Third Person's Point of View
Nasa likod ng bahay ang isang babae ng bigla nanamang sumakit ang ulo niya.
" Potekk! Bakit lagi na lang nasakit ulo ko? "
Sambit niya sa sarili niya habang mahigpit na hinahawakan ang ulo niya. At napapikit siya sa sakit.
Si Red naman ay nasa garahe nila ng biglang nangyare rin sa kaniya ang naramdaman ng babaeng yun.
" What the hell! "
Mahigpit din niyang hinawakan ang ulo niya dahil sa sakit. Napapikit rin naman siya dahil sa iniinda niyang ito.
Sa magkaibang lugar, ay sabay nilang iminulat ang kanilang mata
At bigla na lang silang napasigaw ng magkaibang lugar ang nakita ng kanilang mga mata pagmulat nila.
Medyo blurred ito, pero alam nila na hindi ito ang lugar at mga bagay na nasa kapaligiran nila.
" Anong nangyayare? "
Sabay nilang tanong. Bigla naman silang napahinto nang marinig nila ang boses ng isa't isa.
" Saan nanggaling yung boses na yun? "
Nagtataka at natatakot na tanong ng isang babae.
" Naririnig kita! "
Pabulong pero nagtatanong na boses ni Red.
" Nasaan ako?! "
Naguguluhang tanong ng babae.
" You are in a backyard? "
Sagot ni Red.
" Backyard? Hindi! Nakikita kong nasa garahe ako. Teka! Hindi ito ang bahay ko! Anong nangyayare? Nasaan ako? "
Tumahimik sila ng sandali.
" Teka! Teka! "
Sabay nilang salita.
" Nakikita mong nasa garahe ako?! "
Sambit ni Red.
" At nakikita mong nasa likod ako ng bahay ko? "
Dagdag niya sa sinabi ko.
" FUCCKK!! "
Sabay nilang sigaw.
" Sino ka ha? Asan ka? Ano bang nangyayare? "
Sigaw niya.
" Sino ako? Ikaw ang sino ka! Poteekk! Ano ito!! "
Sagot ni Red.
" Anong sino ako! Ako ang dapat magtatanong niyan!! "
Sigaw naman ng babae.
" Hindi na importante yun! Mas importanteng malaman ko kung anong nangyare? Potekk nababaliw na ata ako!! "
Sambit ni Red. Sabay silang pumikit na dalawa. Binubulong sa sarili na nananaginip lang sila.
Sabay din naman nilang iminulat ang kanilang mga mata.
" AAAAHHHHHHHH!!! ANOO ITOOOOOO!!! "
Sabay nilang sigaw.
" Pota! Totoo ba ito? How is this even possible? "
Tanong ng babae.
" Alam ko! Pero nakikita kong nasa likod ka ng bahay niyo habang ikaw, nakikita mong asa garahe namin ako. Hindi ako makapaniwala, pero... Sa tingin ko totoo ang lahat ng ito. Pero... "
Paliwanag ni Red.
" ... Paano? "
_____________________________________________________
Gulong g**o silang dalawa sa di kapanipaniwalang pangyayareng ito.
Nakikita ng babae kung anong nakikita o tinitingnan ni Red.
At nakikita ni Red ang nakikita o tinitingnan ng babae.
Kahit na...
Nasa magkaiba silang mundo.
Di nila alam kung paano at bakit. Ang tanging alam lang nila ay ang penomenang ito ay isang bagong hindi malulutasang haka-haka
_____________________________________________________
" Paano kung tama ka? Na hindi na kita gusto? Na ayoko ng manatili? Paano kung hindi ko na talaga gustong manatili sa relasyong ito? "
" Then it'll be fine! At least I know the reason! Kesa naman yung ganito! "
Sambit ni Katia kahit sa loob loob niya ay sobrang sakit naman talaga na sambitin ang mga katagang ito.
" Atska, hindi ka naman mahihirapang makahanap ng bago. Di ka naman kasi mahirap mahalin. Siguro hindi lang pati mahanap. Baka nga nahanap mo na yung bago. "
" Katia!! "
Malumanay niyang tawag kay Katia pero agad din namang nagsalita si Katia.
" Oo, minsan siraulo ka! Oo! Totoo yun! Minsan siraulo ka kaya mahirap kang intindihin. Pero hindi ka mahirap mahalin, Red! "
Dagdag pa ni Katia.
" Kung hindi ako mahirap mahalin, paano pa kaya ikaw? Kahit nga noong tayo pa madami ng nanliligaw at nagkakagusto sayo. Ngayon pa kaya na wala na tayo? "
Sambit ni Red sabay hinga ng malalim.
" Kelan ulit tayo mag uusap pagkatapos nito? Baka lang naman kasi gusto mo ng formality and official break up. "
Sarcastic na sambit ni Katia.
" May kailangan pa ba tayong pag-usapan? "
'Madami Red! Madaming mga bagay ang dapat nating pag usapan at linawin. Gusto kong isaksak at ipaintindi sa putangina mong utak kung anong ibig kong sabihin at kung ano ang tunay na nararamdaman ko. Gusto kong alamin kung ano talagang nangyayare sa pagitan natin. Naguguluhan na talaga ako Red! Gulong g**o na ako! Gulong g**o na ako kung bat hindi matapos tapos ito!!!!'
Isip isip ni Katia. Tumahimik lang ulit silang dalawa.
" Hihintayin mo ba ako? O madali mo lang akong makakalimutan? "
Biglaang tanong ni Red. Napatulala naman si Katia sa narinig niya.
" Nagtatanong ka ba? O nag uutos? Wag ka na mag-alala, hindi nanaman kita guguluhin kapag nakahanap ka na ng bagong magpapasaya sayo at magpupunan ng pagkukulang ko. Kahit wala naman talaga akong maisip kung anong mali sa mga ginagawa ko at ipinaparamdam ko sayo. "
Sagot naman ni Katia.
" Nagtatanong lang ako Kathrina. "
Mahinhin niyang sagot.
" Bakit? Bakit gusto mo pang malaman ang sagot? Bakit mo pa tinatanong? "
" Wala lang. "
" Wala naman pala ee, bakit kailangan ko pang sagutin? Sa tingin mo ba kung sasagutin ko yan babalik ka? Hindi naman, hindi ba? Kaya kahit kalimutan man kita o hintayin. Still, it will not make anysense! It's still nonsese!! "
" Pero Red, sorry huh?... "
Nakatitig si Red sa kaniya habang patuloy na nagsasalita si Katia nang nakatungo.
" ... Sorry kung hindi ka makahanap ng paraan para manatili. Sorry kung hindi mo ako maintindihan. Sorry kung itong puntong ito ang ating katapusan. "
Pagpapaumanhin ni Katia.
" Sorry din Kathrina! I really am sorry! "
Paumanhin din ni Red.
" Sorry kung minsan ako ang nagsisimula ng g**o at ng mga away. Sorry kung madalas na akong magalit sayo nitong mga nakalipas na mga araw. Sorry kung nanlameg tayong dalawa. "
Paliwanag ni Katia na tila nadarama niya na kasalanan niya ang lahat.
" Huwag kang mag sorry Kathrina! Hindi ikaw ang dapat magsabi niyan, kundi ako! I'm sorry for everything, Kathrina! "
" Mahal kita. Totoo yun... "
Biglaang tingala ni Katia kay Red na tila sinasabi sa kaniya na ito talaga ang tunay niyang nararamdaman. Pero di rin yun nagtagal, napatungo muli siya.
" ... Iyun ay kung hindi lang ako napagod. Iyun ay kung naramdaman mo lang ako. Kung naramdaman mo lang ako at naintindihan, hindi sana tayo nagkalabuan, nanalameg, at isa't isa'y iniwan ng tuloyan. Kung lumaban ka lang sana nung mga panahong pinilit kong maging matapang at hindi umiyak sa harapan mo nung sinabi ko sayong ayoko na, siguro mas lumaban pa ako lalo. Pero hindi ee, ang unfair nga lang kasi sumuko ka kaagad. Samantalang ako noon, kahit hindi mo banggitin, hindi talaga kita sinusukuan. Kahit ramdam ko na noon pa na nakakapagod na talaga. Ito na talaga siguro ang katapusan... "
Tumitig lang si Red dito habang nakikita niya kung paano itinatayong muli ni Katia ang sarili niya. Matapang na pinupunasan ni Katia ang mga tubig sa kaniyang muka.
Maya-maya'y tumitig na rin si Katia sa kaniya at binigyan niya ito ng malaking ngiti.
" May mga bagay talaga na tayo lang dalawa ang nakakaalam noh? Pero wag kang mag-alala, Red! Okay na ako. Wala ng mga konklusyon, mga siguro at katanungan kang maririnig mula sa akin. Magpahinga na lang tayo! Pahinga lang tayo! Pero kung ayaw mong magpahinga, okay lang! Wag ka pa rin mag-aalala. Hindi mo naman kasalanan ee. Naghanap kasi ako ngayon ng mga bagay na hindi mo nagagawa noon na hindi ko naman talaga hinahanap noon. Sorry kung bigla akong nagbago. Napagod lang naman ako sa mga bagay. Pero tandaan mong kahit kailan, hinding hindi ako napagod at mapapagod sayo! Sana maging tulad pa rin tayo ng dati, kahit magkaibigan na lang tayo! ... "
Huminga ulit si Katia ng malalim habang tulala pa rin si Red.
Tumingala si Katia na tila tinitingnan ang kapaligiran.
" ... And weird noh? Dito tayo nagsimula tapos dito rin pala tayo magtatapos! HAHAHA! "
Saglit siyang tumawa.
" ... Basta magiging masaya ka ha? Atska wag mo kong kakalimutan ha. Hahayaan ko munang pagpahingahin tayo ng oras at panahon! Sana kahit wala na tayo o kahit wala na tayo sa mundong ito. Sana hindi pa rin tayo paghiwalayin ng langit. Basta hihintayin kita ah? Babalikan kita dito. Kahit ilang araw, buwan at taon man yan. Basta hihintayin kita hangga't buhay pa ako... "
Ngumiti si Katia dito. Ngiting tila huling beses na ito.
" ... nga pala, eto oh! "
May inabot itong regalo.
" Happy four years anniversary, babe! "