CHAPTER 20

1313 Words
CHAPTER 20 Matuling lumipas ang 3 Buwan, Marami sa mga tenants ang naka aalis na sa mga pwesto nila at naka lipat na iilan na lang ang hindi pa nakaka paglipat dahil sa kakulangan ng pondo. Ang usap usapan ay gigibain at sisirain ang naturang lugar para lagyan ng Mid Rise Condominium. Dahil City Proper kaya may potential kaya mas nag pursige ang mga may ari ng lupa na bilihin ang mga karatig na establishments. Ang alam namin ay tinangihan ni Mang Nestor ang offer ng naturang developer kaya nagulat na lang si Mama isang araw. "Mang Nestor akala ko po hindi nyo ibbenta ang pwesto nyo?" Maang na tanong ni Mama, Mag bubukas na sana si Mama ng tindahan ng maabutan nya si Mang Nestor at may kasama itong mga tao na mukha sila ang bibili ng lupa. "Naku Reyna mabuti at nandito ka na," "Biglaan ga aring gagawin ko, pacencia na talaga gawa ng yung akin gang anak ay kailangan ng pera." Hinging paumanhin ni Mang Nestor. Habang tahimik lang ang mga taong kausap nya kanina at nakikinig. "Saglit lang Mang Nestor tatawagan ko lang si Dani ko." Natatarantang wika ni Reyna kay mang Nestor. Kailangan kong ipaalam ito kay Dani. "Hello anak, nandito ngayon si Mang Nestor sa tindahan kasama nya ang bibili ng lupa nya maari mo ba akong samahan dito ngayon." Nababahalang sabi ni Mama sa akin. "Ha? Ano yun Ma, Bakit biglaan naman po ata yan saglit lang po Ma gigisingin ko lang si Madi para masamahan si Dylan dito sa kwarto. Hintayin mo ako Ma." At nag mamadali akong lumabas ng kwarto at kumatok silid na ginagamit ni Madi. Pinakiusapan ko na muna ang kapati ko na samahan saglit ang si Dylan at wag na munang pumasok sa eskwelahan nito. Nagmamadali akong naligo at nag bihis, Ni hindi ko na naayos ang pagsuklay ko ng buhok. Nag mamadali akong lumabas ng bahay naming at naghihintay ng masasakyan ng Makita ako ni Bernarn. "Dani Good Morning san ang punta mo ngayon?" "Sa tindahan Bernard tumawag kase sakin si Mama mukhang may problema nandun daw si Mang Nestor at yung mga bibili ata ng lupa" "Ay ganon ba! Halika na sumabay ka na sakin ihahatid na kita baka wala ka masakyan me pasok ang mga estudyante ngayon punuan ang mga pampasaherong sasakyan ng mga ganitong oras." "Sige Bernard hindi ko na tatanggihan ang alok mo buti na lang nandito ka pala." "Saan ba ang lakad mo at ang aga mo ata ngayon " Tanong ko kay Bernard Naka pustura kase ito ke aga aga . "Pabalik na ako ng Manila ngayon alam mo na trabaho. Halika na sakay ka na." Nang gabing umakyat sakin ng ligaw si Bernard ay tinapat ko din agad sya. Hindi na ako nag paligoy ligoy po nang gabing yon ayoko kaseng paasahin sya ayokong masira ang pag kakaibigan namin. "Ah..Bernard tungkol sa gagawing mong pan liligaw sakin, Ano kase" Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya nung umpisa ayoko kaseng masaktan sya. "Ahm. Baka kase hindi ko masuklian ang pag mamahal na inaalok mo sakin." "Ang attention ko ngayon ay naka Dylan sya ang pinaka importante sakin wala pa sa isip ko ang umibig ulit." Mataman ko syang tinignan para maintindihan nya ang gusto kong iparating sa kanya. "Alam ko yun Dani na iintindihan kita, Gusto ko lang subukan atleast walang panghihinayang sa parte ko na nasabi ko sayo na gusto kita." "Alam ko din naman na si Dylan ang buhay mo naiintindihan ko yun, Wag kang mag aalala walang mag babago satin, sakin sa pakikitungo ko sa inyo kahit kay Dylan." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nya sakin buti naman tanggap nya ang desisyon ko at mas napahanga pa nya ako dahil malakas ang loob nya na sumugal kahit walang kasiguraduhan kung magugustuhan ko din sya. "Pero sana Dani hindi din mag bago ang pakikitungo mo sakin, Kahit na nag tangka ako sayong manligaw. Sana mag kaibigan parin tayo." "Saka sana pwede ko paring hiramin si Dylan kung ok lang sayo alam mo na nakaka tanggal stress ang anak mo at nakakatuwa talaga napaka bibo" "Oo naman Bernard walang mag babago at maraming salamat kase na uunawaan mo ako, At pinahanga mo ako lalo naging honest ka sa feelings mo sakin" "Ang tapang mo kaya hehe" Pag bibiro ko na lang kay Bernard para pagaanin ang sitwasyon namin. "Hehe O sya hindi na ako mag tatagal pa salamat sa masaganang hapunan." At inilahad nya ang kamay nya sakin. "Friends" Na tinanggap ko naman ng maluwag saking puso, Ayokong mawalan ng isang kagaya ni Bernard as kaibigan. Napakabuti nitong tao sakin sa pamilya ko lalo na kay Dylan. Kaya masaya ako at nag kausap kami at nag kaliwanagan. Nag papaalam na ako kay Bernard dahil pababa na ako sa sakyan nito nang. "Dani sasama ako saglit sayo ihahatid kita, kase baka matagalan na ulit tayo mag kita mananatili muna ako sa Manila." "Alam mo na sugatan ang puso ko dahil sayo pagagalingin ko muna." Birong hirit nya sakin na ikinatawa ko na lang. Loko talaga to kung hindi ko kilala si Bernard ay baka nailang ako sa sinabi nya. "Ikaw talaga loko loko ka!" Natatawa kong sabi sa kanya. "Sure ka ba jan hindi ka ba mahuhuli sa lakad mo?" "Oo naman mag papaalam na din ako kay Tita Reyna na aalis ako baka mag taka na hindi ako nakikita baka sabihin nagtatago ako dahil binasted mo ako hehehe." "Ahaha loko loko ka talaga e di lako kang niloko ni Mama kase lalayo ka ahaha boinks mo!" Habang nag ppark kami malapit sa site nakikita namin na abala ang mga tao sa paligid. May mga nag kalat na Heavy construction equipment madami ding mga tauhan na abala sa pag sort ng mga naiwan ng mga tenat na hindi na nadala. Naagaw ang pansin ko ng dalawang pigura na nakatayo kausap ang naka hard helmet pero medyo malayo sila sa amin naka pwesto sila sa may gilid ng tindahan naminat medyo natatabingan ng malaking truck kaya hindi ko na pinag tuunan ng attention. Habang nag lalakad, maalikabok na ang lugar dahil sa sinisimulan nang tibagin ang mga pader. Kailangan na gumamit ng Face mask or panyo para hindi ka ubuhin at sa kasamaang palad hindi ako handa. Nagulat na lang ako na hubarin ni Bernard ang Jacket na suot nya at ibigay sakin. "Itakip mo sa ilong mo yan jacket ko delikadong makalanghap ka ng alikabok" Hindi na ako nag salita at kinuha na sa kanya ang jacket nya at inilagay sa mukha ko para matakpan ang ilong ko. Agad din akong hinawakan ni Bernard sa siko para alalayan na makapag lakad dahil nag sisimula na din silang sirain ang daan. Nag mamadali kaming nag lakad ni Bernard papuntang tindahan actually may ilang establishments pa ang natitira ngunit mukhang ipagbibilina din yun soon. Sino ba naman ang pakaka pag tinda pa kung ganitong ang alikabok na ng lugar at wala na din halos tao. Nang makapasok sa tindahan ay naabutan ko si Mama na naka upo at kaharap si Mang Nestor. Lumapit ako kay Mama para humalik sa pisngi si Bernard naman ay nag mano. Binati ko ng tango si Mang Nestor. "Mang Nestor ano pong nangyari?" Hindi ako nakatiis na hindi agad mag tanong kay Mang Nestor nakalimutan ko na kasama ko pa si Bernard. "Bakit bigla naman po ata ang ginawa nyo Mang Nesto wala po kayong pasabi" Medyo naiinis kong sabi kay Mang Nestor . "Naku Hija Pacencia ka na sa abalang nagawa ko sa inyo ng Mama mo." "Hindi ko kase alam na ang anak ko na pala ang kinakausap ng A&C tungkol sa bentahan ng lupa." "At kinausap ako ng anak ko na maganda daw ang offer na binigay ng Boss nya at ngayon nga ay na ngailangan din sya ng pera nasakto naman." "Pero bakit po biglaan sana man lang po ay sinabihan nyo kami ng mas maaga ni Mama!" "Pacencia ka na talaga Hija nagulat din ako sa anak ko wala naman akong magawa dahil kailangan nya talaga ang pera ngayon." Nang biglang pumasok ang lalaking naka hard helmet kanina, kasunod ang babae na akala mo ay pupunta ng Mall sa pustura. Muntik na malaglag ang panga ko sa pag kabigla. Anong ginagawa ng babaeng to dito? Bakit ito nasa lugar namin?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD