CHAPTER 11

1583 Words
CHAPTER 11 Matuling lumipas ang mga araw ng hindi ko namamalayan. Halos dalawang linggo na ang nakaka lipas ng maisuko ko ang ang aking pag ka birhen. At mahigit isang linggo na din ang naka lipas nang makita ako ni Maddox sa nakakahiyang drama ng pamilya ko. It was a busy day for us. We've been praparing for the upcoming Property bidding. All the higher ups were a little agitated because of mishandling the proposed budget. "Damn! Who the f**k is incharge for the budget proposal?" Pagalit na sigaw ni Maddox sa mga taong kausap nya. Lahat kami ay napatigil sa mga ginagawa, Kitang kita ang nerbyos sa mukha ng mga managers na may hawak sa Project. Hindi ako nag salita pero bigla ko naisip. "Omg! Si Apple ang may toka sa proposal na yon!" Alam kong this past few days ay problemado si Apple dahil nasa Hospital ang nanay nito bigla ito inatake sa puso at kinailangan ng agarang operation. Kailangan ni Apple ng malaking pera at wala din syang mapakisyuan na mag bantay para sa nanay nya, nag papalitan lang sila sa pag aalaga ng kuya nito. At alam kong dahil dun ay lutang at gulong gulo ang isip nito kaya marahil ay nagkamali ito sa pag gawa ng budget. "Ahhm excuse me boss ako na lang po ang mag revise ng Budget proposal for the upcoming bidding" Walang pag aalinlangan kong pag prisinta sa aking sarili. Ayoko naman na mawalan ng trabaho si Apple kailangang kailangan nito ngayon ng income sa estado ng situasyon nito ngayon kaya hanggat makakatulong ako ay gagawin ko. " Are you sure you can do it Dani?! Can you make it until the presentation. You know its 5 days from now?!" Nakakunot nuong sabi ni Maddox sakin. Halata mo parin ang pag kainis sa kanyang mukha. Tila nag dududang tumingin sakin. Kahit ang mga managers namin ay napatingin din sa sinabi ko. "It's like seriously you think you can make it" DUH LOOK. Dahil sa itsura ng boss ko ay parang nahamon ako hmp! Anong tingin nito sakin hindi ko kayang gawin yon! " Of course boss i can make it, trust me matatapos ko tong revision in no time" Kompyansa kong tugon sa boss kong kunot nuo parin bakas parin ang galit sa pag kakamali ng Finance Department. Maaga akong umuwi samin. Napag desisyunan ko na mamalagi na lang muna ako sa office para mas mapadali sakin ang gagawing kong revision hindi na ako ma hassle mag uwi uwi pa. Buti na lang merong Quarters ang mga empleyado at pwede dung mag pa hinga or if hindi maganda ang pajiramdam no pwede ka pansamantalang dun muna mag stay. Pabagsak kong inihiga ang sarili ko sa sofa ng makarating ako sa aming bahay nakita ko ang bunso kong kapatid na si Madi nag aaral. "Asan si mama?" "Nag punta ate sa puregold jan sa may libertad. Dadaan na din daw si mama sa palengke para bumili ng mga isda para sa stocks natin." Si Madi ang nag iisa kong kapatid na nasa 3rd year high school sa edad na 15 anyos ay malawak na agad ang pang unawa sa nangyayari samin. Nag papasalamat ako dahil sinusuklian nito ang pag hihirap ko, ginagalingan nito ang pag aaral sa katunayan ay palagi itong nasa Top 3 sa klase nila. Kagaya ko ayaw din nitong makita si papa ni hindi ko rin ito maipilit na sumama sakin kapag nag pupunta kay lolo ang madalas na sinasabi nito. "Wala naman akong maalala na magagandang nangyari sakin at kay lolo wag mo na ako isama ate saka ayaw ko na din makita si papa at ang kabit nya." Hindi ko naman ito masisisi dahil saksi din ito sa pag papaka tanga ni mama kay papa sa murang edad ay naka lakihan na nya ang situasyon namin ni hindi nga ito lumaking nakaranas ng may ama. " Ok Madi aakyat lang ako sa taas mag aayos ako ng mga gamit ko, dun muna kase ako sa office namin matutulog mayron akong kailangang tapusin" "Ok po ate" Umakyat na ako sa taas at nagtungo sa kwarto ko. Inayos ko ang bag na gagamigin ko nag lagay ako ng ilang pang office attire ko usually pensil cut lang naman ang madalas kong isuot at pina partneran ko lang ng kung anong blouse ang makuha ko. Then blazer voila corporate attire na. Nag handa din ako ng toothbrush toothpaste sabon Feminine wash mouthwash stockings and underwear. Pag labas ko ay naabutan ko parin si Madi na tutok na tutok sa pag aaral. Hinanap ko muna ulit si Mama baka kase dumating na. "Asan si Mama nandito na ba mag papaalam ako" "Naku ate wala parin si Mama baka may dinaanan pa yon" "Ay ganon ba hindi ko na sya mahihintay ikaw na lang mag sabi sa kanya na sa office muna ako mag stay hindi ko alam kung ilang araw ako pero sana hindi naman mag tagal yung gagawin ko ha" "Ok po ate" "Ikaw na ang bahala dito sa bahay at kay Mama ha wag ka mag lalabas at mag-aral mabuti" "Yes po ate!" Pag saludo panito sakin. Tumayo na si Madi para halikan ako sa pingi hinalikan ko naman sya sa kanyang nuo at nag paalam na ako. Subsob na ang ulo ko sa tinatapos kong revision ni hindi na ako naka kakain ng maayos palaging noodles at skyflakes na lang ang kinakain ko sa nag daang 3 araw hindi pala ganon kadali yong mga dapat kong baguhin. Pero ok lang kaya ko to walang susuko naka usap ko din si Apple sa telephone at nag pasalamat sya sakin dahil sapag salo ko sa pag kakamali nya. 4th day ng pag pupuyat ko, nakita ko si Maddox na palabas sa office nya at lumapit sakin. "Are you really sure na matatapos mo ang revision na ginagawa mo? Ilang araw na lang bidding na makakahabol pa ba tayo?" Pag tatanong nya sakin. "Oo naman boss i can make it trust me kaya ko to" Confident kong sagot sa kanya. Matagal syang napatitig sakin at napailing. "Do you even sleep, Dani ang laki na ng eyebags mo" Sabay tingin sa noodles na malamig nakalimutan ko na na may kinakain nga pala ako. Napailing na lang sya sakin. Hindi na rin ako sumagot siguro obvious na sa mukha ko ang hagardo versosa ko. "Omg nakakahiya na ata ang prettyness ko pero para sa economia lavarn lang" Pagkausap ko sa sarili ko. Kinabukasan halos patapos ko na ang ginagawa ko 10pm ng gabi nilalamay ko parin ang revision ng budget konti lang kaya mo yan Dani. Nakita kong nasa office parin si Maddox at mukhang wala din itong balak umuwi. Maddox " Are the documents ready by tomorrow?" "Yes sir konti na lang dadalhin ko po sa inyo kapag tapos na ako" Pag sagot ko sa kanya na hindi tumitingin. Ayoko syang tignan ng tignan na ko conscious ako sa mga titig nya feeling ko ibang elemento na ang sumapi sakin dahil sa pag pupuyat ko. Baka nga mukha na akong witch sa laki ng eyebags ko. Finally! 7:30 am kumatok ako sa President office para maibigay ko ang Final Proposal para mamaya 10:30am ang meeting. "Dani you'll come with me." Pautos na wika niya. "Ako boss?!" Gulat kong sagot. " Yes you! Bakit may iba pa bang Dani dito sa loob ng opisina ko?" Kunot nuo nyang sabi sakin. " I mean bakit ako boss?" "Naturalmente ikaw ang isama ko ikaw ang gumawa ng revision ng proposal diba so ikaw ang mas nakakaalam ng lahat ng detalya" Naiinis nyang turan sakin. Sabagay me point ito, ayoko nang makipag talo baka ma badtrip pa lalo ito. "Ok boss, pero uuwi po muna ako para makapag palit ng damit. Naubos na po kase ang dala ko dito" Without even looking he nodded and wave his hand for my dismissal. Nag mamadali akong nag palit naligo na muna ako sa opisina at nag bihis ng pants at tshirt, eto na muna ang susuotin ko sa bahay na lang ako mag papalit ng office attire ko. 8am nasa baba na ako ng building namin at nag hihintay ng masasakyan, ngunit may kamalasan ata ako ngayong araw na to kung kailan ka nag mamadali saka wala akong makuha na jeep kahit mag taxi ako ay wala akong makuha. Mag 8:30 na! "Susme anong oras na hindi pa ako nakakapag bihis!" Nang may pumarada sa harap ko na sasakyan. Nakita ko si kuya Ford and assistant / driver ni Maddox. "Hi, kuya" Lumapit pa ako sa may kotse, para magpakita at kumaway sa kanya. . Hindi ko namalayan na nasa likod ko na din pala si Maddox palayo na din sana ako sa kotse ngunit pag hakbang ko paatras ay si Maddox pala ang matatamaan ko, laking gulat ko, hindi ko inaasahan na sya ang maaatrasan ko ni hindi na din nya nagawang iatras ang katawan nya palayo sa akin. Mukha tuloy nya akong niyayakap mula sa likuran ko, pinamulahanan ako ng mukha sa pwesto namin nag iinit ang pakiramdam ko. Hihihi!!! ang landi. "Ay sorry boss hindi ko alam nasa likod pala kita" Medyo pinag pag ko pa ang suot nyang suit. "Wow ang tigas ng dibdib" isip isip ko tyansing yan Dani! Nakita ko ang pag sungaw ng kislap ng kapilyuhan sa mata ni Maddox pero agad din yung napalitan ng seryosong titig O baka nag kamali lang ako ng pag basa sa una. Naamoy ko rin ang amoy nya. "mmmm Amoy bagong ligo chalap chalap amuyin" "Mag tigil ka Danita ang harot mo ha! Dapat hindi ka makaramdam ng ganon sa taong yan di kayo pantay sa estado sa buhay at lalong s*x lang ang nangyari sa inyo walang ibig sabihin yun!!" Kung ano ano ang tumatakbo sa isip ko. Ba yan! "Until now nandito ka parin akala ko ba uuwi ka para mag palit" "ahhh boss wala kase akong masakyan walang taxi, punuan din ngayon ang mga jeep kaya nag hihintay parin ako dito." "Get in Dani sumabay ka na sakin" 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD