Asher Point of view “Ibayong saya ang nararamdaman ko ng mga oras na ito, iniisip ko ngayon kung ano ang magiging reaksyon ng aking asawa sa oras na malaman niya na bumalik na ako ng bansa. Sa pagkakataong ito ay babawi ako sa mahal kong si Lovely. Plano ko na dalhin siya sa labas ng bansa upang doon ituloy ang naudlot naming honeymoon. Mula paglabas ko ng airport ay hindi na nawawala ang magandang ngiti sa aking mga labi. At ngayon na nandito na ako sa harap ng pintuan ng aking condo. Pakiramdam ko ay parang sasabog na ang dibdib ko dahil sa sobrang excitement. Bitbit ang mga pasalubong na binuksan ko ang pintuan ngunit ganun na lang ang labis na pagkadismaya ko ng sumalubong sa akin ang madilim na kabahayan. Wala ang inaasahan kong nakangiting mukha ng aking asawa na sasalubong sa a

