Katia's Point of View
" ...Parang... Katulad pa rin na dati. Dating tayo. "
Dagdag ko pa. Hindi naman siya nagsasalita at patuloy lang siya sa pakikinig sa sinasabi ko.
" Naisip ko lang, kung katulad din naman tayo ng dati, bakit pa natin to ginagawa? Bakit hindi na lang tayo maging ganto habang tayo? Bakit di na lang ulit tayo? "
Tanong ko ulit.
" Huwag mo na isipin ang ganiyang mga bagay, Katia! Huwag na ako. "
" Anong ibig mong sabihin? "
Tanong ko.
" I mean, huwag! Huwag na lang ako. "
Sambit niya. Tumungo ako at malumanay na nagsalita.
" Alam kong hindi mo maiipangako na magbabago ka at hindi mo na ako masasaktan ulit. Alam kong hindi mo yun maiipangako pero wala na akong pakealam Red! Ang gusto ko lang ay ikaw. I just want you to fight for me!! "
That's all I ever want.
" Eto nanaman tayo ee! Tapos na yun! Tapos na! Tama na! "
Malumanay niyang sagot.
" Pero maraming masasayang, Red! Lahat masasayang! Hindi ka ba nanghihinayang? Hindi mo naiisip na baka magsisi tayo? "
" Ibig mong sabihin kumakapit lang pala tayo sa relasyon natin ng ganun katagal dahil ayaw nating may masayang? "
Tanong niya. Inilingon ko ng kunti ang ulo ko sa likod ng sinasandalan ko.
" Hindi iyun ang ibig kong sabihin Red! Ano ba?! I really don't get it why you don't understand it! Hindi ko alam bakit ganyan ang mga salita na patuloy mong sinasabi!... "
Sagot ko sa kaniya.
" ...I feel sorry for us. Nakakahinayang, pero alam mo? Hindi naman yung taon ng mga pinagsamahan natin ang masasayang ee. Tayo mismong dalawa ang sayang! ..."
Dagdag ko pa.
" ... MASASAYANG TAYO!! Mahal pa naman natin ang isa't isa hindi ba? EE BAKIT PA NATIN TO GINAGAWA?? PINAPAHIRAP LANG NATIN ANG MGA BAGAY BAGAY!! Hindi naman paghihiwalay ang dapat na maging sagot, Red! Kundi pahinga! PAHINGA LANG RED!! ... "
" ... Magpahinga lang tayo, babe please! Pahinga lang tayo! "
Dagdag ko pa. Tumingin ako sa kalangitan habang nararamdaman ko nanaman ang pagbadya ng aking desperadang luha.
" Bakit hindi na lang tayo mag pahinga tapos magsimula ulit? Yun lang naman Red! Okay na yun! Hindi ko alam kung bakit hindi mo yun maisip! Bakit pinapalala mo pa ang mga bagay? Bakit patuloy mong pinapamuka sa akin na wala na tayong pag-asa kahit alam naman natin sa sarili natin na meron pa! "
"Ang paghihiwalay ay para lang sa dalawang taong nawalan na ng pagmamahal sa isa't isa! PERO MAHAL PA NATIN ANG ISA'T ISA RED!! BAKIT KAILANGAN NATING MAGHIWALAY?? "
Sandaling tumigil ang mundo, natulala at natahimik ang kapaligiran.
" Sabihin mo lang na babalik ka, pangako titigil na ako sa pangungulit kong ganito!! "
Please say it, Red! Please say it!!
" Naalala mo nung sinasabi ko sayo na kapag iniwan mo ako at kapag nawala ka, mawawalan rin ako ng best friend. Kasi simula't simula Red, ikaw-w lang yung-g... Best Budd ko ee! Paano na ako-o? Paano na ako bukas kung-g mawawala ka na? "
" Nanadito pa rin naman ako Katia ee! Nandito pa rin ako kapag kailangan mo ako! Pwede ka pa rin lumapit sa sakin sa tuwing my problema ka. "
Sagot niya. Pinipilit kong burahin ang mga tubig sa muka ko.
