Katia's Point of View
" SABIHIN MO NGA SA AKIN KUNG ANONG MERON SA f*******: STATUS?? "
Tanong niya.
" TANGA! BOBO! MANHID!! TAKE IT BACK RED!! TAKE IT BACK!! "
Desperada na ako! Bat ako ang nadedesperado?
" Take back what? "
" Tanga mo talaga noh? Napaka wala mong kwenta! Hayop ka! Napaka manhid mong siraulo ka!! WALA KANG PUSO!! Sege Red! Itaning mo sa ibang tao kung anong mararamdaman nila sa bagay na ito. Siguro sa ganoong paraan, mararamdaman at maiintindihan mo na ang ibig kong sabihin! "
Oh? Ano? Kayo? Sege nga! Ipaliwanag niyo nga kay Red kung anong ibig kong sabihin kung bat ako nag iinarte ng ganto? Sege ipaliwanag niyo! Sabihin niyo kung anong mali ko! Ipaintindi niyo sa kaniya ang point ko!!
" Enough! Please! Enough! "
Pagmamakaawa niya.
" Puk*ng ina moo!! Enough ha? Enough? Ee ihampas ko kaya sayo yang sofa!! Anong karapatan mong sabihin yan ha? Ako dapat ang magsasabing tama na hindi ikaw!! Punyeta! Wala ng luhang nagbabadyang pumatak ee, puro galit na ang nararamdaman ko!! "
" I'm sorry! Please! I'm sorry! "
" I DON'T NEED YOUR SORRY! DON'T YOU REALLY GET MY POINT?? NASASAKTAN AKO LALO SA MGA PINAGGAGAWA AT SINASABI MO!! TAPOS NGAYON SASABIHIN MONG TAMA NA? YOU ARE THE ONE WHO MADE THIS WORST!! "
Tama naman ako diba? Tell me I'm wrong!
Ipinikit niya ang kaniyang mga mata na waring pagod na pagod.
" It's been a long day Katia! I'm tired! Nasiraan pako ng sasakyan kaya dito ako nagdiretso! Let's talk about this next time please, I have no tim- "
Paliwanag niya, pero diko siya pinatapos.
" Alam ko! Alam kong wala kang oras! Hindi ka naman naghahanap ng paraan kapag may nangyayareng ganiyan diba? Hindi ka gumagawa ng kahit anong paraan for us to end the conversation well and for us to be fixed as soon as possible! Hindi ka naman humahanap ng paraan simula pa una diba? Kasi madami kang rason! Kailan ka ba naghanap ng paraan ha? Kelan? "
Tumahimik lang naman siya.
" At sinadya mo pang palitan agad yun at gawin ang mga ito! Gustong gusto kitang saktang hayop ka! Gusto kitang murahin! Like what the f**k Red! Siraulo ka ba? Ganun kabilis? Tapos itatanong mo sa akin kung anong meron sa statys? Na statys lang yun? ..."
Nakikinig lang siya.
" ... I know I've been so immatured talking about this nonsense status pero kahit na status lang yun, para mo na ring sinasabi sa muka ko na hindi mo na talaga ako kelangan kahit kailan! Na hinding hindi ka na babalik! ... "
Ngumisi naman ako.
" ... Naalala mo ba motto natin ha? Yung mottiong, "Kapag may gusto maraming paraan, pag ayaw maraming dahilan."? Naalala mo yun? ... "
Humakbang ako papalapit sa kaniya.
" ... Sege! Sabihin mo Red! Nasaan ka doon? Yung taong humahanap ng paraan at lumalaban? O dun sa taong madaming alalahanin, reklamo at dahilan? Simula pa lang motto na natin yun diba? Oh, alin ka dun Red ha? ... "
Nagmamataas kong tanong.
" ... Siguro naman alam mo kung nasaan ako doon Red! At sana alam mo din kung alin sa dalawang yun ang gusto kong nandoon ka! "
Paliwanag ko.
" How many times do I have to tell you that even me, myself, don't want any of this to happen. Ako mismo, ayoko tong nangyayare! But Kathrina, Enough! Enough! Enough! "
" Hindi mo gusto ang nangyayare? Pero napaltan mo na agad status mo, at nakapag desisyon ka na ka agad sa relasyong to? Hindi mo yun gusto? Ano yun? Di mo yun sinasadya ha? Hindi mo sinasadya na nagagawa mo ang mga bagay na yun kasi di mo gusto ang nangyayare? "
" Hindi naman nababase ang isang bagay sa kung ano lang nakikita natin diba? Hindi rin natin naiipaliwanag ang isang bagay based on our status! At oo! Pinaltan ko ang status! Pero ako ba yung status? Yung status ba ang may nararamdaman? Yung status ba ang nagmamahal? "
Sa totoo lang, wala akong masabi sa mga naririnig ko. Alam kong I was thinking as an immatured person but still, it's not right! You have no idea what I felt when I saw that! I felt hopeless! I felt pain! Maybe I'm just desperate! I'm so desperate and worried that someone can see that he is no longer tied to love. I'm worried that he will be easily found someone else. And I'm worried that the new girl he will be found will make him happy. The happiness that he can't find and even feel when he's with me.
