo ng oras sa kaniya, naisip ko lang, baka lang naman wala ka talagang oras sa kaniya? O baka naman sinasakal mo siya-- " Sagot ko. " O baka naman asawa ka rin niya? " Pagputol niya sa salita ko. " Siguro hindi mo lang napapansin na nasasakal mo siya? " Eto na lang sinagot ko. " Ano bang alam mo sa relasyon namin? You have no idea! You don't know anything about us!! " Bat siya nagaglit? Galit na galit? Gusto manakit? " Yeah! You're right! I don't know anything about your relationship. But one thing I know, that your relationship is strong!! " " Oo! Tama ka!! Matatag kami!! Kaya pwede ba!! Huwag mong sirain!! " Pagalit niyang pagmamakaawa. " Kung balak ko rin lang naman pa lang sirain ang relasyon niyo, edi dapat hindi ko na pinatagal hanggang sa makarating sa puntong ito. Dapat matagal na, matagal ko na siyang inagawa. Pero di ko yun ginawa. Kasi di ko naman intensyon yun kasi magkaibigan lang naman kami. " " Kung kaibigan ka niya talaga o pinsan o kung sino ka naman sa kaniya, pwede bang lumayo ka na lang? Layuan mo na lang siya. " Mahinhin niyang pagmamakaawa. " Atsaka ano bang alam mo ha? Matagal niyo na bang kilala ang isa't isa? O baka naman matagal na talaga niyo akong dalawa na niloloko? " " Sa tingin mo ba sasabihin ko to sayo kung gusto kong sirain kayong dalawa? " Hindi ko naman kasi talaga balak umabot pa sa ganito. Pinipilit ko naman siyang kausapin tungkol dito pero siya talaga ang pilit na lumalapit sa akin.  Siguro, tanging pag-uwi lang ng Pinas ang solusyon dito. " Tss.. Huwag mo nga akong pinaglololoko!! Narinig ko na yan oyy!! Pero ito lang gusto kong sabihin sayo ha? STAY WAY TO MY HUSBAND!! Huwag mo na kaming guluhin!! ..." Nakikinig lang naman ako sa kaniya. Huwag ka mag-alala Agathe, balak ko rin naman yun ee! Hindi lang ako makahanap ng paraan kung paano. " Alam mo kung gaano ko siya kamahal. Madaming beses na niya akong sinaktan. He hurt me so many time for these same reasons!! Same pains!! " Dagdag niya. " Bakit parang ako yung masama dito? Kung alam mo lang talaga, kung alam mo lang kung paano niya banggitin sa akin na mahal ka niya. Kung alam mo lang kung paano ko sabihin sa kaniyang huwag ka niyang saktan pa. Kung alam mo lang. " Sagot ko. " Ikaw lang ang nagbibigay ng sarili mong sakit at sugat sa sarili mo! Yourself is the reason why you are hurting!! Lagi ka kasing tamang hinala!! Why could you just trust him? If you do trust him in the first place, maybe he will not do things like what you're saying! " Dagdag ko pa. " Alam kong alam mo kung bakit ako ganito!! " " Paano siya magpapakatino at mabuting asawa kung ang palaging tingin mo sa kaniya ay manloloko at hindi katiwa-tiwalang tao? Paano mo siya mapapagkatiwalaan kung lagi ka namang tamang hinala? " Paliwanag ko pa! Tama naman ako diba? Paano magiging "kung anong gusto mo" yung isang tao, kung tintingnan mo siya na "kailanman ay hindi siya magiging katulad ng gusto mo" ? " Napaka buti niyang tao, samantalang yung taong mahal na mahal niya ay ang tingin sa kaniya ay masama at walang kwenta. Hindi mo ba yun naiisip ha? " Dagdag ko pa. " You don't have any idea what I've been through!! You don't know what I've been inside the three years that we've been married!-- " " And you also don't have any idea what I've been in six years! "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD