CHAPTER 21

1100 Words
A/N Hello my fellow readers pasensya na kung hindi kagad tayo nakakapag update dito.  Paligayahin nyo naman ako please leave a comment every chapter kung ano ang critic nyo sa gawa ko ? Nababasa ko lahat ng comments nyo at pagka inip kila Maddox at Dani ahaha wag kayong mag alala makakaraos din tayo?❤️ Happy Reading❤️❤️❤️ Kung maaari i promote nyo na din ? Natutuwa ako may nagpromote ng The Encounter sa group kaso di ko na mahanap hindi kase nakatag Gen. Madani sss page natin tag nyo ❤️ Enjoy  ---------------------------------------------------------------- Chapter 21   Gusto kong magtago sa nakita ko bakit nandito to anong ginagawa nito dito. Nang biglang mag salita ulit si Mang Nestor. "Sya nga pala Dani ang anak ko si Delfin." Pag papakilala sakin ni Mang Nestor sa anak nya na ikina tingin din sakin ni Dharla. Para makaiwas sa tingin ni Dharla bumaling ako ng tingin sa anak ni Mang Nestor at pormal ang mukhang tumango. "Hi! Delfin nga pala." Sabay abo't ng nakalahad na kamay nya sakin. Naka ngising pagpapakilala ng anak ni Mang Nestor. "Dani" Maikli kong sagot sa kanya. Dahil mabait ako inabot ko din ang kamay ko sa kanya at mabilis na binawi. "Hindi mo naman sinabi sakin tay maganda pala ang anak ni Aling Reyna" Naka ngisi na naman na sabi nito. Nang magsalita si Dharla. "I know you from somewhere. Hindi ko lang maalala kung saan kita nakilala." Maarteng pagsasalita naman ni Dharla. "Nga pala ulit Dani Sya si Ma'am Dharla yung may ari ng property nang dating palengke sya na ang mamamahala sa ari arian ng Papa nya kaya gusto nyang I develop ang lugar dito." Pagpapakilala samin ni Mang Nestor. Ngumiti lang ako sa kanya ng bahagya. Sana hindi nya ako maaalala. Bulong ko sa aking isipan. Halos kapusan na ang ng hininga sa nerbyos ko sa pag kakakita ko Dharla. Nang bigla ulit may pumasok sa tindahan namin na lalong ikina nerbyos ko. Walang iba kung hindi si Maddox. "Shocks! Anong meron ngayon sa araw na to bakit bumabalik ang nakalipas ko!" Napatingin sakin si Maddox at kahit ito ay halatang nabigla din sa pag kikita namin. Nakita ko din ang biglang pag babago ng itsura ni Dharla, Bigla ay parang naging balisa ito sa pwesto nya naging malikot ang mga mata na animoy gustong umalis sa lugar namin. Nang magsalita ang anak ni Mang Nestor na si Delfin. "Sya nga pala ang Boss ko si Boss Maddox." Pagpapakilala kay Maddox samin ni Delfin. Pano nya naging boss si Maddox and of all people bakit naman connected pa ang lahat sa taong to. Hindi ako nagsalita kase natatakot ako. Nang marinig kong nag salita si Maddox at nakatingin sakin. "What Happened to you Dani? Where have you been?" Naguguluhan tumingin sakin si Mama. Kahit si Mang Nestor ay naguluhan din. Alam kong gustong mag tanong sakin ni Mama pero nanahimik lang ito. Si Dharla lang ata ang hindi nabigla o naguluhan sa nangyayari mukha itong hindi mapakali. Kung lalapitan ba nito si Maddox o ano. Nang mapansin kong naka tingin na din sakin si Bernard. Nakita ko sa mukha nya ang pag ka gulat at nag tatanong na tinging pabalik balik ang tingin samin ni Maddox. "Napansin kaya nya na kamukha ni Dylan si Maddox? Sana Hindi naman." Bulong ng sarili ko. Nang magsalita ito. "Tita aalis na po ako mauna na po ako sa inyo. Inihatid ko lang po si Dani mauna na po ako." Pagpapaalam nito kay Mama. At bahagyang tumango. "Sige Hijo mag ingat ka sa pag alis mo, Kailan pala ulit ang balik mo dini satin? Ma mimiss ka ni Dylan." Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko. Susme! Mama naman ngayon ka pa ba makikipag usap about sa anak ko. Kinakabahang hinawakan ko si Bernard sa kamay at hinihila palabas. Nakatingin lang ng matiim sakin si Maddox galit, Ano na naman drama nito bakit galit. "Hindi ko pa po alam kung kailan po ulit ako makaka luwas tita alam nyo naman po need ko pagalingin ang sugatan kong puso dahil kay Dani." Pagbibirong sagot ni Bernard kay mama sabay kindat sakin. "Nako ikaw talagang bata ka puro ka kalokohan, Malay mo pag balik mo dito galing Manila mag iba ihip ng hangin masungkit mo na ang matagal mo nang gusto haha," Pabirong banat pa ni Mama. As if wala ako dun at walang ibang tao my gulay naman Ma! Wag ngayon please! At tuluyan ko nang hinila si Bernard palabas at iniwan ang mga iniiwasan kong tao. Nang biglang humarap sakin si Bernard nang makalayo na kami ng konti sa tindahan. "Umamin ka nga sakin ngayon Dani. Tama ba ako sa iniisip ko tungkol kay Dylan." "Ha ano yun ?" Patay Malisya kong tanong sa kanya. "Kilala mo talaga yun Maddox na nandun saka yung babae." "At saka narinig ko din ang sinabi nya binanggit nya ang name mo." "Huh? Hindi ko alam hindi ko narinig Bernard baka akala mo lang yun" Pag di deny ko parin sa kanya. "At hindi rin ako maaring mag kamali alam mo bang hindi mo kamukha si Dylan." Titig na titig nyang sabi sakin na parang binabasa nya ang ang saloobin ko. Nanigas ako sa pag kakasabi nyang yun hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya aamin na ba ako? Ngayon na ba ang oras kahit kay Bernard muna? "Wag ka na mag deny Dani kamukhang kamuha ni Dylan yung lalaki sa loob ng tindahan nyo e hindi maipag kakaila." Hindi ko parin alam ang sasabihin ko sa kanya.Nanatili akong tahimik na nakatingin lang sa kanya. "Wag kang mag alala hindi ako mag sasalita, Anyway aalis na talaga ako mag ingat ka, kayo ni Dylan." At yumakap na lang ako sa kanya ng mahigpit. "Salamat Bern Salamat sa pang unawa." "Ano ka ba wala yun! At mukhang walang alam yung lalaki sa loob na may Dylan ah." "Kaya pala hindi ka ready tumanggap ng manliligaw ibang level pala ang standard ng Ama ni Dylan." Kakamot kamot ang ulo na natatawa. Pag bibiro pa nya sakin na tinawanan ko na lang loko talaga to aalis na nga lang iniinis pa ako. Tinapik na lang nya ako sa balikat ko at tuluyan nang nag paalam. Alam kong kahit hindi ko aminin o hindi ako mag salita alam kong alam na ni Bernard ang katotohanan, Nag papasalamat na lang ako at hindi na nya ako kinulit pa. Habang nag iisip kong babalik pa ba ako sa tindahan naming o uuwi na lang at saka tatawaga si Mama. Hay ano ba tong napasok ko ngayon ke aga aga ang pasabog naman sakin ni Lord ibang level. Hindi ako handa sa mga ganitong confrontation hindi ngayon susme! Anong sasabihin ko pag balik ko sa tindahan naman? Ang plano ko lang ngayon ay makipag usap kay Mang Nestor ano ba yan may Dharla at pa Maddox pa. "What a morning!" Nahulog ako sa malalim na pag iisip habang nag lalakad pabalik hindi ko napansin na nasa likuran ng truck si Maddox at nag hihintay sakin ng walang ano ano hinila nya ako papunta sa gilid likuran ng tindahan namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD