EPISODE 41 THE HOT SEAT OLIVIA NOELLE’S POINT OF VIEW. “Masama na naman ba ang pakiramdam mo, Olivia?” Napahawak ako sa aking ulo at tumango upang sagot sa tanong ni Koline sa akin. Buti na lang talaga at dito natulog si Koline at may kasama ako rito sa apartment ko dahil hindi ako makatayo sa sobrang sama ng aking pakiramdam. Masakit ang aking ulo at parang nasusuka rin ako na hindi at nahihilo ako. “Wala ka bang trabaho ngayon?” tanong niya pagtapos niyang e-check ang aking temperature. Umiling naman ako. “Bukas pa ang uwi ng mga co-workmates ko galing boracay, Koline,” sagot ko sa kanyang tanong. Napatango naman siya. “Okay. Tumayo ka na lang muna diyan at bibigyan kita ng gamot dito tapos lulutuan na rin kit ang sopas,” sabi ng aking kaibigan at lumabas na siya sa loob ng akin

