EPISODE 40 NEW APARTMENT, NEW LIFE OLIVIA NOELLE’S POINT OF VIEW. “Elle, okay ka lang ba talaga rito sa maliit na apartment na napili mo? Ayaw mo ba talaga dun sa condo unit na in-offer ko sa ‘yo?” tanong sa akin ni Finn habang tinutulungan niya akong mag ayos sa aking mga gamit dito sa loob ng aking apartment. “Nako, crush! Okay na okay lang dito si best friend ko. Pupuntahan ko naman siya palagi rito at may security guard naman sa baba at hindi kaagad nakakapasok sa loob ang mga walang invitation,” nakangiting sabi ni Koline at siya na rin ang sumagot sa tanong ni Finn. Kasama ko rin ang aking kaibigan ngayon dahil sinabi ko sa kanya na pupunta si Finn kaya nag sick leave na muna siya sa kanyang trabaho para lang makapunta rito at masilayan ang pagmumukha ng kanyang crush na modelo

