“Ahhhh!” “Crash!” Halos isigaw ko na ang matinding sakit na nararamdaman ko ng mga oras na ‘to. Hindi pa ako nakuntento ay malakas kong ibinato ang babasaging center table sa pader. Nagsabog ang lahat ng bubog nito sa kung saan at ang ilan pa dito ay tumalsik sa aking katawan. Binalewala ko ang hapdi ng mga sugat sa magkabilang braso ko at maging ang hiwa ng bubog sa aking pisngi. Dahil higit na mas masakit ang sugat sa puso ko na nilikha ng aking kakambal na si Izer. Hindi ko sukat akalain na mismong kapatid ko pa talaga ang ta-traydor sa akin. Tinalo ko pa ang namatayan ng mga oras na ito, pakiramdam ko ay durog na durog ang buong pagkatao ko. Ilang gamit na ba ang winasak ko? Na halos hindi na mabilang sa daliri. Kahit ubusin ko pa yata ang lahat ng gamit dito sa aking bahay ay hindi n
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


