CHAPTER 10
Kalalabas lang nila ni Belle sa CR nang tawagin sya ng kanilang Manager na si Mrs.Castro.
"Dani the President wants you in his office now."
Nang marinig ko na pinapatawag daw ako sa president office parang gusto ko nang mag lupasay at umiyak.
Kinakabahan ako sa sasabihin sakin ni Boss. Nanghihina ang mga binti ko parang gusto ko na lang na umalis palayo sa kanya.
Pero Syempre hindi ko magagawa yun kailangan ko ang trabaho ko na to.
"Hingang Malalim Dani!"
Pag kausap ko sa sarili ko.
"Kaya mo yan Gurl! lakasan mo loob mo"
Sabay palo sa pang upo ko at umalis na sya papunta sa table nya.
Wala akong choice kung hindi ang mag punta, kung anu man ang kahinatnan ng pag uusapan namin bahala na si Batman!
Kumatok muna ako ng tatlong beses bago ko pinihit ang doorknob, dahan dahan akong nag lakad palapit sa table nya, naka yuko sya at may binabasang mga files,as if he did not notice my arrival.
Kaya medyo nakakahinga pa ako at malayang napag mamasdan ang kanyan mukha. Ang pogi talaga ng lokong to kainis.
As soon as Maddox looked up to me i quickly responded with a standard smile. Ayokong ma offend ko na naman ang Big Boss namin mahirap na!
Iba na ngayon ang situation hindi ko na hawak ang kapalaran ko baka bigla na lang ako i fire nito kapag nagalit.
His eyes is emotionless and cold, he looked at me from head to toe, as if he had seen through my clothes.
It reminded me last night intimacy. Hindi ko mapigilang mag blush "Shocks!! ano ba tong naiisip at nararamdaman ko!"
He straightened his back on the chair opened his drawer took a white envelope and give it to me.
I was a little confused kung ano yun, inabot ko at nag tatanong ang matang napatingin sa kanya.
"Open it Miss Canlas" in his cold baritone voice.
When i opened it, its the 3000 pesos bill na ibinigay ko sa kanya that day.
"Miss Canlas. I think i need to clarify to you that i don't have any other part-time job other than being the President of Anderson Real Estate Group. So please take back these 3000 pesos."
Gusto kong matawa why did he fuss over such a tiny thing? Mukhang ayaw nyang matawag na boytoy.
" I understand what you mean Mr. President"
It turned out that the new president called her here just to declare that he does not have any other special career.
He opened his wallet took 2000 pesos and gave it to me
"And by the way here, your reward for the night"
"OMG! takte ka kung hindi ko lang kailangan ang trabaho ko para sa pamilya ko ibabato ko sa mukha mo ang pera mo! Pero kailangan ko lunukin ang inis na nararamdaman ko. Imbes na makipag argumento pa ako sa kanya.
"langyang lalaking to pinag mukha pa akong prostitute!"
The nerve!
I lowered my head tinanggap ang pera na ibinigay nya at naghintay dahil baka may sabihn pa sa akin o iutos.
At this moment Maddox happened to stare at her with playful eyes.
Dahil hindi na nag salita ang lokong lalaki napilitang mag-angat ng mukha si Dani.
" Mr. President If there's nothing else I'll go back to work"
And she walked out the president's office.
Hindi na nya nakita ang nakakalokong tawa ni Maddox pag-alis nya.
"Bakla! Anong gusto sayo ni Mr. President bakit ka daw nya ipinatawag?"
Belle ask as i started doing my job ni hindi ko na malayan na lumapit sya sakin dahil sa pag iisip ko sa ginawa ng lalaking yun.
"Wala naman he Just clarify that he is not a boytoy."
"And then ?"
Belle wanted to dig out more tsismis.
"There's nothing more."
"Sooo boring! "
Belle said with disappointed look on her face.
"Ohh e bakit parang disappointed ka jan?"
" Eh kase naman I was expecting na baka gusto pa nya tugtungan ang nagyari sa inyo. Alam mo yun isa pa! isa pa! isa pang chicken joy! Ahihi"
Pinamulahan ako sa mga pinag-sasabi ni Belle sa akin.
"OMG! Ka Belle ano ka ba wag kang ngang ganyan gusto ko pang mabuhay ng mahaba ano ka ba!"
"Hoy! Babaita ka yung itsura ni boss sa tingin ko nakaka pag pahaba yun ng buhay hindi nakaka pag paikli noh!"
"Wag ako Belle erase erase!"
"Saka yung mga ganong klaseng mukha usually ang nakakatuluyan non yung mga mukhang Witch na makapal mag make up."
Sabi ko para matapos na ang pangungulit ni Belle.
Pag uwi sa bahay nahahapong ibinagsak nya ang kanyang katawan sa sofa nang lumapit ang kanyang mama at nag sabi.
" Tumawag sakin ang Uncle John mo, kailan nyo daw dadalawin ang lolo nyo? Anak matanda na ang lolo nyo bakit hindi nyo dalawin man lang"
" Pag-iisipan ko Ma, alam nyo naman ayokong makita si papa baka mag tagpo kami kapag dinalaw ko si lolo."
"Naka-confine daw ang lolo nyo sa Asian Hospital inatake bakit hindi mo saglitin, iwasan mo na lang ang papa mo anak para hindi kayo mag-away"
"Ok Ma, cge subukan kong dumaan."
Sabi ko na lang para hindi na humaba pa.
Isa sa kinaiinis ko kay mama ay matagal na silang hiwalay ni papa pero kung umasta ito ay akala mo sila pa o mag kakabalikan pa sila ni hindi man lang ito nagalit nung malaman namin na may babae si papa.
Sinabi pa nito na kakalimutan nya lahat ang nangyari wag lang siyang iwan nito nag makaawa pa si mama.
Pero dahil napakabait ng tatay ko tuluyan nyang hiniwalayan si mama at hindi man lang sumuporta samin. Mas itinurinig pa nitong anak ang anak ng kabit nito.
Kaya lalo akong nawawalan ng gana na magpunta kay lolo dahil baka magpang-abot kami.
Matuling lumipas ang isang linggo at napag pasyahan ko na dalawin si lolo nag txt muna ako kay Uncle John na pupunta ako at sinabi nyang hihintayin nya ako sa lobby ng Asian Hospital.
Pag kakita ko kay lolo ay napaiyak ako, na ngangayayat at hindi gumagalaw madaming nakakabit na aparato sa kanya.
"Hija, buti at naisipan mong dalawin ang papa, alam mo naman na matagal ka na nya gustong makita."
" Kamusta ang lolo Uncle ? Anong sabi ng Doctor nya?"
" Hindi mabuti Hija alam mo na matanda na ang Papa, Pero sana kayanin pa ng katawan nya na maka recover."
Hindi na ako naka sagot kay Uncle ng bumukas ang pinto at pumasok ang Papa ko na si Eduardo Canlas, kasama ang kanyang Mistress na si Tita Emilia at ang nag iisang anak nito na si Annika mas matanda lang sakin ng ilang taon ito ngunit kung maka pustura, napaka kapal mag make up kagaya ng ina nito.
Tinaasan nya ako ng kilay pagkakita nya sakin.
"Papa, huhuhu, kamusta ka na?"
Pag iyak kunyari ni Tita .
" Kailangan mo nang iayos ang last wiil mo Papa para hindi na mag kagulo pa kapag nawala ka na .." wika pa nito.
"Mag tigil ka nga dyan Emilia!" pagalit na saway ni Uncle John.
Like seriously seryoso ba tong babaeng to sa sinasabi nya buhay pa ang matanda pero kinukuha na ang mana.
Hindi ko napigilan ang hindi sumagot sa sinabi ni Tita Emilia.
"Seriously buhay pa si lolo pero kung makapag salita ka as if mamamatay na sya! Mana talaga ang babangitin nyo ngayon?"
Walang ka abog abog sampal ang nakuha kong sagot sa magaling kong tatay.
" Wala kang karapatang sumagot sagot ng ganyan kay Emilia!"
Pagalit na sabi nya sakin.
" Kuya clearly the old man is dying anong problema tama naman ang sinabi ni Emila."
Sabi ng Papa kay Uncle John.
Maliwanag pa sa sikat ng araw na ang mana ang habol nila kay lolo.
"At the last moment of Dad's life can't you just let him go quietly?!"
Uncle John' voice was full of anger.
Habang si Tita Emilia ay may paiyak iyak pa na alam mong umaarte at nag papaawa lang.
" Go Papa pag sabihan mo nga yang babae na ayan bastos!"
Pag agaw naman ni Annika sa pag uusap ng matatanda ginagatungan lalo si Papa na saktan ako.
Magsasalita sana ako ng mapadako ang mata ko sa pintuan ng kwarto ni lolo at nakita ko na naka tigil na nakatingin sakin si Maddox of all people bakit kailangan pa nitong makita ang ganitong eksena.
" Ehem! Excuse me is this the room of Mister Benjamine Canlas?"
Lahat sila ay napatigil sa pag sasalita, bigla naman nag pa cute si Annika na halatang nag papansin sa bagong dating. Si Tita Emilia ang naka bawi sa pag kagulat at nag tanong.
" Hijo sino ka? Anong kailangan mo kay Papa? "
" Good afternoon, I'm Maddox Anderson my Grand father Richard Anderson sent me here to send his regards to Sir Benjamine."
Lolo Ben is a retired Major General in the Army. Marahil siguro ay nakasama ng lolo ni Maddox sa serbisyo o na tulungan ng alin man sa isa ang isat isa.
Aside sa naipundar nito nung ito ay malakas pa malaki rin ang pension na nakukuha at makukuha nito kung sakaling bawian ito ng buhay at hindi na nakakapag taka kung bakit ganto na lang mag react ang kabit ng tatay ko pati ako ay pinag iisipan na gusting makihati sa mga mamanahin ng mag kapatid. Nung Malakas pa si Lola madalas ako sa kanya kahit na strict at hindi masalita.
Bago pa mapunta ulit sakin ang attention ng mga tao palihim kung binalingan si Uncle at pasimple akong nag paalam,masakit ang mukhang umalis na lang ako ng kwarto ni lolo ayoko nang marinig pa ang mga pag uusapan nila hindi naman importante sakin ang mga pag uusapan nila.