CHAPTER 16
3rd month of my pregnancy.
Balak ko nang sabihin kay Mama at sa kapatid ko ang tungkol sa pinagbubuntis ko.
Inaya ko silang dalawa sa sala pinaupo ko silang pareho.
May pag tataka man sa mukha nila sumunod sila sakin at hindi nag salita.
"Ma, Madi may gusto sana akong sabihin sa inyo."
Panimula ko.
Tahimik lang sila naghihintay sa sasabihin ko.
"Ma, Buntis po ako."
Nagulat man ay mahinahon paring nag salita si Mama.
"Si Matthew ba ang ama anak?"
"Hindi po Ma iba po,"
Nahihiya kong turan kay Mama.
"Sinong ama ng anak mo anak? Pwede mo bang sabihin sakin?"
"Ayoko muna pag usapan ang tungkol sa tatay ng anak ko Ma, Kung ok lang po sa inyo hindi pa po ako handa."
"Sorry po Ma"
"Ok anak kung yan ang gusto mo malaki ka na alam mo na ang ginagawa mo."
"Hindi kita papagalitan dahil na buntis ka alam kong mabuti kang bata. At alam ko din darating ang panahon na masasabi mo rin sakin kung sino sya."
Napaluha ako sa sinabi ni Mama sakin.
Hindi ko inakala na magiging kalmado nyang tatanggapin ang pagiging disgrasyada ko.
Niyakap ko sya ng mahigpit
"Salamat Ma sa pang unawa"
Lumayo ako sa pag kakayakap ko sa kanya.
" Ma gusto ko din po palang mag paalam kung ok lang po dun muna tayo sa Batangas sa bahay na binigay ni Lolo,"
"Gusto ko po munang lumayo sana sa syudad."
"Ok lang anak wag mo kami intindihin ng kapatid mo,"
"Kung saan mo balak na lumipat sasama kami sayo kung saan mo gusto."
"Oo nga ate sasamahan ka namin ok lang sakin ang mag probinsya para kay baby sariwang hangin dito kase polluted na."
Wika din ni Madi.
Lalo akong napaiyak sa narinig ko.
Akala ko magiging mahirap para sakin ang pag amin ko kay Mama at Madi akala ko din mahihirapan akong ayain silang lumipat ng ibang lugar.
Sa Batangas kase maka ka tipid ako wala akong kailangan bayaran na upa malapit sa paaralan para kay Madi.
Dun na lang ulit ako maghahanap ng trabaho at magbabagong buhay kasama ng anak ko.
Madalian naming inayos ang pag lilipat inuna ko muna pinaluwas sila Mama at Madi buti na lang bakasyon na din kaya hindi mahirap mag lipat ng school.
Ipapadala na lang via LBC ang requirements nya.
Si Mama naman ay nag sabi sakin na balak nya mag tindahan para makatulong sakin sa gastusin.
Hindi ko na sya tinutulan alam kong excited si Mama sa pag dating ng baby ko at alam ko din na kahit papano maka ka tulong yun kay Mama para hindi ito mainip.
Luma na ang bahay na ipinamana samin magkapatid ni lolo pero maayos naman at may kalakihan din 3 kwarto isang malawak na sala, At sa kabilang gilid ay kainan.
Ok naman daw ang bahay sabi ni Mama walang dapat irepair kaya wala na ulit akong pag kakagastusan.
Nakalipat na sila Mama sa Batangas at ako naman ay nasa pang 4th month ko na saking pag bubuntis hindi halata ang tiyan ko.
Tanging sila Belle at Apple lang ang na kaka alam pero madami sa kanila ang na we-weirduhan sa mga kinakain ko.
Madalas ding nandun si Miss Dharla sa Office ni Maddox ang rinig ko ay gusto daw matuto ni Dharla ng pasikot sikot sa pag papatakbo ng kumpanya at dahil narin nakiusap daw ang Papa ni Dharla kay Maddox na itrain ang anak kung sakaling maisipan nitong hawakan ang sariling negosyo.
Na mas lalong gusto kong ilayo ang anak ko sa kanya dahil may Dharla na ito.
Hindi ko man makitang sweet si Maddox kay Dharla ay alam kong may pagtingin si Dharla rito base na din sa mga kinikilos nito na akala moy pag aari ang lalaki.
Kung maka angkla ito rito ay akala mo aagawin si Maddox sa kanya.
Napapansin ko na din na madalas nakatingin sakin si Miss Dharla.
Minsan nakikita ko syang pagalit na naka tingin sakin na nag papakunot nang nuo ko.
Isip isip ko anong problema nun bakit galit sakin.
Pero hindi ko na lang pinapansin as long as hindi ako pinapakialaman sa ginagawa ko.
Minsan naabutan ako ni Maddox na kumakain ng Mangga at kimchi umagang umaga.
"What's that smell here?"
"Ah Sorry Boss kimchi po yun kinakain ko tanggalin ko na po"
Nag mamadali kong tinakpan ang kinakain ko at baka magalit pa ito.
Pero buti na lang hindi na ito nag salita pa kahit mga kasamahan ko ay hindi naman nag rereklamo dahil karamihan sa kanila ay mahilig sa korean foods sa katunayan madalas silang kumain sa korean resto at inaaya nila ako.
Palagi naman akong natanggi dahil iniisip ko sayang ikakain ko dun kay baby ko na lang tutal kimchi lang naman ang gusto ko dun.
Nakaramdam ako ng pag ka gutom at nag crave ako sa kimchi at scrambled egg with mustard.
Kaya naisipan kong magpunta sa pantry namin para igawa ang sarili ko tutal meron akong 15 mins break.
Habang abala sa ginagawa ko pa kanta kanta pa ako dahil ang saya ng feeling ko kase na amoy ko na naman ang amoy ng kimchi nang biglang may magsalita buhat sa likod ko.
"Gusto mo yang amoy ng kimchi napapansin ko yan ang palagi mong kinakain."
"Ay palakang kokak ka!"
Muntik ko nang mabitawan ang hawak kong bote buti nalang mabilis si Maddox nakalapit at nasalo ang hawak ko.
"Naku Boss sorry nagulat ako sayo bigla ka naman po kase nag sa salita hindi ko namalayan na nandito kayo"
"Sorry kung nagulat kita masyado kang abala sa ginagawa mo kaya hindi mo ata ako napansin."
Nagulat ako sa pag hindi nya ng sorry sakin.
Wala kase sa character nya ang humingi ng sorry.
"Öpo Sir hindi ko kayo napansin na nandito kayo"
Habang lalong lumalapit sakin si Maddox hindi ko alam kung saan ako aatras,
Na iilang ako sa pag lapit at pag titig nya lalo na at kami lang dalawa sa pantry ngayon.
"Pansin ko favorite mo ang kimchi kase palagi ko yang naamoy sa office natin lately."
Pag sabi nya na halos ilang dangkal na lang ang layo nya sakin.
"Ay o-po Boss m-medyo trip po ng panlasa ko ngayon ang kimchi"
Nauutal kong sabi sa kanya.
Mas nagulat pa ako ng bigla nya ako lapitan.
Inilapit nya ang mukha nya sakin, malapit halos maduling na ako sa pag kalapit hindi na din ako maka hinga dahil sa sobrang lapit .
Gusto kong ipikit ang mata ko pero hindi ko ginawa nakatitig lang ako sa kanya.
Wala na akong marinig parang napunta ang puso ko sa tenga ko, t***k na lang ang naririnig ko.
"I don't know why I always want to see you."
Anas nya sakin na nag pakunot ng nuo ko ano daw?
Hindi ko naiintindihan dahil na bingi na ako sa kaba.
"What is that Sir sorry hindi ko kayo maintindihan."
Naguguluhan kong tanong sa kanya.
Lintik naman kaseng puso ko na to umakyat ata sa tenga ko nabingi tuloy ako!
Nang bigla syang tumayo ng tuwid at umatras ng bahagya pero matiim paring naka titig sakin.
Naguguluhan man ako ay hinintay ko syang magsalita ulit.
Nang biglang pumasok si Dharla masama ang tingin sakin pero nang humarap kay Maddox ay akala mo'y maamong tupa.
"Öh you're here, I've been looking for You Dad wants to talk to you about some papers."
At walang ligoy na inangklahan sa braso si Maddox at hinila palabas ng pantry naiwan akong naguguluhan sa inakto nya at sa sinabi nya.
Minsan din nakitaan nya akong kumakain naman ng ice cream at Manggang hilaw. Hindi ko na lang sya pinapansin kapag titig na titig sya sakin.
Ganon pala yun totoo pala yung mga weird cravings ng buntis.
Kahit ako sa sarili ko hindi makapaniwala sa mga kinakain ko samantalang dati ayaw ko naman sa manggang hilaw hindi ko bet ang maaasim.
4 months and 2 weeks ng mapag usapan naming nila Belle na mag resign na ako.
Dahil baka naiipit na daw ang tiyan ko sa mga sinusuot ko.
May baby bump na ako pero na itatago pa yun sa pag susuot ng blazer na maluwag kaya hindi napapansin ng iba.
Nag file ako ng resignation letter sa Manager ko sabi ko na lang family reason.
At pumayag naman sya.
"Girl mag ingat ka dun sa pupuntahan nyo ni baby ha."
"Ma mi miss ka namin at ang mga weird cravings mo."
Wika ni Belle sila kase ang madalas mag hanap ng cravings ko na kakaiba.
At nag pa pasalamat ako sa kanila kase hindi nila ako iniwan at ginalang din nila ang gusto ko na wag sabihin kanino man lalo na kay Maddox.
"Ako ang dapat mag pasalamat sa inyo hindi nyo ako iniwanan."
"Nanjan kayo para sa amin ni Baby hindi nyo kami pinabayaan kahit ang mga cravings ko na kakaiba kayo ang bumibili maraming salamat mga Ninangs."
Naiiyak kong turan sa kanila .