" Iyun talaga yung ayaw na ayaw ko sayo Red pero gustong gusto ko rin! Napaka practical mong mag isip. You are always living in reality. Pero minsan, somosobra ee! Somosobra kaya hindi mo alam kung paano lumaban. Because you didn't even think about the fantasy. You're always thinking about reality. You don't think about the positives because you are always living in your what if's. For once Red, why can't you hold on? "
" I'm sorry! "
" Kahit na galit ako sayo Red, okay lang! Naiintindihan naman kita ee at palagi kitang naiintindihan at iintindihin. I will be happy as long as you will fulfill your dreams and our dreams for each other. Magiging masaya pa rin ako kahit matupad natin ang mga pangako natin ng hindi tayo magkasama. "
And as of October 25, 2919. We've taken different paths. The other one goes left and the other goes right!
* FAST FORWARD *
At pagkatapos nun, hindi pa rin namin masasabing tuluyan naming kinalimutan ang isa't isa.
Minsan, nag uusap kami na parang wala lang nangyare. Wala na nga lang ang kami, pero at least my closure pa rin kami diba? Nagmemessage din kami sa isa't isa paminsan minsan, nagtatawanan pa nga kami at nagkukulitan, pero uulitin ko, wala na nga lang ang kami.
Closure lang meron kami, pero minsan pa'y napapag isip-isip ko. Parang ganun lang din naman diba? Parang gumagawi pa rin kami na parang kami. Nag uusap, nagtatawanan na parang "Kami!". Kung tutuusin nga, ngayon hiwalay na kami, parang ngayon pa siya nag karoon ng oras sa akin. Oh diba? Kung titingnan niyo ang ibang perspective, maiisip mo na lang na "Ganun din naman ee, parang tayo pa rin, bakit hindi na lang tayo magsimula ulit?"
Iwinasiwas ko ang aking ulo. Wag mo na kasing isipin yun, Kathrina!
Naglalakad ako ngayon pauwi, wala lang gusto ko lang maglakad. Naglalakad mag isa nanaman syempre. Walang Red na kasabay, walang kaibigang kasabay. Busy kasi ngayon mga kaibigan ko kaya nauuna ako sa kanilang umuwi. Hayss, okay lang naman, sanay na ako.
Sa paglalakad ko ay bigla kong naisipang dumaan na din sa isa sa mga paborito kong lugar, sa lugar kung saan nagkakaroon kami ni Red ng oras sa isa't isa. Yung paborito naming lugar, lugar kung saan mas lalo pa naming minahal ang isa't isa.
Nandito na ako, mabuti hindi masyadong mainit. Katamtaman lang ang panahon.
Umupo ako sa ilalim ng puno. Maya-maya'y napatingin ako sa langit kasabay ng pagbagsak ng mga ilang mababangong dahon sa muka ko.
Abah teka! Parang lumalaki na ata 'tong puno na ito ah! Three years ago hindi pa ito ganto kalaki. Tska huling punta namin dito hindi talaga to ganto kalaki. Andaming nagbago.
Huminga ako ng malalim. Ganun na ba katagal simula nung huli kaming nagpunta dito? Ganun na ba katagal nung huling date namin ni Red? Ganun na pala talaga katagal simula nung huling beses na naglaan kami ng oras sa isa't isa. Kaya siguro dito kami sa puntong to napunta. Hindi pala, wala palang napuntahan ang relasyon naming dalawa.
Pinakiramdaman ko lang ang malamig na ihip ng hangin. Pumikit ako saglit nang may narinig akong grupo ng tao na nagtatawanan sa bandang likod ng punong aking sinasandalan. Binuksan ko ang aking mga mata, tumingin sa bandang likod, ng bigla kong nakita ang tanging lalaki na noo'y aking lubusang sininta.
Nagtatawanan pa rin sila ng bigla kong napansin na nagpaalam siya sa mga kasama niya at papunta sa banda ng punong ito.
Lumapit siya sa puno at naramdaman kong umupo rin siya sa ilalim nito.
Hindi niya siguro ako napansin kasi asa likod ako nung punong sinasandalan niya habang nasa unahan naman siya.
Maya-maya'y binasag ko ang katahimikan.
" Sana all masaya. "
Nakatitig ako sa kawalan, ewan ko kung tumingin siya sa likod niya para tingnan kung sino yung nagsalita, pero sa palagay ko naman lumingon siya at napansin ang boses ko.
" Napakadaling ngumiti sa harap ng madla. "
Sagot niya.
" Sana ako rin. "
Sambit ko. Pareho pa rin kaming nakasandal sa puno ng aming pagmamahalan.
" Hindi mo ba napapansin na para din tayong katulad dati? Na parang ganun din? "
Tanong ko habang nakatitig parin sa kawalan.
" Anong ibig sabihin mong dati? "
Tanong niya.
" I mean, we're still like the same old us... "
Paliwanag ko.
" ...Parang... Katulad pa rin na dati. Dating tayo. "
Dagdag ko pa. Hindi naman siya nagsasalita at patuloy lang siya sa pakikinig sa sinasabi ko.
" Naisip ko lang, kung katulad din naman tayo ng dati, bakit pa natin to ginagawa? Bakit hindi na lang tayo maging ganto habang tayo? Bakit di na lang ulit tayo? "
Tanong ko ulit.
" Huwag mo na isipin ang ganiyang mga bagay, Katia! Huwag na ako. "
" Anong ibig mong sabihin? "
Tanong ko.
" I mean, huwag! Huwag na lang ako. "
Sambit niya. Tumungo ako at malumanay na nagsalita.
" Alam kong hindi mo maiipangako na magbabago ka at hindi mo na ako masasaktan ulit. Alam kong hindi mo yun maiipangako pero wala na akong pakealam Red! Ang gusto ko lang ay ikaw. I just want you to fight for me!! "
That's all I ever want.