Chapter 87

1349 Words

“Hindi mo magagawa sa akin ‘yan!” Galit kong sigaw sa kanya, kahit na matapang ako sa paningin nito ay ang puso koy nababalot ng matinding takot. “Really? remember, nagawa na kitang ilayo sa kapatid ko, sa tingin mo, ano ang kaya mong gawin para pigilan ako?” Anya bago nang-aasar na ngumiti sa akin. Halos matuyuan na ako ng dugo dahil sa mga sinabi nito. Tama siya, ano nga bang magagawa ko para pigilan siya? Wala akong laban sa kanya dahil ang lahat ng naisin nito ay madali niyang nakukuha. Kahit mismong pamilya nga nito ay walang magawa laban sa kanya. Tuluyan ng nilamon ng matinding takot ang buong pagkatao ko at halos magkulay suka na ang mukha ko. Ang lahat ng natitirang tapang sa dibdib ko ay tuluyang naglaho, para akong isang aso na bumahag ang buntot dahil sa labis na kaduwagan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD