CHAPTER 15

1616 Words
CHAPTER 15 Habang nag lalakad ng wala sa sarili napadpad ako sa isang park malapit sa Makati Med, Lito at hindi alam kung ano ang gagawin. Inisip ko kung kaya ko bang buhayin ang anak ko. May kapatid pa akong umaasa sakin. Pero isa lang ang sure ako sa sarili ko hindi ito dapat malaman ni Maddox ayokong marinig na ayawan nya ang anak ko. At para mangyari yun need kong umalis sa trabaho ko ngayon at lumayo. Inisip ko kung magkano na ba ang savings ko, Kakayanin ba nito na hindi ako mag work habang buntis ako. Bahala na maghahanap na lang ako ng bagong trabaho basta hindi sa office ko ngayon. Isang desisyon ang sure ako need ko mag resign asap. Habang hindi pa alam ng mga tao at hindi pa halata ang tyan ko. Isa lang ang dasal ko sana hindi rin mag salita si Annika tungkol sa situation ko. Bukas pag pasok ko sasabihin ko kay Belle ang plano ko. Hindi ko kayang solohin to masakit sa dibdib. Sa ngayon kailangan ko alagaan ang sarili ko at ang baby na nasa sinapupunan ko. Hinimas ko ang hindi pa maumbok na tyan ko at kinausap. "Baby hindi ka man na buo sa pag mamahalan namin ng tatay mo, I promise na bubusugin ka ng love ni mama, Kapit ka lang jan ha aalagaan ka ni Mama." Kinabukasan habang sinasabi ko kay Belle ang plano ko. Nakikinig lang sya nasa Starbucks kami para walang makarinig sa pinag uusapan namin. Inaya ko din si Apple, Aside kase sa pag uusapan namin naglalaway din ako sa blueberry cheese cake ng Starbucks. "Dani bakit hindi ka muna mag stay ka ng ilang months total hindi pa naman halata ang tiyan mo." "Para makaipon ka din para kay Baby Maddox." Wika ni Belle, "Uy ano ba baka may makarinig sayo Belle! Wag mo lagyan ng name ang baby ko muna." Pag saway ko sa kanya. "Ay sorry!" "Oo nga Dani wag ka na muna umalis sasabihin naming sayo if medyo halata na ang baby bump mo, Para makapag ipon ka din muna." Napaisip ako sa mga sinasabi nila me point sila sa totoo lang kulang ang savings ko. Hindi kami tatagal ng isang taon ng anak ko kung aalis kagad ako sa trabaho ko. "Sige gagawin ko yan, Balak ko din mag pakalayo Belle Apple, Ayoko dito, Ilalayo ko anak ko yung hindi sila mag ta tagpo ng tatay nya at para maka pag simula din ng bagong buhay." "Bagong buhay bagong Baby bagong pag-asa." Napa OK na lang ang dalawa sa balak ko. Habang ako ay busy sa pagkain ko ng Blueberry Cheese cake. ------------------------------------------------------------- Maddox POV Kinita ko ang business partner ko sa Lit Bar na si Yuri. Nang mapa daan ako sa Starbucks at nakita ko si Dani na abalang kumakain ng Blueberry cheese cake habang yung dalawa nyan kaibigan ay naaaliw na pinapanuod sya. Lately napapadalas ang pag sunod sunod ko kay Dani. Palihim ko syang pinag mamasdan sinusundan ko rin minsan kapag umuuwi na siya . It's weird dahil sinabi ko sa kanya na I don't do office romance pero ang pasaway kong utak hinahanap hanap ang maamo nyang mukha. Siguro saka ko na sya lalapitan alam ko kase na naiilang din sya sakin halata sa mga kilos nya ang pag iwas sakin. Pero alam ko din na minsan ay tinitignan niya ako ng palihim. Ok na muna ako sa pag sulyap ayoko syang biglain baka lalo akong iwasan. After a week ng