" Basta sabihin mo na babalik ka! Ititigil ko to basta sabihin mo lang na babalik ka! "
Ikaw lang gusto ko!
" Kung tayo talaga, tayo talaga! At kung dumating man ang araw na yun, bakit hindi diba? Ipaubaya na lang natin ang lahat sa panahon at tadhana. "
Paano kung hindi pala?
" Hindi natin masasabi diba? Paano kung balang araw magkita ulit tayo, pareho na nating nakuha ang mga bagay na gusto natin sa buhay. Bakit hindi diba? Bakit hindi tayo ulit kung dumating man ang araw na yun?! "
Dagdag pa niya.
Bakit kailangan mo pang magpaligo-ligoy pa, Red? Ilang salita lang naman yun ee! Sabihin mo lang na babalik ka. Tska akong sinasabi niyang kapag nakuha na ang lahat sa buhay? Kapag successful na?
" Anong ibig mong sabihin diyan sa sinasabi mo? Bakit parang pinaplano mong hindi bumalik agad at hintayin pa ang ganun kahabang panahon? "
Napakatagal naman ng pinaplano niyang pagbabalik. Huminga siya ng malalim.
" Hays! Ayokong nagsasalita ka ng ganiyan, Kathrina! Para kasing lumalabas na naghahabol ka! Na hinahabol mo ako! "
Paliwanag niya. Pota anong masama dun? Ee mahal ko siya? Walang hiya-hiya kapag nagmamahal ka, tira lang ng tira hangga't kaya!
" Ano naman? Anong masama dun? Atska hindi naman kita hinahabol ah! Nagpapaliwanag lang ako... "
Tama naman ako diba? Nagpapaliwanag lang ako!
" ... Atska, wala namang mali ah? Kung ikaw kaya, kapag mahal mo pa yung isang tao, hindi mo ba siya hahabulin? Bakit mo ba sinasabi yan ha? ... "
Unti-unti na akong umaangat sa pagkasandal ko sa puno.
" ... Siguro, hindi naman talaga dahil ayaw mo ako masaktan ulit ang dahilan mo kung bat mo to ginagawa, siguro pagod ka na! Siguro iyun talaga ang dahilan. "
" Eto nanaman tayo! Para tayong sirang plaka!! "
Pauli-ulit ba ako? Hindi naman diba? Sadyang ganto ko lang siya pinapahalagahan.
Tumahimik ulit ang kapaligiran.
" Hindi ko kasi talaga maintindindiha-- "
Pinutol niya ang salita ko ng bigla siyang bumungad sa harap ko.
" ALIN SA MGA SINASABI KO ANG HINDI MO NAIINTINDIHAN KATHRINA!! "
Nakatingala ako sa kaniya. Maya maya'y umiwas din ako ng tingin.
" Hindi ko muna sasabihin sayo ngayon. "
Kung sasabihin ko, baka hindi na kami makapag usap sa susunod. Gusto ko siyang kausapin muli. Hindi lang ngayong araw kundi sa susunod na araw. Kaya hindi ko muna sasabihin sa kaniya.
" Mangako ka lang, Red! Yun lang! Mangangako ka lang! "
" Sa tingin mo ba kapag ipinangako ko yun sayo, makaksigurado tayo na matutupad yun?-- "
" OO! "
Pagputol ko sa salita niya.
" Oo! Kung talagang gugustuhin mong tuparin yun, Oo! "
Atska bat ganun siya mag isip? Ibig niya bang sabihin, hindi talaga yun matutupad?
Sandali akong tumungo.
" Sa mga sinasabi mo ngayon parang sinasabi mo na rin na di ka na talaga babalik! "
Wala lang siyang sinabi.
" Mag usap ulit tayo Red! Mag usap ulit tayo sa bahay! Pag usapan ulit natin to ng maayos! Baka naman pwede pa Red! Baka naman pwede pa!! "
Mas okay na yung nagkakaintindihan kami at malinaw sa amin ang lahat kesa mag assume kami na magiging okay ang lahat kahit ang totoo ay isa naman talaga sa amin ay nagpapanggap na lang.
Napahilamos siya sa muka niya habang nagsasalita.
" Alin pa ba ang hindi pa maliwanag sayo Kati-- "
" LAHAT RED!! LAHATT!! HINDI SA AKIN MALIWANAG ANG LAHATT!! "
Bigla akong napatayo habang isinisigaw yan sa kaniya.
" Just stop Kathrina! Just stop! Tama na!! "
" Bakit ba Red? Ano bang ibig sabihin mo sa tama na?! Sinasabi mo ba na wala na talagang pag-asa? "
" I mean, we're done! Wala na tayo! Let's give up!! "
At unti-unting tumulo ang tubig sa aking mga mata habang nakatitig sa kaniya.
" Hindi sa sinasabi kong wala na tayong pag-asa. Paano kung magbago ako diba? Paano kung maayos ko na ang sarili ko at ang mga nangyayare sa akin? Posibleng bumalik ako sayo diba? "
Red's Point of View
" Hindi sa sinasabi kong wala na tayong pag-asa. Paano kung magbago ako diba? Paano kung maayos ko na ang sarili ko at ang mga nangyayare sa akin? Posibleng bumalik ako sayo diba? "
Dagdag ko pa. Kung alam mo lang sana Katia! Kung alam mo lang sana ang di kapanipaniwalang pangyayare ang nangyayare sa buhay ko. Marahil ay maiintindihan mo ako!
" BAKIT BA PARANG IKAW YUNG NAPAPAGOD AH? BAKIT PARANG BALIKTAD?? BAKIT PILIT MONG SINASABING TAPOS NA TAYO KAHIT ALAM MO NAMAN SA SARILI MO NA GUSTO MO PA RIN AKO??!!-- "
" I ALREADY SAID IT KATHRINA!! AYOKONG MASAKTAN KA!! AYOKONG MASAKTAN KITA!! "
Or worst, mamatay ka. Ayokong mawala ka Katia! At kailangan ko itong gawin para sa kapakanan mo at ng mundo nating dalawa.
" SA TINGIN MO BA HINDI AKO NASASAKTAN SA SINASABI MO NGAYON?? TAR*NTAD* KA BA? HINDI MO BA NAIISIP NA DITO PA LANG NASASAKTAN NA AKO?? "
Kung alam mo lang! Sana pwede kong sabihin sayo para hindi ka na lalong masaktan.
Tumahimik siya saglit, na tila may iniisip.
" Sana sinabi mo na lang na may iba ka ng gusto at pagod ka na sa akin kesa patuloy kong tanongin ang sarili ko kung bakit masaya ka kahit wala ako! "
Sana nga Katia! Sana nga hindi na lang kita gusto!
" Mas nasasaktan ka ba talaga Katia sa nangyayare? "
Mas nasasaktan ka nga ba? Mas nasasaktan ako Katia! Nasasaktan ako kung bakit hindi ko pwedeng ipagtapat sayo ang aking dahilan.
" Mas masakit pa sa iniisip mo Red! Mas masakit kung maghihiwalay tayo ng tuluyan! "
" Hindi ko naman sinasabing hindi na kita gusto Kathrina! I want you!! I badly want you!! "
Pero hindi pwede!
" Pero bakit hindi iyun ang nangyayare Red? Bakit patuloy mong ipinapakita na wala ng direksyon ang relasyong ito? "
Dahan-dahan akong napapatungo. Kelangan ko ng tapusin to!
" Paano kung tama ka? Na hindi na kita gusto? Na ayoko ng manatili? Paano kung hindi ko na talaga gustong manatili sa relasyong ito? "