Alas onse ng gabi ay nagsisimula ng magsidatingan ang mayayamang kliyente sa loob ng malaking bulwagan. Buwan-buwan ay nagaganap ang isang subasta na pinangangasiwaan ng black organization na kinabibilangan ni Hades. Dito dinadala ng mga sindikato ang nadudukot nilang mga babae upang ibenta sa black market at 50% ang labanan ng magkabilang panig sa oras na may bumili sa babaeng ididisplay sa ibabaw ng entablado na nasa gitna ng bulwagan. Karamihan sa mga kliyente na uma-attend sa subastang ito ay mga bilyonaryo na walang magawa sa kanilang mga pera. Mula sa likod ng isang tinted na glass wall ay tahimik na nagmamasid ang anim na konseho kabilang na si Yugo, ang Ama ni Ferra. Walang kamalay-malay ang matandang lalaki na pumanaw na ang kanyang pinakamamahal na anak. Hindi maitatago ang l