pag uusap namin nila Belle ay nakatanggap kami ng tawag mula kay Uncle John na pumanaw na si Lolo. Hindi ko parin pala sinasabi kay Mama at sa kapatid ko na buntis ako ayoko munang umamin sa kanila. Pagdating sa burol hindi ko nakita ang Papa at si Tita Emilia. Hindi ako nakatiis ay nag tanong ako kay Uncle. "Asan sila Papa bakit wala sila dito." "Hindi daw sila makakadating tumawag si Emilia masama raw ang pakiramdam ng Papa mo." Kapag dakay nalaman ko na kaya pala hindi nagpunta sa burol at libing man lang ni Lolo ay dahil walang nakuhang mana ang Papa. Mukhang nung kaya pa ni Lolo ay na kapag pa gawa na ito ng last will nya at sa amin ng kapatid ko ibinigay ang lumang bahay sa Batangas at kay Uncle iniwan ang ibang lupain nya. Habang busy ako sa pagkain ko ng manggang hilaw na nadaanan ko sa simbahan sa may evangelista. Papasok sa elevator narinig ko yung mga kasamahan ko na nag uusap. "Uy!Balita ko may dumating daw na chix sa office ni Boss ang pakilala Girlfriend daw sya." Bulongan nila na rinig na rinig ko naman. "Oo nga sabi ni Miss Jen yun daw ang pakilala sa kanya nung babae." Si Miss Jen ang secretary ni Maddox sa office lahat ng tao na pupunta o papasok sa President office sa kanya muna dapat dumaan. "Ay talaga ba. Maganda daw yung babae mukhang foreigner pero nag sasalita daw ng tagalog sabi ni Miss Jen kase nagulat daw sya ng mag salita ito ng tagalog." Nakikinig lang ako sa usapan nila. Bigla ay parang sumama ang mood ko ewan ko ba pero ok naman kanina. Hmp! Siguro dahil sa hormonal thing ng pagiging buntis lang to nagiging uber sensitive. Dedma na lang ako sa mga naririnig ko diretso sa office table ko nang nagmamadaling lumapit sakin si Belle at Apple. "Girl ok ka lang ba!?" "Narinig mo na ba yung balita ngayon?" Pagtatanong ni Belle. "Alin yung Girlfriend daw ni Boss? Oo, ano naman ngayon sakin?" Kunot nuo kong tanong sa kanila. Ayokong ipahalata sa kanila na apektado ako sa narinig ko. Kahit ang totoo gustong gusto ko nang makita kung sino man ang sinasabi nila. "Sure ka ba jan na ok ka lang?" Pang uusig na patanong ni Belle sakin. "Oo nga ok lang ako wala naman sakin yun curious lang din ako na malaman kung ano itsura nya" Pag-amin ko. "Sabi sakin maganda daw, Malaman natin mamaya pag labas nya." Sabi ni Apple. "Hayaan nyo na abangan na lang natin mamaya kung ano nga itsura." Pag tataboy ko sa kanila, Saka ko binalingan ang mangga na kinakain ko kanina, Nakalimutan ko na dahil sa balita. "Ano bayan Dani ang aga aga mangga hindi ba sasakit tyan mo jan sa kinakain mo?" "Nag almusal ka ba man lang muna?" "Hindi pa pero eto kase hinahanap ng panlasa ko." Ngumunguya kong sagot sa kanila hindi ko din alam sa sarili ko dati naman hindi ako mahilig sa ganitong pag kain. Hanggang sa dumating ang lunch break namin ay hindi ko nakita ang anino ng sinasabi nilang Girlfriend umano ni Maddox. Nagkayayaan kami na mag lunch out. "Sige tara kain tao sa labas ayoko din kase ngayon ng kumain sa canteen natin hindi ko feel." Sabi ko sa kanila. "Ano ba trip mo kainin Dani?" Tanong ni Apple. "Wala naman gusto ko lang bumili ng donut tapos dadaan ako sa grocery saglit bibili lang ako ng honey Mustard." "What! Donut