EPISODE 42 THE RESULT OLIVIA NOELLE’S POINT OF VIEW. “Olivia, go na! e-try mo na at tignan natin kung ano ang magiging resulta,” sabi ni Koline nang makabalik na siya rito sa apartment pagkatapos bumili ng pregnancy test kit. Napakagat ako sa aking labi at mangiyak-ngiyak na nakatingin sa kanya ngayon. Parang hindi ka kayang gamitin ito ngayon, natatakot ako. Paano na lang kung buntis talaga ako? Hindi ko ata kakayanin. “K-Koline, hindi naman ata ako buntis. Side effect lang ata ito sa nangyari sa akin sa Boracay kaya masama ang pakiramdam ko—” “Cut that bullshit, Olivia Noelle Rivera! It would be best if you used that right now. Kailangan nating malaman kung ano ba talaga ang nangyayari sa ‘yo dahil pati ako rito ay natataranta at kinakabahan na rin. Para mapanatag tayong dalawa, ga

