Chapter 4

1366 Words
“You two are probably aware kung ano ang gusto kong pag-usapan nating tatlo.” Nakahalukipkip pa si Dean nang sabihin iyon. Keaton looked away from their leader. Tama ito. Obviously, Dean was about to reprimand Lukas and him about what happened during their short guest appearance at a noontime live variety show. Habang sumasayaw kasi sila, hindi niya sinasadyang nasiko si Lukas. Si Lukas naman, sinipa siya. Mabuti, hindi siya nawalan ng balanse. Tapos, mabilis ding humarang si Dean sa kanila. “Ano, walang magsasalita sa inyong dalawa?” kunot-noong tanong muli ni Dean saka ibinaling ang tingin kay Lukas. “Ikaw, Lukas, pinagsabihan na kita, hindi ba? Ano na namang inarte mo?” Lukas scowled at him. “Wag mo akong matitigan nang ganyan!” angil naman ng leader nila. “Ano na namang nangyari? Bakit na naman kayo magkagalit, ha? At talagang sa harap pa talaga kayo ng audience nagsakitan.” Nagsalitan ang tingin nito sa kanila. Keaton bit his lips. Natutukso siyang sabihin ang nangyari kagabi. Truth be told, nababagabag pa rin siya. But with Lukas around, there was no way he could. Worst case scenario: Lukas would turn the table. Siya pa ang lalabas na pangahas. Magsasalita pa sana si Dean nang biglang pumasok sina Ciel at Isaac sa conference room. “Papunta na sila,” anunsyo ni Isaac. By that, he meant the executives who would meet them. Dean sighed. “Hindi pa tayo tapos. Mag-uusap pa tayo mamaya,” saad nito saka ibinaling ang tingin kay Lukas. “Lalo na, ikaw. Marami tayong pag-uusapan.” Tumalak si Lukas saka ibinaling ang tingin kay Keaton. Pinanlisikan siya nito. “O, bakit parang kasalanan ko na naman?” Keaton snapped. “Ikaw itong naninipa--” “Oh, oh, iyan na naman!” putol ni Dean habang paupo ito sa kaliwa ng head chair. “Pumuwesto na kayo dito.” Tumalak si Lukas saka umupo sa pinakadulong upuan sa kaliwang hilera. Meanwhile, Ciel approached Keaton and gave him a comforting tap on his shoulder. Pero wala itong sinabi. He just gave him a warm smile. Hindi rin tuloy maiwasan ni Keaton na mapangiti. Ciel really had a talent for making people feel better even with very minimal effort. Nagdesisyon na silang umupo. Keaton sat in the middle chair. Umupo si Isaac sa kaliwa niya, sa pagitan nila ni Dean. Si Ciel naman ang sa kanan, sa pagitan naman nila ni Lukas. Hindi nagtagal, dumating na ang mga executive at ang manager nila. They greeted them all as they settled down. Franco Acuzar, the CEO who was Dean’s uncle too, occupied the head seat. Nagmano pa si Dean sa tiyuhin nito. "First of all, I would like to congratulate THE DROPOUTS for the immense success of your pre-debut single," panimula nito na sinundan ng masigabong palakpakan. “Pre-debut single pa lang iyan pero wow, record breaking na!” THE DROPOUTS ang pinili nilang group name. Bukod kasi sa apat sa kanila ay mga dropout, kinuha rin ni Dean ang ideya mula sa larong rugby na ang ibig sabihin ay pagsisimula muli ng game kapag lumabas sa linya ang bola. The message was it did not matter if they failed or made a mistake, they would simply start again and would not stop until they meet their goal. "And now, let's go to the real deal: the debut single," pagpapatuloy ni Franco saka humarap sa kanila. "So, guys, the floor is yours.” Isa sa kagandahan sa kumpanya nila, binigyan sila ng artistic freedom. Iyon din ang dahilan kung bakit sobrang tagal bago sila nakapag-release ng music. As per Dean's suggestion, napagkasunduan nilang hindi lang sila basta-basta isang pop boyband. Dapat ay magdudulot din sila ng "cultural reset" at magiging trend-setter.  Their pre-debut single, Mga Batang Yagit, was actually just a dry run of their idea. The concept was highly inspired by the dance music in the 1990s. Sa nakita nila, mukhang successful naman iyon dahil sa loob ng maikling panahon, muling nanumbalik ang denim outfit sa fashion trend sa bansa. Dean took the initiative to discuss their proposal. “As we have previously agreed on, Dare You to Move ang magiging debut single ng first album namin. And the release date would be on our anniversary, which is on June 1, which also concedes with PRIDE Month.” Natigilan silang lahat, including Lukas who was not even attentive earlier. Lahat sila ay nagtataka dahil sa pagbanggit nito ng PRIDE Month.  “Oh? Bakit mo naman nabanggit ang PRIDE month?” nagtatakang tanong ni Franco. “Wala lang, tito. Naisip ko lang kasi na pwede pala nating i-promote yung song bilang gay-friendly na kanta.” Napaisip bigla si Keaton saka wala sa loob na kinanta ang chorus. The world can stop us for all I care But I’m not letting them interfere And they’ll be surprised with something out of the air So come with me, we’ll fight them fair and square And I-I-I And I-I-I And I-I-I And I-I-I Dare you to move… “Oo nga naman. Pwede iyong naisip ni Dean,” sabi ni Keaton. Noon lang din niya napansin na nakatingin pala ang lahat sa kanya. “Hindi man explicitly about LGBT pero pwedeng-pwede pa rin kasi empowerment song siya.” “That’s right, bunso,” pagsang-ayon naman ni Dean. “Kaya ko naisip na ang pakulo na iyan. Parang ibang company lang ba. Kunwari, pro-LGBT sila pero gusto lang talagang makisabay sa clout para kumita.” One executive asked, "Pero hindi ba kayo makakaranas ng backlash? Ayaw ng mga tao ng aktibistang celebrity. Iisipin nila, nagpapasikat lang kayo." "Good question, Sir Arnold." Then, Dean said, "First of all, iba na rin kasi ang panahon ngayon. Karamihan sa mga kabataang tumatangkilik sa amin, mas gusto nila ang woke na idols. Besides, we have Keaton here." Tinuro pa ni Dean ang main vocalist ng banda. "Ha? Bakit ako?" nagtatakang tanong naman ni Keaton. “Vocal ka sa mga opinyon mo, right? That is one thing our fans like about you, especially sa usaping gender equality.” Tumango siya. "And it concerns me dahil vocal supporter ako ng SOGIE bill?” "Exactly.” Dean drew a huge check on air. ”So it's your chance to shine, Keaton. Simple lang, hindi ba? Hitting two birds with one stone, ika nga. Ipalaganap natin ang agenda tungkol sa LGBT rights habang kumikita tayo." But Keaton did not like the idea. Ayaw niyang pinagkakaperahan ang aktibismo. Kaso hindi siya nabigyan ng pagkakataong magsalita dahil pinagpatuloy agad ni Dean ang pagpapaliwanag nito. "And I already have a concept for the music video, too," sabi ni Dean saka inabot ang brown envelop na hawak nito sa mga kaharap. Like earlier, the four of them looked at Dean with awe. Hindi pa kasi nila napag-uusapan ang tungkol sa kunsepto ng music video. "I’m considering a mini-movie style na music video. Tapos, merong apat na kwento: one for PLHIV, one for transwoman, one for being single and asexuality, and one for gay pair." Tumango-tango ang mga executive habang ini-scan ang script. Keaton and Ciel exchanged a glance, the latter's mouth puckered in amusement.  "Gay pair daw, oh?" pakantyaw pa nitong bulong kay Keaton. Keaton just rolled his eyes and focused his attention on Dean. Then, Dean added. "And as for the gay pair, I want it to be permanent na sa grupo. I just realized we lack skin shipping. Gustong-gusto ng fans iyon." Nakita ni Keaton sa sulok ng mga mata niya ang pagkinang ng mga mata ni Ciel. "Uy, uy, uy! Gusto ko iyan." Tapos inakbayan siya nito. "Kami na lang ni Keaton. Easy lang sa amin iyan. Tsaka shini-ship na rin naman na kami ng fans natin.” Gulat na napatingin si Keaton kay Ciel. “Luh? Bakit? Tsaka ba’t mo alam?” “Syempre, nakikibalita ako sa Twitter. Kinikilig nga ako sa mga fanfiction nila sa atin.” Umasta pang kinikilig ang tukmol. “Pati ako, gusto ko na rin maki-ship.” "Heh! Magtigil ka nga! Ayoko sa iyo." Inirapan niya ito. "Ano, ayaw mo sa akin?" Ngumuso ito na parang bata. "Bakit? Anong ginawa ko? Di mo na ba ako love?" "Ewan ko sa iyo, Ciel! Magtigil ka nga. Mukha kang tanga." Nabalot ng halakhakan ang conference room. Except for Lukas, whose face depicted disgust.  "So, Dean, sino ba ang plano mong gaganap sa gay pair?" pagbabalik ng CEO sa usapan. Dean cleared his throat. "For that, nag-research muna ako. At ang patok daw na pair ay isang maliit--" "Uy, si Keaton iyan!" excited na bulalas ni Ciel. "Tapos ako? Kasi ako ang pinakapogi sa amin." "Sorry to burst your bubble, Ciel, pero hindi ikaw ang ka-partner niya," sagot ni Dean. "Ha? Bakit?" "Kasi ang isang patok ay ang bad boy. And that is..." Nanlaki na lang ang mga mata ni Keaton. He already had a clue kung sino ang tinutukoy nito. "...Lukas." What the hell?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD