Hades Point of view “Kita ko ang panlalaki ng mga mata ni Ferra ng datnan niya ako na naghihintay sa parking lot habang naninigarilyo, nakasilid ang isang kamay ko sa aking bulsa habang nakasandal sa kanyang pulang kotse. Ilang sandali pa ay biglang nagbago ang expression ng mukha nito bago sumenyas sa kanyang mga tauhan, kaagad na sumakay ang mga ito sa kanilang sasakyan. Nakangiti namang lumapit sa akin si Ferra na tila tuwang-tuwa ito na makita ako. “Hades? Anong ginagawa mo dito?” Hindi makapaniwala na tanong niya sa akin na bahagya pang pinalambing ang tinig nito. Hindi ako sumagot at tahimik na umikot sa driver seat. Naunawaan naman niya kung ano ang nais kong mangyari kaya nakangiti niyang hinagis ang susi sa akin na balewalang sinalo ng kaliwa kong kamay. Pagkasakay ko ay kaag

