Chapter 3

1783 Words
“Hays, kaya ko ba ito?” tanong na lang ni Keaton sa sarili habang nakatingin sa salamin. Maya-maya kasi ay mayroon silang dadaluhang e-sports tournament ng isang popular na MOBA game kung saan kasama sila sa exhibition game. Bale apat na grupo ng celebrities ang magkukumpitensya. Goal nilang manalo dahil dagdag publicity rin iyon. Wala namang kaso iyon for them. Problema lang talaga, hindi naman kasi talaga naglalaro si Keaton. For the last two weeks, he had to learn the mechanics. “Di bale na. Na-memorize ko naman na ang strategy ni Dean. Wish ko lang, hindi ako mag-panic.” Although support unit ang ipinapagamit sa kanya, ayon kay Dean, siya ang magiging susi para manalo sila. If he committed a mistake, they might lose. Idagdag pang may kalaban silang game streamers talaga kaya ramdam niya ang pressure. Nagdesisyon siyang maghanda na para sa event mamaya. Pero bago iyon, lumapit muna siya kay Ciel na hanggang ngayon ay tulog pa rin. "Hoy, lalaki! Bumangon ka na d'yan!" sabi niya saka hinampas nang malakas ang hita nito. "Eleven ang call time natin, remember?” Roommate niya ang lalaki ever since they moved to that penthouse. Ciel groaned and stretched his body. "Five minutes pa," sabi nito matapos humikab. "Tapos iyang five minutes mo, alas diez ka na nagising?" Napaikot siya ng mga mata. "Sabi na kasing wag magpuyat sa paglalaro ng Fortnite." Hindi ito umimik. Sa halip, niyakap nito ang isang unan at muling natulog. "Hay nako, bala ka nga dyan. Sabagay, mabilis namang kumilos kaya madaling apurahin.” Isa sa mga kinaiinggitan ni Keaton kay Ciel ay ang pagiging low maintenance nito. He was the visual for a reason. Ito ba kasi ang tipo ng tao na kahit walang ligo, ang gwapo-gwapo pa rin tingnan. Lumabas na siya ng kwarto at nagtungo sa dining area sa baba. Nadatnan niyang nakaupo na roon sina Isaac at Dean. "Morning," bati niya sa dalawa. "Morning, bunso," tugon naman ni Dean. Abala ito sa pagtitipa sa laptop nito at ni hindi man lang tumingin sa kanya. Ibinaling naman sa kanya ni Isaac ang tingin saka tinanguhan. Halata sa hilatsa ng mukha na inaantok pa ito. May nakahain nang almusal sa mesa na marahil ay hinanda ni Dean dahil ito naman ang laging maagang gumising sa kanila. Naisip ni Keaton magtimpla muna ng mainit na maiinom bago umupo. Kaso saktong pagtalikod niya, nabangga siya. It was Lukas. Bahagyang natapon ang laman ng mug na hawak nito. As usual, nanlisik na naman ang mga mata nito nang makita niya. "Pu--" But Lukas abruptly stopped. Pumikit pa ito saka huminga nang malalim. Pagdilat, binati siya nito ng good morning. Wala sa loob na tumaas ang isa niyang kilay. Anong nakain nito? Isip pa niya habang tinitingnan ito mula ulo hanggang paa. "Q-Quit staring!" nauutal na namang sabi nito. "Anyway, here." Inabot nito ang mug sa kanya. "What for?" "Hay, pwede bang tanggapin mo na lang? Wala nang satsat." Kinuha nito ang kamay niya at pinahawak ang tasa. "Dami pang arte. Buti nga, pinagtimpla kita." "Sino ba kasing sabing ipagtimpla mo ako?" Inirapan niya ito saka tiningnan ang laman ng tasa. Ginger tea pala na may slice ng lemon. Parte ng warm-up routine niya sa boses ang pag-inom niyon. Sinimsim niya ang tsaa dahilan para mapakunot ng noo. "What the hell? Bakit ang tamis?" Hinarap niya ito. "Nilagyan mo ba ng asukal?" "Bakit? Hindi ba nilalagyan ng asukal iyan?" naguguluhang tanong ni Lukas. "Hindi! Honey ang nilalagay dyan." "Wala naman tayong honey kaya asukal nilagay ko." "Hindi iyon ganon! And besides, hindi naman talaga ako naglalagay ng pampatamis. Mas gusto ko to na puro para ma-relax ang boses ko." Marahas itong napakamot ng ulo. "Okay, fine. Akin na." Lukas snatched the tea from him. Tapos, mabibigat ang mga paa nitong nagtungo sa kusina para itapon ang laman