“And now, you may kiss your wife.” Anya ng Judge na nagkakasal sa aming dalawa ni Asher. Tanging ang mga magulang ko at magulang ni Asher ang saksi sa aming pag-iisang dibdib. Inilihim ito sa publiko at ginawang pribado. Walang pagsidlan ang kasiyahan sa puso ko dahil sa wakas ay ako na ngayon si Mrs. Walker at asawa ko na ang lalaking pinakamamahal ko. Isang mapusok na halik ang iginawad sa akin ni Asher kaya nag palakpakan ang aming mga magulang. Makikita ang matinding kasiyahan sa mukha ng mga magulang ko ngunit kapansin-pansin ang labis na pagkailang nila sa magulang ng aking asawa. Lalo na ang Ama nitong Mr. Hades na never kong narinig na nagsalita. Isang buwan na rin halos ang lumipas ng huling nagparamdam sa akin ang estrangherong lalaki. Pagkatapos ng huling gabi na may nangyar

