Mula sa gilid ay umiiyak si Steffany habang nakayakap sa kanyang asawa. Labis siyang nalulungkot sa mga nangyayari sa kanyang mga anak. Kanina habang pinapanood niya ang mga ginagawa ng kanyang anak na si Heussaff ay ibayong kabâ ang kanyang nararamdaman. Gusto na niyang umalis mula sa kanyang kinatatayuan upang awatin ang panganay na anak. Ngunit, pinigilan lang siya ng kanyang asawa at sinabing magtiwala lang sa anak nilang si Heussaff. Batid niya na maaaring mamatay talaga si Lovely sa oras na pairalin ng dalawa ang kanilang pagiging makasarili. Sa ginawa ni Heussaff ay ipinakita lang niya sa lahat kung ano ang kayang gawin ng pag-ibig. Kaya nitong sirain ang isang pamilya at may kakayahan din itong lasunin ang isipan ng isang tao para gumawa ng hindi kanais-nais na bagay. Sadyang ma

