22. Ang Katotohanan [Foreshadowing]

1388 Words
Red's Point of View " Where are we going Red? " Mabilis na tanong sa akin ni Katia habang itinutulak ko siya palabas ng pinto ng kotse. " Ang ganda kaya ng langit! Hindi ako pwedeng umuwi hangga't di ako napapagod tumingin sa mga ito... " Paliwanag ko kay Katia habang nakaupo kami sa ilalim ng puno kung saan mas lalong tumibay ang relasyon namin, sa puno ng aming pagmamahalan. " ... At gusto kong titigan ang mga ito kasama ang pinakamamahal ko. " Tapos tumitig ako sa kaniya. Unti-unti ay hinawakan ko ang kaniyang mgapisngi at hinaplos-haplos ito. " I love you Kathrina. " Bukas sa puso kong sambit sabay halik sa kaniyang labi. " I love you too Red. I wish I can be with you forever. " Sagot naman sa akin ni Katia. " I wish I could go back to the past and change everything that I've done wrong. If only I could go back to the past or even go through the future, even I will live with a different name, a different life, or even a different family. And even I've done the same mistake or not. I will still find you and I will keep on loving you even the destiny didn't want us to be together. I love you Kathrina! I love you even the past, present, or future are against my love for you. I will still find ways to get you back. " At unti-unti-y naramdaman ko ang mga luhang tumulo mula sa kaniyang mga mata papunta sa aking kamay na nakahawak pa rin sa malalambot niyang pisngi.  Binigyan ko siya ng matamis na ngiti at agad na pinunasan ang mga ito at mahinhin na hinalikan ko siyang muli. Katia kiss me back like there's no one and nothing in the world can change and separate our love for each other. Then shooting stars showered in the sky. Katia's Point of View Araaayy ko! Bakit bigla na lang sumakit ang ulo ko? Iminulat ko ang aking mga mata. Pumikit-pikit na tila hindi ko malaman kung anong nangyayare. " Na-asaan ako-o?" Nauutal na tanong ko sa sarili ko. Tapos agad akong tumingin sa lahat ng sulok ng kapaligiran para kompirmahin ang tanong ko. Pero... " Bakit madilim dito? " Tanong ko ulit sa sarili ko. Tumingin ako sa harapan ko ng bigla akong may nakitang lubusang ikinagulo ng utak kong walang laman na ngayon ay nagkalaman na. " Ano itong nakikita ko? Bakit parang screen ito? Nasa sinehan ba ako? Bat naman ako mapupunta dito? " Para akong nakakakita ng isang napakalaking telobisyon sa sinehan, ngunit ang pagkakaiba lang ay ang hugis nito. Ang hugis nito ay hindi parihaba kundi kahugis ito ng ating mga mata. A perfect sphere almond-like screen like a human eye. Tapos bigla akong nakarinig ng iyak ng sanggol. Tintigan kong mabuti ang screen ng makita ko ang muka ng isang pawis na pawis na babae. Kitang kita ko kung gaano kalaki ang kanyang ngiti. Pero sandali lang, saang lugar to? Bakit parang kastilyo? Napaka engrande at kaakit-akit ang lugar nila " Nasaan pala yung baby na naiyak? Siya ba yung nanay? " Tanong ko ulit sa sarili ko. Siguro siya nga yung nanay. Atska bakit parang mukang reyna? Reyna ba to? Ano bang palabas to? Teka nga naguguluhan na ako!! Maya-maya'y tumigil sa pag iyak ang sanggol. Tapos biglang napaluha sa tuwa ang babaeng nakikita ko. " Gusto ko siyang tawaging Crystal. " Sabi nung babae sa harap ng madla sa kapaligiran niya. " Magbigay pugay sa Prinsesa! " Tapos lahat ng tao ay isinigaw ng may kaaliwan ang panggalan ng sanggol.  Napaka cute nama---Ouuucchhhhhhh!! Ipinikit ko ulit ang aking mga mata dahil sa sakin na aking iniinda. Anong nangyayare sa ulong to? Ga-monggo na nga yung utak, bulok pa yung kalahati. Siguro may cavities yung bulok na kalahati. ARRAAAYYYY!! Hindi ko na mapigil ang sakit. SOBRANG SAKIT!  " AHHHHHHHHHHHHHHH!! " " Itago niyo siya!! " Napamulat ako sa narinig kong nanginginig na salita. Nakita ko ang parehong babaeng nakita ko kanina. Kitang-kita ang kaniyang panghihina. Pati ang mga dugong dumadaloy sa kaniyang ulo ay hindi matapos tapos!! " POTEEKKK!! ANO BANG NANGYAYARE SA AKIN?!!! " " Itago niyo ang prinsesa sa Imitasyong Mundo ng mga mortal. Itago niyo siya kahit saan! Protektahan mo ang kapatid mo!! " Anong nangyayare? Ano tong mga to? This is nonsense! Tapos may narinig akong tunog. Sobrang lakas na tunog. Sobrang lakas na kahit ang sarili kong tenga ay hindi makaya. " AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH " Sigaw ko dahil sa halo halong emosyon at sakit. "  Iiwanan mun kita dito. Alam kong magiging ligtas ka dito. This amulet will keep you safe. I'm sorry Crystal but we have to do this. For the sake of your life and for the sake of our Kingdom. " First Person's Point of View Nandito ako ngayon sa University, dinedemo at tinotour ko kasi itong school namin sa bagong Professor na pinameet-up sa akin ng Dean. Boring lang akong sumasagot sa mga tanong niya. Maya-maya'y nagtanong siya ulit. Ngunit hindi ko siya nsagot ng bigla akong napatingin sa langit. Dumidilim na pala. Wait?! Dumidilim na?!! Tumingin ako agad sa relo ko O__O Anoo??! Mag aalas sais na? " Excuse me, sir! I'm sorry but I have to go. Punta na lang po kayo sa may Dean's office.  He is waiting for you there. The office is right here. " Agad ko siyang sinamahan sa Dean's office at agad akong tumakbo ng matulin papunta sa kotse ko na nakapark sa likod ng school namin. Di naman ako nag atubiling paandarin agad ito. Habang nag dadrive ako pauwi sa bahay, bigla na lang nandilim ang paningin ko. Everything's blured and unidentified. * BEEEEEEPPPP * * BEEEEEEPPPP * " Hoooyy!! Tumingin ka nga sa daan!!" Sigaw sa akin ng Mamang driver na muntikan ko na palang mabangga. Inihinto ko saglit ang kotse ko. Hindi ko kaya ang sakit ng ulo ko! Ngayon ko lang ito naramdaman! Anong nangyayare sa akin? Ipinikit ko ang aking mga mata dahil sa sobrang sakit nito. Pero sa pagpikit ko, imbes na makita ko ay kadiliman, ang nakita ko'y mga bituin sa kalangitan. Anong nangyayare? Red's Point of View Nandito pa rin kami ni Katia sa ilalim ng kalawakan, sa puno ng aming pagmamahalan. Nakkss! May rhyme Redxan! Katarayan mo ghorl! Hayy! Sana lang talaga ganito na lang kami palagi. Tatayo na sana ako habang nakatingin sa langit, ng bigla akong may nakitang maliwanag na ilaw sa tinitingnan ko. MAY SASAKYAN!! " ILAAAGGGG! " Sigaw ko, sabay hawak sa ulo ni Katia at agad na yumuko " Aray naman! Anong sinasabi mo Red? Okay ka lang? Anong nangyayare sayo? " Tanong niya sa akin. Bigla na lang ako napatutulala habang maya-maya ilipat ang tingin ko kay Katia at sa langit. Potaa! Ano yun? Tinitigan ko ulit na mabuti ang langit. Manobela ba yun? Bakit ako nakakakita ng manobela ng sasakyan sa langit? "  POTAA!! ANONG NANGYAYARE?!! " Sigaw ko ulit, " RED!! ANONG NANGYAYARE SAYO??!! " Muka namang naiinis na si Katia, akala siguro niya nagbibiro ako. Peroo totoo! Sasakyan talaga nakita ko! " Get out of my head! " Poteekk!! Sino yun? Boses babae! Saan nanggagaling ang boses na yun? Tumingin ako sa kapaligiran. May iba pa ba kaming kasama dito? " Narinig mo ba yun, Katia? " Tanong ko sa kaniya, " Ang alin? Narinig ang alin? Sino? " Sagot niya. " May narinig akong boses! Boses na sumisigaw. Ikaw ba yun? " Seryoso kong tanong sa kaniya. "  Ano bang sinasabi mo Redxan? Wala akong sinasabing ganiyan! Wag mo nga akong tinatakot! Andilim na dito oh! " Halata namang naiinis na si Katia. " Umuwi na lang tayo Red! Masyado na ding lumalalim ang gabi! Tara na! " Dagdag pa niya. Pero totoo! May narinig talaga akong boses. I think it was a girl's voice. Pero parang sobrang pamilyar nung boses na yun. Pero... Sino yun?  Third Person's Point of View Nasa likod ng bahay ang isang babae ng bigla nanamang sumakit ang ulo niya. " Potekk! Bakit lagi na lang nasakit ulo ko? " Sambit niya sa sarili niya habang mahigpit na hinahawakan ang ulo niya. At napapikit siya sa sakit. Si Red naman ay nasa garahe nila ng biglang nangyare rin sa kaniya ang naramdaman ng babaeng yun. " What the hell! " Mahigpit din niyang hinawakan ang ulo niya dahil sa sakit. Napapikit rin naman siya dahil sa iniinda niyang ito. Sa magkaibang lugar, ay sabay nilang iminulat ang kanilang mata At bigla na lang silang napasigaw ng magkaibang lugar ang nakita ng kanilang mga mata pagmulat nila. Medyo blurred ito, pero alam nila na hindi ito ang lugar at mga bagay na nasa kapaligiran nila. " Anong nangyayare? " Sabay nilang tanong. Bigla naman silang napahinto nang marinig nila ang boses ng isa't isa. " Saan nanggaling yung boses na yun? " Nagtataka at natatakot na tanong ng isang babae. " Naririnig kita! "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD