“Izer?” Huminto sa pagtipa ang mga daliri ni Izer ng marinig niya ang tinig ko mula sa kanyang likuran. Halos hindi siya gumagalaw mula sa kanyang kinauupuan habang nakatitig lang sa screen ng laptop. Mabilis akong humakbang palapit sa kanya at huminto mismo sa kanyang harapan. Nang mag-angat siya ng mukha ay nagpanagpo ang aming mga mata. Masama ang loob na tumitig ako sa kanyang mga mata habang walang patid sa pagdaloy ang masaganang luha sa magkabilang pisngi ko. Napakatanga ko, bakit sa una pa lang ay hindi ko na napansin ang itim nitong mga ay natatakpan lang ng contact lens para lang maging brown na tulad ng sa mga mata ng aking asawa. “Paano mo nagawa ito sa amin ng kapatid mo?” Galit kong tanong sa kanya habang mahigpit na nakakuyom ang aking mga kamay sa magkabilang gilid. Malak

