Lovely’s Point of View “Sa kalagitnaan ng hating gabi ay bigla akong naalimpungan dahil nakaramdam ako ng sakit ng t’yan. Maya-maya ay napilitan na akong bumangon at umalis sa higaan dahil pakiramdam ko ay naduduwal na ako. Mabilis kong tinungo ang banyo at dun ay sumuka. Nakapagtataka kung bakit masama yata ang aking sikmura gayung wala naman akong ibang kinain kanina na ikasasama ng sikmura ko. “What happened? Are you okay?” Inaantok na tanong sa akin ni Asher habang masuyong hinahagôd nito ang aking likod. Tumayo na ako at lumapit sa lababo upang mag toothbrush habang ang aking asawa ay nanatiling nakabantay sa may pintuan. Mukhang hinihintay lang niya na matapos ako. “H-Hindi ka ba nilalamig? Kanina ka pa nakahubad.” Halos mabulol pa ako sa pagsasalita habang iniiwasan na tingnan

