Lovely’s Point of view “My God, Asher, ilang linggo na tayong nakakulong sa loob ng bahay na ‘to! At ngayon naman ay hindi mo ako pinapayagan na pumasok sa school? Ano bang nangyayari sayo? Bakit pakiramdam ko yata ay kinukulong mo na ako dito?” Galit kong tanong sa kanya, sobra na ang higpit nito sa akin na para bang nasasakal na ako. Halos wala na akong komunikasyon sa pamilya ko dahil maging ang cellphone ko ay kinuha din nito sa akin. Habang tumatagal ay mas lalo kong nakikilala ang tunay na ugali ng aking asawa. At aaminin ko, talagang hindi ako makapaniwala sa bawat araw na natutuklasan ko sa pagkatao nito. Napakaseloso din niya na ultimong mga tauhan nito ay pinaalis sa hindi malamang dahilan, kaya kaming dalawa na lang ang tao dito sa malaking bahay at ang ilang mga katulong. “

