“Napasinghap ako ng may biglang sumulpot na dalawang braso sa aking baywang. Sa pagpihit ng aking katawan paharap sa likuran ay isang mapusok na halik ang sumalubong sa akin. Ganun na lang ang labis na pagkamangha ko dahil sa biglaang pagdating ng aking asawa. Akala ko ay matatagalan pa siya sa Japan pero isang araw pa lang ang nakalipas mula ng umalis siya at ngayon ay nasa harapan ko na ito. Para akong natuklaw ng ahas ng mga oras na ito, imbes na kasiyahan ang maramdaman ko ay ibayong kaba ang nangingibabaw sa dibdib ko. Dahil siguradong matutuklasan na niya ang mga nangyari sa akin. Ramdam ko ang matinding pananabik nito mula sa kanyang mga haplos, kinakabahan man ay sinikap kong kumilos ng normal sa kanyang harapan. Buong pagmamahal na tinugon ko ang mga halik nito ngunit ganun na