at mustard?!" Gulat na sabi ni Belle. "Dani naman mauubos oras natin pag bili ng donut mo bibili ka pa ng mustard sa grocery ang weird mo naman! Kakain din kami no." Mahabang pag angal ni Apple. " Hmp! Ah basta yun ang gusto ko kainin bahala kayo kung ayaw nyo akong samahan!" Inis kong sagot sa kanilang dalawa. "Ok ok ok fine masusunod Mahal na reyna" Sabay na wika ng dalawa kong kaibigan. Napapailing na lang sila sa kakaiba kong cravings nang biglang may magsalita sa likuran naming tatlo. "Anong gusto ng Mahal na reyna nyo?" Sabay sabay kaming napalingon sa nag salita mula sa likuran namin. Dahil sa pag ka gulat ay hindi ko nagawang mag salita na ka tingin lang ako sa babaeng katabi nya na na ka angkla pa ang braso sa kanya. Mukhang mataray ang awra ng mukha ni ate girl halatang naiinis dahil kinausap kami ni Boss. "Anong gusto ng mahal na reyna?" Pag-uulit tanong ni Boss samin mukhang gustong malaman kung saan kami pupunta, Si Belle ang nakuhang sumagot sa tanong ni Maddox. "Donut at Mustard Boss lunch out lang po muna kami boss." Pagpapaalam ni Belle para sakin. "Donut and Mustard that is weird" Kunot nuong ulit ni Maddox sa sinabi ni Belle. "Honey wag ka nang makialam sa trip ng employees mong kainin baka isa sa kanila ay buntis" "Hihihi ang weird kase ng trip nila kainin e" Tumawa ulit ito ng nakakainis sa pandinig ko. Natigilan ako sa sinabi ng babae samin hindi ako lalo maka imik at maka tingin ng maayos sa kanilang dalawa mabuti na lang naging maagap si Apple. "Sige Boss una napo kami sa inyo lunch out lang po kami." At hinila na agad kami ni Apple paalis. "Shocks Best sorry" Hinging paumanhin ni Belle sakin. "Hindi ko iniexpect na ma huhulaan agad nung babaeng kasama ni Boss yung pag dating sa weird cravings mo." "Ok lang ano ka ba wala yon saka hindi naman nila alam pareho na buntis ako e kaya no harm done." "Muntik na tayo dun nakakaloka" Napapailing na sabi ni Apple. "Oh well as long as makain ko ang cravings ko wala akong paki hehehe." "Saka aalis na din naman ako sa company natin kaya hayaan nyo sila sa gusto nilang isipin." Pag assure ko naman kay Belle dahil halata mo sa mukha ang pagkabalisa dahil sa nasabi nya. Lingid sa kanilang kaalaman napaisip na din si Maddox sa weird craving ng mahal na reyna nya. Yes!! Mahal na reyna dahil ewan sa sarili nya pero mukhang gusto nya na talaga si Dani. Hindi na ito mawala sa isip nya pero hindi sya maka gawa ng moves . Ngayon pa at dumating from US si Dharla ang kababata nya at the same time f**k buddy nya. Yes they have something in the States, Pero nawala na yon ng lumipat sya ng Pilipinas nakalimutan na nga nya ito. Actually wala namang 'SILA' alam naman ni Dharla kung ano lang sila sa isa't isa. At pumayag naman ito sa set up nilang yon. Nagulat na lang ako nang biglang sumulpot ito sa aking Office at nag sabi ng dito muna ito sa Pilipinas . Gusto muna daw nitong ayusin ang sarili at pinag iisipan kung tatanggapin ang negosyo ng ama nitong gustong ipa handle sa kanya. Well wala naman masama sana pero baka ma misinterpret ni Dani ang pag punta punta ni Dharla sa Office baka lalong hindi ako makalapit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD