THE MORE YOU HATE THE MORE YOU LOVE
May nakapaskil na ngiti sa aking labi habang nakatingin sa kawalan. Hindi ko rin mapigilan ang hindi ibuka ang aking bibig.
“Kailan kaya ako makatagpo ng lalaking gwapo, mayaman at mamahalin ako ng tapat. May ganoon pa kayang lalaki sa balat ng lupa?!” malakas na tanong ko sa aking sarili.
Habang nakahalumbaba ako at nananaginip ng gising. Ngunit sa aking panagip ay palaging gwapo ang aking kasama. Ngunit sa totoong buhay ay nganga ako kain bubog.
“Aba! Huwag mong sabihin napanaginipan mo na naman ang nga gwapong lalaki?!” Bigla akong nag-angat ng tingin nang makita ko si Bea na kararating lang. Kasalukuyan kasi akong nandito sa loob ng canteen dito sa opisina na kung saan ako nagtatrabaho.
Napasimangot akong tumingin sa babae. Parang gusto ko tuloy itong sakalin at sabunutan dahil panira ito sa aking magandang pagmumuni-muni.
“Cheska, sa iyong panaginip ka aasa at maghahanap ng lalaki ay walang mangyayari sa ‘yo. Sinasabi ko sa ‘yo tatanda kang dalaga!” palatak ng babae sa akin habang panay ang iling ng ulo nito.
Napabuga na lamang ako sa hangin. Pagkatapos ay muling naghalumbaba.
“Kung ikakasal ako sa aking panagip, eh, ‘di mas maganda iyon,” baliw na anas ko sa aking kaibigan.
“Jusko po! Nahibang ka na nga Cheska! Talaga feeling mo ay nasa panaginip mo ang true love, mahirap iyan, bestfriend sa mental hospital ang bagsak mo!”
Inis na tumingin ako rito. Ngunit ngumisi lamang ito sa akin.
“Aalis na ako, Cheska, sumunod ka na lang sa akin at bilisan mo,” Nagmamadaling paalam sa akin ni Bea.
Nagsalubong ang kilay ko na tumingin sa babae.
“Bakit nagmamadali ka yata, Bea?”
Muli siyang humarap sa akin habang nakataas ang isang kilay.
“Naku po! Siguro ay hindi ka na naman nagbasa ng memo, ano? Alam mo bang lahat ng empleyado ay pina-paassemble ng ala-una sa conference room.”
Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa gulat. Teka bakit hindi ko yata alam iyon? Hindi tuloy ako makapagsalita.
“Chesska Delmundo, puwede ba! Magbasa ka rin ng memo paminsan-minsan! Hindi iyong puro ang laman ng utak mo ay ang panaginip mo na lalaking gwapo at hot!” palatak sa akin ni Bea.
“Sorry naman po! Nakalimutan ko kasi,” palusot ko sa babae sabay ngiti ng alanganin.
“Iwan ko sa ‘yo, Chesska! Bilisan mo na lang at baka ma-late ka na naman.”
“Sige, susunod na ako sa ‘yo,” sagot ko. Pero ang totoo ay wala pa akong balak umalis sa aking pagkaka-upo. Muli akong tumingin sa kawalan at pagkatapos ay nagsimula na naman mag-ilusyon dahil libre lang ang mangarap. At managinip ng gising.
Sa patuloy kong nangangarap ng gising ay hindi ko na namalayan ang oras. Nagulat na lang ako nang pagtingin ko sa aking relong pambisig ay sampung minuto na lang ang natitira sa akin.
Kaya naman maliksi akong tumayo mula sa pagkakaupo ko at nagmamadaling tinungo ang elevator.
Anak ng tinapa late na ako. Pagbukas ng elevator ay dali-dali akong pumasok sa loob. Sobrang kaba rin ang aking dibdib ng mga oras na ito. Sana lang ay pagpasok ko sa conference room ay hindi pa nagsisimula.
Nang bumukas ang elevator ay dali-dali akong tumakbo hindi ko ininda ang aking daraanan. Ngunit nagulat na lang ako nang may pader akong nabangga. Kasabay rin ng pagkahulog ng aking bag na dala-dala.
“Are you blind?!”
Agad kong inangat ang aking mukha upang tingnan ant pader na aking nabangga. Jusko po! Hindi pala pader! Kundi isang gwapong nilalang na nagkatawang lupa. Para isa lang ang lalaking ito sa mga lalaking nagpapakita sa aking panaginip.
“Are you stupid?”
Bigla akong natauhan nang marinig ko ang salitang stupid. Hindi na pala ito ang lalaki sa aking panaginip isa na pala itong kontrabida.
Kuyom ang mga kamao ko na tumingin sa lalaking kaharap ko. Hindi ko alam kung anong ginagawa nito rito sa loob ng gusali.
“Well, pasensiya po kung tanga ako!” labas sa ilong na sabi ko sa lalaki.
Ngunit mas na-shock ako nang basta na lang akong iwan nito at tuloy-tuloy na naglakad papalayo sa aking harapan.
Parang sasabog ako sa inis sa lalaking ito. Any nakakainis pa’y hindi man lang nag effort na kuhanin ang bag kong nahulog at basta na lang akong iniwan ng kumag na ito.
Hanggang sa bigla akong napatingin sa aking relong pambisig at nakita kong isang minuto na lang at magsisimula na ang meeting. Dali-dali ko tuloy pinulot ang aking bag. At muling nagtatakbo papunta sa conference room. Naku po! Lagot na talaga ako sa aking boss nito.
Pagdating sa conferece room ay agad na hinanap ng mga mata ko si Bea. Namataan ko naman ito, mabuti na lang at naka-pwesto ito sa likuran at sa tabi nito ay may available na upuan pa. Lumingon ito sa akin.
“Bakit ngayon ka lang, Cheska, ha…?” pabulong na tanong ng babae sa akin.
“Well ganito kasi ‘yun. May nakita akong gwapong lalaki at kamukha niya ang lalaki sa aking panaginip. Ngunit ang sungit lang niya,” tuloy-tuloy na kwento sa aking kaibigan.
“Ahh! Okay. Mamaya ka na magkwento dahil magsisimula na ang meeting,” paalala sa akin ni Bea. Ngunit hindi ko ito pinakinggan ay nagtuloy-tuloy pa rin ako sa kadadaldal ko.
Kahit may nagsasalita na sa harap ng podium ang head ng HR Department na si Mr. Devera ay hindi ko ito pinansin. Dahil abala ako sa pagsasalita ko rin tungkol sa lalaking nabangga ko.
“Alam mo gwapo sana siya at puwede nang maging asawa ko. Kaya lang ang sungit niya. Ang iyong ang nakakainis,” tuloy-tuloy na litanya ko sa aking kaibigan. Ngunit sa kilig to the bones ako ng mga oras na ito.
Naramdaman kong tinapik ako ni Bea. Ngunit hindi ko ito pinansin at nagtuloy-tuloy pa pa rin ako.
“Gaya nga ng sinasabi ko, nandito lang ako para bantayan kayo. At itong kumpanya habang wala ang Ama ko at nasa mahabang business trip. Hindi ako magpapataw ng anumang bagong tuntunin sa iyo--- Ngunit kung hindi ka makikinig sa mga sinasabi ko ay malaya kang lumabas ng conference room na ito. Hindi ko kailangan ng mga empleyado na may sariling mundo!”
Bigla akong napahinto sa pagdadaldal. Alam kong ako ang pinatatamaan nito, sa mga sinabi nito ay parang gusto ko na lang lumubog sa akin kinatatayuan lalo at halos lahat ng mga empleyado sa akin ay nakatingin.
“Pigilan mo ako, Bea. Papatayin ko ang lalaking iyon…” bulong ko sa aking kaibigan.
Ngayon lang nagyari ang mapahiya ako nang sobra. Pagkatapos magsalita ay bumaba na rin ito ng podium at pinalitan itong muli ni Mr Devera.
“Guy’s let’s give our warm welcome to Mr. Luke Cortes.”
Nagpalakpakan ang kapwa niya mga empleyado habang masayang weni-Welcome ang bagong hahawak ng company na anak pala ng may-ari ng gusaling ito.
Pinagbabalakan ko na kung paano ako makakaganti sa ginawa sa akin pamamahiya. Masama ang loob ko na lumabas ng conference room.
Agad akong bumalik sa harap ng table ko para simulan ang aking trabaho ngunit masama ang loob ko.
“In love na yata ako!” narinig kong sabi ni Bea at lumapit ito sa aking table.
Tumingin lamang ako kay Bea at muling pinagpatuloy ang aking ginagawa.
“Cheska, ano sa tingin mo? Binata pa kaya si Sir Luke?”
“Sa aking palagay isa siyang matandang hukluban na nagkatawang tao lamang. Siya rin ang lalaki makasalanan dahil puro kabit ang asawa niya!” tuloy-tuloy na litanya ko.
“Cheska, ano ba iyang pinagsasabi mo? Baka marinig ka niya!” saway sa amin ni Bea.
Inis na pinagpatuloy ko ang aking ginagawa. Parang lahat yata ng empleyado rito at maliban sa akin ay gustong-gusto ang lalaking hukluban na iyon.
“Para kayong mga ewan!” muling ataki ko kay Bea. Binuksan ko na lang ang drawer at kinuha ang pouch na naglalaman ng toothpase at toothbrush ko. Nagbilin din ako sa babae na bantayan muna ang table ko ata baka may tumawag sa akin.
“Oras ng trabaho, ngunit palakad-lakad ka lang, babae!”
Napahinto ako sa paghakbang nang makasalubong ko ang anak ng bago naming boss. Hindi pa rin ako makapagsalita.
“Bakit pakalat-kalat ka? Hindi ba dapat ay nagtatrabaho ka sa mga sandaling ito?!” Nagsalubong din ang mga kilay nito ng mapansin ang bitbit kong mug at pouch.
“Pupunta lang po ako sandali sa washroom, Sir.”
“Katatapos lang ng breaktime, hindi ba?!”
Pambihira naman! Gusto ko lang naman mag toothbrush, bakit ba parang ang laki ng kasalanang nagawa ko kung usigin ako ng lalaking ito! Hanggang sa lumapit ito sa akin at inabot nito ang id ko.
“Chesska Delmundo, customer relations officer.” Tumingin ito sa mukha ko at pagkatapos ay sa id ko.
“Mukhang kang manang!”
Biglang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko at parang gusto kung ituktok sa ulo nito ang hawak kung mug para mawalan ito ng ulirat. Namumuro na ang lalaking ito sa akin. Wala ito ni katiting gentleness sa katawan.
Agad itong tumalikod sa akin matapos akong laitin. Ngunit bigla itong huminto at muling bumaling sa akin. Sinuyod ako ng tingin mula ulo hangang paa at muling nagsalubong ang mga kilay nito ng mapatitig sa binti ko.
“And Next time, Miss Delmundo, wear something decent. The hemline of your skirt is three inches above your knee. It should be three inches below your knee. If not expect a memo from me, nag kakaintindiha ba tayo?” tanong nito.
“Letse! Lumayas ka sa harap ko!” Gigil na wika ko sa aking isip.
Pati pananahimik na palda ko ay pinupuna nito, hindi ako gaanong katangkaran kaya medyo maiksi ang palda ko, kapag humaba pa ng isang pulgada lalong mapaghahalata na kinulang ako sa pagkain ng star margarine pero kahit ganoon kaiksi ang palda ko disente iyong tingnan.
Best Asset ko rin kasi ang mga binti ko, hindi ko maintindihan kung bakit bad trip ito sa binti kong naka-expose.
“We are cleare on this, Miss Delmundo?” He asked while looking at her.
“Yes sir,” tugon ko.
“Mabuti naman kung ganoon.” Sabat alis sa aking harapan.