ng tasa at palitan ng bagong mainit na tubig. "O, iyan na! Wala nang asukal!" Inabot nito sa kanya ang tsaa. "Dami-daming arte. Buti nga nagkusa--" Natigilan ito bigla. Noon lang napansin ni Keaton na nakatingin pala si Dean. Expressionless ang titig pero nakakapanindig-balahibo. Biglang naging parang maamong tupa si Lukas. "Sorry," mahina pa nitong sabi sa kanya saka siya pinaupo. "Tara kain tayo." Inabot nito ang bandehado ng sinangag na kanin at nilagyan ang plato niya. Tinanong din siya nito kung anong gusto niyang ulam. "Wag na! Ako na!" Inirapan niya ito. "Napaka-OA na, Lukas. Di na nakakatawa." Bigla na namang tumigas ang ekspresyon nito pero agad ding lumambot. Humugot ulit ng malalim na hininga saka siya nilubayan na. Siguro pinagalitan to ni Dean nang bongga kaya biglang bumait sa akin, nangingiti na lang niyang isip habang kumukuha ng pagkain. Akalain mong madali rin pala siyang tumiklop, ano? - Napakaraming nilang activity nang araw na iyon. Bukod kasi sa exhibition game, mayroon din silang ten minutes performance. Bale pre-debut single nila at cover ng official soundtrack ng laro. Kaya naman hindi na rin nakakagulat na by nine ng gabi, tulog na ang lahat liban kay Keaton. Well, Keaton also felt tired pero hindi siya dinadalaw ng antok. Hindi pa rin kasi siya makapaniwala na sila ang nag-Champion sa exhibition game. He did not mess up kahit grabe ang pagpa-panic niya kanina. “Pero pucha, di pa rin ako makapaniwalang naka-penta kill ako kanina,” natatawang kwento niya sa sarili habang hinahalo ang nilulutong instant black bean noodle. “Support lang ang gamit ko pero naagawan ko silang lahat ng kill.” Muli na naman siyang natawa nang maalala kung paano siya pinaulanan ni Ciel ng mura kanina dahil nga naagaw niya ang kill sana nito. Marksman kasi ang gamit nito, at ito talaga ang inaasahan nilang papatay sa mga kalaban. “Sinong kausap mo?” Natigilan si Keaton saka napatingin sa likod. Nadatnan niya si Lukas na pababa ng hagdan. “Ah, wala. Sarili ko lang,” simpleng tugon niya saka pinagpatuloy ang pagluluto. Kumuha ng tubig sa Lukas. “Galing mo kanina, ha?” maya-maya’y sabi nito matapos ilapag sa lababo ang baso. “May potential ka pala sa ganitong game. Sure ka ba talagang hindi ka talaga marunong?” Napatitig siya sa lalaki. “What?” nagtatakang tanong nito. “Wala. Ang weird lang.” “Kasi?” “Kinakausap mo ako.” Kinuha niya ang sauce pack saka pinunit iyon gamit ang bibig. “Normally, inookrayan mo ako, e,” dugtong pa niya saka binuhos ang sauce. “Ah.” Then, the conversation died. Pinatay na ni Keaton ang kalan saka kumuha ng plato. “By the way, gusto mo ba? Dalawang pack naman ang niluto ko,” alok niya kay Lukas habang sinasalin niya ang nilutong noodles. Tinitigan ni Lukas ang niluto niya saka kinapa ang tiyan. Hindi tuloy maiwasan ni Keaton ang matawa. Sobrang takaw kasi ni Lukas. Kaya nga nitong ubusin nang mag-isa ang isang kaldero ng kanin. Madalas tuloy silang mag-away ni Ciel, na isa pang lamon-kargador, dahil nauubusan ng pagkain. “Wag ka nang mahiya kung gusto mo,” sabi niya saka kinuha ang plate. “Kuha ka ng dalawang platito saka tinidor.” Dinala niya ang plato sa kitchen table. Lukas occupied the head seat. Siya naman ay umupo sa kaliwa nito, Then, they shared the food. While eating, in-obserbahan ni Keaton ang main rapper nila. Ramdam pa rin niyang naiilang ito sa kanya. Katunayan, saglit pa nga siyang pinanlisikan nito nang mahuling nakatingin pero agad din itong umiwas ng tingin saka kumain. Napailing-iling na lang siya. Ano kayang ginawa ni Dean dito at ang daling tumiklop? He imagined Lukas being scared while Dean was reprimanding him. That thought amused him. Hindi kasi bagay kay Lukas palibhasa’y bad boy na bad boy ang itsura nito. Bukod sa mukhang maangas tingnan ang mga mata nito, mayroon kasing malaking tattoo si Lukas sa likod. Scorpion iyon tapos nakapalupot sa leeg nito ang buntot. Sana tuloy-tuloy na, hiling niya. Alam naman niyang may atraso siya sa lalaki pero siguro naman, napagbayaran na niya lahat iyon sa tagal nitong pang-aalaska sa kanya, hindi ba? To test Lukas, Keaton talked about the game earlier again. “Pero you know, hindi ko pa rin gets kung paano yung sinasabi ni Dean na engage daw. Ano ba iyon? Ikaw ang inuutusan niya, e,” dugtong pa niya. Tumigil sa pagkain si Lukas saka sinimulang ipaliwanag ang tinatanong niya. Tangke kasi ang role ni Lukas. Assassin naman ang kay Dean, habang juggler kay Isaac. Mage ang ipinagamit kay Keaton pero more on support ang ganap niya. “Ah, iyon pala.” Tumango-tango si Keaton saka sumubo. Tapos, uminom siya ng tubig bago napanguso. “Pero marami pa akong aaralin bago ako maging singgaling n’yo--” Natigilan siya nang dumapo ang hinalalaki ni Lukas sa labi niya. Lukas wiped the left side of his lips. “Kalat kumain, ha?” Napailing-iling pa ito saka pinakita ang sauce sa inalis nito. “Sorry naman.” Lukas looked at his thumb. To Keaton’s surprise, bigla nito iyong dinilaan. Napamulagat tuloy siya. Then, Lukas looked at him, dahilan naman para matorete siya. There was something on the way Lukas looked that made him jitter. It was hunger. Thirst. Lust. Bumaba ang tingin ni Lukas sa labi niya. And somehow, Keaton felt like Lukas had an urge to kiss him. No, that's impossible. Homophobic siya, pagkontra niya sa isip. Pero paano niya ipapaliwanag ang paglunok nito at bahagyang paglapit ng mukha? Narinig din niya ang pagbigat ng hininga nito. What the hell? Keaton did not know what to do. Naestatwa tuloy siya, kasunod ng higit na pagbilis ng ritmo ng puso niya. Lumipat ang kamay ni Lukas sa pisngi niya. "Just this once. Just this once," bulong pa nito. Sa sobrang hina niyon, nagdalawang isip pa si Keaton kung tama ba ang narinig niya. Then, Lukas smashed his lips against his. Napamulagat siya, at sinubukang kumawala dala ng pagkabigla. But Lukas stopped his movement with one arm. Keaton felt the bristle of his growing beard scratching against his cheeks as Lukas opened his mouth and forced his tongue inside his clenched teeth. Naramdaman din niya ang pagdiin ng kamay nito sa likod ng ulo niya na para bang ayaw siyang pakawalan. Keaton would be lying if he said he did not want it. Yet he was panicking. This was so sudden. His only thought was to get away from this. Kaya naman, inipon niya ang lakas at buong pwersa itong tinulak. Pareho silang naghahabol ng hininga nang sa wakas ay magkahiwalay na. Nagkatitigan sila. Galit, pagkalito, pagnanasa. Nakita niya ang halo-halong emosyong iyon sa mukha ni Lukas. Bewildered, Keaton hugged himself. Tapos, tumakbo siya palayo. Habang nasa hagdan siya, narinig niya ang malakas na pagmumura ni Lukas. May narinig din siyang nagbagsakan pero hindi niya nilingon. Tuloy-tuloy siyang nagtungo sa kwarto nila ni Ciel. Pagkasara niya ng pinto, napasandal siya roon. Tears escaped and his cry threatened to follow. Tinakpan tuloy niya ang bibig para huwag siyang makagawa ng anumang ingay na pwedeng magpagising kay Ciel. Umupo siya at niyakap ang sarili. Alam niyang gusto niyang matikman si Lukas, pero hindi sa ganitong paraan. He felt violated. Naalala tuloy niya bigla ang reaksyon ni Lukas nang magising habang nangangahas siyang halayin ito. Ganito ba ang naramdaman ni Lukas sa ginawa ko? And now, he finally understood where his anger was coming from. Ang hindi lang niya naintindihan ay kung bakit siya hinalikan nito. Humiga siya sa sahig. Ni hindi niya alintana ang lamig ng sahid. He just closed his eyes and unexpectedly fell asleep immediately.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD