bc

Ang habilin ni bunso

book_age16+
3
FOLLOW
1K
READ
dark
scary
like
intro-logo
Blurb

Nanay tatay

gusto kung tinapay

Ate kuya

gusto kung kape

lahat ng gusto ko ay susundin niyo

ang magkamali ay pipingutin ko....

basahin at alamin ang kuwento at ng huling habilin ni bunso ...

chap-preview
Free preview
scary short story
Tahimik na nag-aalmusal ang pamilya Magnawa gaya ng madalas nilang ginagawa. Ang tatay na si Danny ay nakaupo sa pinakagitnang bahagi ng hapag. Nasa kanang bahagi ang asawa nitong si Suzzeth katabi ang disiotso anyos na panganay nilang si Darlene. Katapat naman ni Suzzeth si Darwin na disisais anyos at katabi nito ang dose anyos na bunsong si Dana. Ipinanganak itong may mild autism at hindi ito nakapagsasalita. Habang kumakain ay nagsalita si Suzzeth. "Darwin, kamusta ang report ninyo kahapon sa school?" "Okay naman po, mommy. Mataas po ang grades namin." "Me too, mom! I got a high score sa dinesign ko na summer outfit! Proud na proud po sa akin si prof," sabat naman ni Darlene na tila nag papakitang gilas sa ina. "Very good!" nakangiting wika ni Suzzeth. "May kailangan akong sabihin sa inyo," seryosong wika ni Danny. Napatingin ang buong pamilya kay Danny. "Yung pwesto natin ng karne sa palengke, baka mapasara temporarily." "What?" wika ni Suzzeth. "Anong nangyari, dad?" takang tanong ni Darlene. "May nag-inspect kasi na taga-munisipyo at may nakitang mga bulok na karne at ilang mga insekto," paliwang ni Danny habang himas himas ang noo na tila nahihiya. "Isang simpleng business di mo pa nagawang ingatan? Ano ka ba? Wala ka bang pweding patunayan sa akin?" pasinghal na tanong ni Suzzeth. "Pasensiya na," nauutal na sagot ni Danny. "Hindi 'yang pasensiya mo ang bubuhay sa ating lahat Danny! Hindi ko pwedeng maipambayad yan sa mga gastusin dito sa bahay!" "Eh, dad? Kailan naman daw po i-reopen ang shop?" nag-aalalang tanong ni Darwin. "Tatawag na lang daw sila." "i can't believe this, ayoko masira ang araw ko! May mga kliyente pa ako na kailangang kausapin," usal ni Suzzeth sabay tayo at umalis pagkakuha ng bag. Tumayo na din sina Darlene at Darwin at nagtungo na sa kanilang mga kuwarto. Naiwan sa hapagkainan sina Danny at Danna. Tumitig ng sobrang talim si Danny sa bunsong anak. Naluluha namang tumingin din si Danna sa ama. "Ikaw na bata ka! Simula ng isilang ka puro kamalasan ang dulot mo sa pamilyang ito! Sana di ka na lang nabuhay!" matalim na wika ni Danny habang dinuduro ang anak. Walang magawa si Danna kundi ang umiyak. Ni hindi niya magawang magsalita. "Puwede ba! Wag mo nga ako iyakan, hugasan mo na ang pinagkainan nang magkaroon naman ng silbi ang pagpapakain namin sa 'yo!" wika ni Danny sabay tayo at umalis na sa hapag. Naiwang umiiyak si Danna, tila di niya maunawaan kung bakit sa kanya sinisisi lahat ng kabiguan ng pamilya nila. Si Danna ang bunso ng pamilya ngunit katulong kung ituring siya ng mga ito. Siya ang naglilinis ng buong kabahayan. Ang dalawa niyang kapatid ay di maasahan sa pagtulong sa gawaing bahay gaya ni Darwin na wala ng inatupag kundi online games. Si Darlene naman ay abala sa kanyang social media account. Ngunit sa kabila ng trato sa kanya ng kanyang pamilya ay di nagbabago ang pagtingin niya sa mga ito. Mahal na mahal niya pa rin ang mga ito at umaasa siya na matatapos din ang kanyang paghihirap. Darating ang oras na mamahalin siya ng kanyang pamilya. …………………………………….. Pagod na ang katawan ngunit di pa rin tumitigil sa paglalampaso ng sahig si Danna. Tagaktak na ang pawis ng bata at marumi na rin ang suot na damit nito. Di sinasadyang narinig niya ang pag-uusap ng kanyang mga kapatid nang matapat siya sa pinto ng kuwarto ni Darwin. "Sigurado kang nakakuha ka ng mataas na score? Eh nakita kita sa secret account mo sa f*******:. Di ka pumasok at nakipag-inuman ka lang sa mga tropa mo," nanunuyang wika ni Darwin. "Tumigil ka! Pareho lang tayo dahil alam ko naman na doon sa binu-bully mong classmate iniasa ang report mo kaya ka nakakuha ng mataas na grade," masungit na wika ni Darlene. "Atleast ako nasa loob ng school," sarkastikong sagot ni Darwin. Natigilan si Danna sa ginagawa. Ibig sabihin hindi pala totoo lahat ang sinabi ng mga kapatid niya sa kanilang ina. Biglang nagulat si Danna ng biglang bumukas ang pinto ng kuwarto. Nakita niyang nakasimangot ang kanyang ate. Nakapameyang ito at nakataas ang kilay. Nasa likod nito si Darwin na nakangisi habang nakatingin sa bunsong kapatid. Lumapit si Darlene kay Danna. Yumuko ito at saka hinawakan ng sobrang higpit sa buhok ang bunsong kapatid. "Nakikinig ka ba sa pinag-uusapan namin, ha?" galit na wika ni Darlene. Umiling lang si Danna, nangangatog sa takot ang katawan niya at halos masira ang anit nito dahil sa sobrang diin ng pagkakasabunot sa buhok nito ng kanyang ate. "Cool lang sis, eh hindi naman makakapagsumbong yan," nakangiting wika ni Darwin. "Tama ka riyan, Darwin! Wala namang makikinig sa batang ito eh, dahil kahit sina Mom at Dad ayaw sa 'yo! Sukang-suka sa 'yo!" Di pa nakuntento si Darlene binuhat nito ang timba na ginagamit ni Danna upang banlawan ang basahang gamit at pagkatapos ay walang awa niya itong ibinuhos kay Danna. Halos manginig si Danna sa lamig. Dumila-dila naman si Darwin kay Danna na tila nang-asar pagkatapos ay isinara na nitong muli ang pinto. Si Darlene naman ay nagtungo na sa sala. Gaya ng dati walang magawa si Danna kundi ang umiyak nang umiyak. ………………………………………… HGI real state—ito ang kompanyang pinapasukan ni Suzzeth bilang isang sales agent. Kasulukuyan itong nakaupo at abala sa pag aayos ng flyers na ipamimigay nila mamaya sa mga taong dumadaan sa kalye. Maya-maya'y nakarinig si Suzzeth ng marahang katok mula sa punto. "Tuloy bukas yan!" ani Suzzeth. Pagbukas ng pinto ay pumasok si Nelly na assistant ni Suzzeth. "Miss Suzzeth, nasa labas po ang sister niyo." Napabuntong-hininga si Suzzeth. Tila alam na niya ang pakay ng kapatid. Sinabi nito kay Nelly na papasukin ang kapatid niya. Mababanaag sa mukha nito ang matinding galit. "Nasa trabaho ako Maritess, anong kailangan mo?" tanong ni Suzzeth na di manlang tumitingin sa kausap. "Talaga bang pabaya ka o wala ka lang talagang pagmamahal sa bunso mo, Suzzeth?" "Ano na naman ba to, Maritess?" "Pumasyal ako sa bahay mo at nakita ko si Danna, nanggigitata ang itsura at may mga pasa sa braso. Payat na payat! Ano bang nangyayari sa anak mo?" galit na tanong ni Marites Saglit na inihinto ni Suzzeth ang ginagawa tiyaka nagsalita. "Here we go again Maritess! Paulit-ulit na lang yang tanong mo. Natural madalas na nasa labas si Danna nakukuha niya daw ang mga pasang yun sa mga kakalaro niya at—" "Yan din ang madalas na sabihin sa 'yo ng dalawang demonyo mong anak!" putol ni Marites sa sinasabi ni Suzzeth. "Akala ko ba matalino ka? Uto-uto ka pala!" Biglang nagpantigng ang tenga ni Suzzeth sa narinig. Tila ba lahat ng dugo niya ay umakyat sa ulo niya. Bigla siyang napatayo at inihampas ang kamay sa mesa. "How dare you to talk to me like that! Let me remind you na hindi kita tunay na kapatid, that's why you don't have the rights to teach me how I should raise my children!" pasigaw na wika ni Suzzeth. "Oo hindi mo nga ako tunay na kapatid pero minahal ako ng tunay ni Mommy at Daddy," sagot ni Maritess. "Matagal na silang inuuod sa ilalim ng lupa, I think mas maganda sigurong putulin na din natin ang anomang relasyong namamagitan sa atin bilang magkapatid," ani Suzzeth. "kung hindi mo kaya mahalin si Danna ibigay mo na lang siya akin," nakikiusap na wika ni Maritess. "Oh! I forgot, baog ka nga pala kaya hindi mo mararanasan kung papano maging isang ina. Well, doll maker ka naman sila na lang ang gawin mong mga anak," nang-iinsultong wika ni Suzzeth sabay upo sa kanyang office chair. Walang magawa si Maritess. Tila umurong ang dila niya sa mga pang-iinsulto ni Suzzeth. "You may leave, marami pa akong gagawin," pagtataboy ni Suzzeth. Naiiyak na tumalikod si Maritess at nagsimula nang ihakbang ang mga paa palabas ng opisina. Ngunit biglang siyang napahinto nang muling magsalita si Suzzeth. "By the way, ayoko na nga palang makita 'yang makapal mong pagmumukha sa bahay ko." Muling sinulyapan ni Maritess si Suzzeth. Bakas sa mga mata nito ang matinding poot. Pinunasan ni Maritess ng kanyang mga palad ang mga luhang dumadaloy sa kanyang mga pisngi bago tuluyang nilisan ang opisina. Di naman natinag si Suzzeth sa nakaka-awang pag-iyak ni Maritess. Itinuloy nito ang ginagawa na tila ba walang nangyari. ……………………………………….. Isang araw, habang abala si Danna sa paglilinis ng silid ng kanyang ate Darlene ay nakarinig siya ng mga katok. Saglit siyang huminto sa pagwawalis at saka binuksan ang pinto. Tumambad sa kaniya si Darwin, namumula ang mata nito na dilat na dilat, naka-boxer short lang ito at walang pang-itaas na suot. "Pumunta ka sa kuwarto ko may ipagagawa ako sa 'yo," nakangising utos nito. Ngunit umiling lang si Danna at sumenyas ito na naglilinis pa sa kuwarto ni Darlene. Sumiklab ang galit ni Darwin dahil sa hindi pagsunod ni Danna. "Ayaw mo akong sundin? Gusto mo bang tamaan sa akin ha?" babala ni Darwin. Muling umiling si Danna. Nagsisimula na naman itong maiyak. "Pumunta ka na sa kuwarto ko ngayon din!" pasigaw na sabi ni Darwin sabay talikod. Walang magawa si Danna kundi iwan ang ginagawa at sundin ang utos ng kanyang kuya. Sina Danna at Darwin lang ang tao sa bahay. Nasa trabaho ang ina nilang si Suzzeth habang nasa sabungan naman ang kanilang ama. Ang panganay na si Darlene ay panay ang gala at pakikipagsosyalan sa mga kaibigan. Pagpasok ni Danna sa kuwarto ni Darwin ay bigla nanlaki ang mata niya sa nadatnan. Nagkalat ang mga foil at upos ng sigarilyo sa center table. Nakakita din Danna ang isang kumpol na kulay puti na nahahawig sa asukal na nasa ibabaw din ng mesa, mga beer in cans na nagkalat sa sahig at lalo niyang ikinagulat ang mga nakahubad na babae at lalaki sa palabas napinanonood ni Darwin. Nakahiga na si Darwin sa kama, nakataas ang dalawang kamay nito at nakangising nakatingin kay Danna. "Halika dito! Tabi tayo!" pilyong wika ni Darwin. Umiling si Danna. Biglang bumilis ang t***k ng kanyang puso. Nanginginig na din ang buong katawan niya sa takot tila nakakaramdam siya ng hindi maganda sa kanyang kapatid. "Ano ba? Ayaw mong sumunod?" galit na tanong ni Darwin. Hindi na nag-aksaya ng panahon si Danna. Bigla siyang tumalikod at mabilis na tumakbo palabas sa kuwarto ng kapatid. Tumayo na din si Darwin mula sa pagkakahiga at mabilis na hinabol si Danna. Sa kasamaang palad, naabutan siya ng kaniyang kuya at binuhat patungo sa kuwarto nito. Inihiga ni Darwin sa kama si Danna at pagkatapos ay itinali nito ang kamay at paa ni Danna. Nang maitali ay iniangat nito ang palda ni Danna at hinubad ang saplot nito. Walang magawa si Danna kundi ang umiyak. Wala siyang laban sa lakas ng kanyang kuya Darwin. Nasa Impluwensiya ito ng droga kaya wala ito sa tamang pag iisip, tanging ang maka mundong pagnanasa lang sa sariling kapatid ang nasa isip ng binata kaya nagawa nitong halayin si Danna. Nang makaraos ay di pa nakuntento si Darwin dahil pinasukan pa nito ng upos ng sigarilyo at kung ano-anong maliliit na bagay ang maselang bahagi na katawan ni Danna. Tanging pagluha lamang ang nagawa ni Danna. Nang magsawa na sa ginagawa si Darwin ay kinalagan na nito sa pagkakatali ang kamay at paa ni Danna pagkatapos ay bumulong ito. "Huwag kang magsusumbong kina mom at dad kundi lagot ka sa akin." Tumango lang si Danna.Dahan-dahan siyang bumangon mula sa pagkakahiga. Itinaas niyang muli ang panloob na suot at saka mabilis na tumakbo palabas ng silid. Nagtungo si Danna sa kanyang silid dumapa siya sa kanyang kama at saka walang tigil siyang umiyak. Hindi niya maintindihan kung bakit nagawa iyon ng kuya niya sa kaniya. Gulong-gulo ang isip at masakit ang buong katawan niya. …………………………………….. Hatinggabi na nang makauwi si Danny. Pasuray-suray ang lakad nito dala ng kalasingan. Sa pag-inom ng alak nito ibinuhos ang sama ng loob dahil sa pagkatalo nito sa sabong. Pagpasok ni Danny ng bahay ay agad siyang dumiretso sa kuwarto ni Danna. Pagbukas niya sa pinto ay nadatnan niya si Danna na nakaupo sa kama at namumugto ang mga mata. Pagkakita ni Danna sa ama ay mabilis siyang tumayo at lumapit upang yakapin ito. Ngunit imbles na gumanti ng yakap ay walang-awa nitong itinulak ang anak palayo sa kanya. Napadausdos si Danna sa sahig. "Ikaw na bata ka! Ikaw ang nagdadala ng kamalasan sa pamilyang ito!" may poot na wika ni Danny. Palagi nitong sinisisi si Danna dahil simula nang isilang si Danna ay nagsimula na rin ang di magandang kapalaran sa kanilang buhay. Una ay natanggal si Danny sa pinapasukang kompanya dahilan para subukin niya ang pagnenegosyo ngunit di pa rin siya nagtagumpay. Tumulong na si Suzzeth sa paghahanap-buhay, ngunit matamlay din ang pasok ng mga kliyente kay Suzzeth. Gustong isumbong ni Danna sa ama ang panggagahasang ginawa ng kanyang kuya ngunit wala siyang kakayahan na gawin ito. Nakatingin lang siya sa ama habang sinasalubong ang galit nito. Hinubad ni Danny ang suot na sinturon at walang-awa nitong pinaghahampas ang pobreng bata. Wala siyang pakialam kung saan parte ng katawan tatamaan si Danna. "Malas ka! Sana di ka na lang dumating sa buhay namin!" sigaw ni Danny. Walang magawa si Danna kundi salagin ang palo ng ama at umiyak. Tumigil lang si Danny sa pagpalo nang makaramdam ito ng pagod at nakitang namimilipit na ang bata sa sakit. Lumabas na ng silid si Danny, iniwan nito si Danna na nakahandusay sa sahig habang umiiyak. Pagod na ang murang katawan ni Danna sa p*******t ng kanyang pamilya. Durog na durog na ang kanyang puso at pagkatao at halos ubos na din ang luha niya sa kakaiyak. Walang mapagsumbungan si Danna. Kahit pa ang kanyang Tita Maritess ay di niya makausap tungkol sa kalagayan niya. Nagpumilit tumayo si Danna at nagtungo sa kanyang life size mirror, pinagmamasdan niya ang katawan na puno ng latay ng sinturon. Binuksan ni Danna ang cabinet at mula doon ay kinuha niya ang kanyang diary at lapis. Pagkatapos ay umupo siya sa kanyang study table at saka nagsimulang magsulat. Nanay, Tatay… Gusto kong tinapay Ate, Kuya…. Gusto kung kape… Lahat ng gusto ko ay susundin niyo.. Ang magkamali ay pipingutin ko…. Pagkatapos maisulat ni Danna ang kanyang habilin ay tumayo siya at kinuha ang maliit na figurine na nakapatong sa mesa at buong lakas niya itong ibinato sa salamin. Nagkalat sa sahig ang mga piraso nito. Dumampot si Danna ng isa at walang pag-aalinlangan na hiniwa nito ang harap na bahagi ng kanyang leeg. Bumagsak si Danna sa sahig. Nangisay ito habang sumisirit ang napakaraming dugo mula sa nalaslas nitong leeg. Ilang minuto lang ang lumipas at tuluyan nang binawian ng buhay si Danna kasabay no'n ang pagpasok ng malakas at malamig na hangin na nagmumula sa bukas na bintana ng kuwarto niya. Tanging ang apat na sulok ng kuwarto at ang bilog na buwan ang naging saksi sa malagim na pagpapatiwakal ni Danna. …………………………………. Kinabukasan ay nagimbal ang pamilya Magnawa nang makita nila sa kuwarto si Danna na nakahandusay sa sahig at naliligo sa sarili nitong dugo. Agad silang nagpatawag ng punerarya para ipakuha ang bangkay ni Danna. Hindi na nila guato pang i-report ito sa mga pulis upang di na rin maungkat ang mga pangyayari. Matapos ma-embalsamo ay di na nila pinaglamayan pa ang labi nito at nagdesisyon na silang ipalibing ito agad. Lahat ng gamit pati na ang diary ni Danna ay itinapon na nila sa basurahan na di kalayuan sa kanilang bahay. Ilang araw pa ang lumipas at tuluyan ng naka-move on ang pamilya Magnawa. Bumalik na sila sa kanya-kanyang buhay na tila ba balewala sa kanila ang pagkamatay ng kanilang bunso. …………………………………….. Gaya ng dati ay hatinggabi na nang makauwi si Danny. Abot-tenga ang ngiti nito dahil aa napanalunan na malaking pera sa sabong. Pasipol-sipol pa ito habang binubuksan ang gate ng kanilang bahay. Di niya napansin ang isang nilalang na nagtatago sa dilim at biglang lumapit kay Danny. Hawak nito isang mahabang tubo at walang pakundangan na inihampas iyon sa ulo ni Danny. Dahil sa lakas ng hampas ay nahilo si Danny at nawalan ng ulirat. Nang magising siya ay napagtanto niya na nakabitin siya nang patiwarik at tanging underwear na lang ang suot. Magsasalita sana siya ngunit puro ungol lamang ang tangi niyang nagawa. Ramda niya ang sobrang kirot ng kanyang buong bibig. Doon niya na-realize na putol na pala ang kaniyang dila. Iginila ni Danny ang paningin sa kabuuan ng lugar. Halos manginig ang buong katawan niya dahil sa sobrang lamig. Kasalukuyan siyang nasa isang maliit na kuwarto at napapaligiran ng mga kulay puting mga pader at sa harap niya ay may isang malaking drum. Biglang nakaramdam ng takot si Danny. Pilit siyang nagpumiglas, gusto niyang makatakas ngunit di niya magawa. Sobrang higpit ng pag kakakatali sa kaniyang mga kamay habang malalaki at matatabang kadena naman ang nakapulupot sa mga paa niya. Maya-maya'y bigla narinig ni Danny ang paglangitngit ng pinto. Nakarinig din siya ng tunog ngatulis na bagay na kumakaskas sa sahig. Isang misteryosong nilalang ang pumasok sa kuwarto. May dala itong baseball bat na may nakakabit sa dulo na matatalas na bagay gaya ng mga pako at mga malalaking bubog Di napigilan ni Danny ang maihi at maiyak sa sobrang sindak na nadarama nang kumilos na palapit ang misteryosong nilalang. Hinawakan nito ang baseball bat at buong lakas na pinaghahamapas si Danny sa likod. Halos mangisay si Danny sa sobrang sakit at hirap na nararanasan. Tumulo ang luha, laway at uhog sa pinagsama samang hirap at hapdi. Ramdam na ramdam ni Danny ang pagbaon ng mga matatalas na bagay sa kanyang likod. Nagtalsikan sa puting dingding kaniyang mga dugo, laman at balat. Nang mapagod na ay binitawan nito ang baseballbl bat at pagkatapos ay hinila nito pababa ang kadenang nagdudugtong sa paa ni Danny dahilan para medyo umangat ng kaunti ang nakataling lalaki. Pagkatapos ay nagpunta ang misteryosong nilalang sa kinaroroonan ng puting drum naglalaman ng napakadaming ihi at dumi ng tao. Itinulak niya ito sa tapat mismo ni Danny. Biglang nagulat at namilog ang mata ni Danny ng masilayan ang taong responsable sa kalbaryo na kanyang nararanasan. "Danna!" malakas na sigaw ng isip ni Danny ngunit alam niyang ilusyon lamang ang lahat dahil patay na si Danna. Hinawakan nitong muli ang kadena at dahan-dahan nitong niluwagan ang pagkakatali dahilan para unti-unting bumaba ang katawan ni Danny sa drum. Walang nagawa si Danny nang lumumlob ang kalahati ng katawan niya sa drum. Ilang minuto lang at tuluyan ng binawian ng buhay si Danny dahil sa pagkalunod. …………………………………… Labis ang pagtataka at pag-aalala ni Suzzeth nang magdamag na di umuwi ang asawa. Kasalukuyan silang nasa hapag-kainan at nag-aalmusal. Napuna ni Darlene na tahimik ang ina. "Mommy huwag po kayong mag alala, uuwi din si Dad. Baka nakitulog lang sa mga kaibigan niya," ani Darlene. "Kaya nga mommy, malay ba natin mamaya nandiyan na si Dad," dagdag pa ni Darwin. "Yang Daddy ninyo, wala na ngang nagawang tama puro goodtime pa ang alam. Sana lang huwag ninyong tularan 'yang ama ninyo!" Biglang nagtinginan nang magkahulugan ang magkapatid. Tila bigla silang nakaramdam ng takot sa mga salitang binitawan ng ina. "Dont worry mom, tatawagan kita pag nandito na si Dad," sambit ni Darlene. "Whatever! Aalis na ako, may kliyente pa ako na dapat kausapin, baka next week pa ang dating ng bagong maid natin, kaya kayo muna ang bahala sa mga gawaing bahay.," bilin ni Suzzeth sabay tayo at humakbang na papalabas ng bahay. …………………………………… Pagod sa trabaho ngunit masaya ang pakiramdam ni Suzzeth dahil naibenta niya ang apat na unit ng condominuim sa isang mayamang negosyante. Malaki ang commision at incentives na makukuha niya kaya pwede na niyang mabili ang pinapangarap na sasakyan. Natapos ang maghapon niya na walang naririnig na balita sa asawa. Kasalukuyang nasa waiting shed si Suzzeth at nag-aabang na ng taxi. Lumipas ang ilang segundo at isang taxi ang pumarada sa tapat ni Suzzeth. Binuksan niya ang pinto sa backseat saka siya sumakay. "Sa Pasig po tayo," sabi ni Suzzeth. Tumango lang ang driver at nagsimula ng paandarin ang taxi. Dahil sa labis na sayang nararamdaman di napansin ni Suzzeth na naka facemask ang driver at kanina pa siya sinusulyapan nito sa rear mirror. Maya-maya ay may dinukot na isang maliit na botelya ang driver sa kanyang pantalon at pagkatapos inispray ito sa aircon ng sasakyan. Umalingasaw ang amoy nito sa buong sasakyan. Tila bigla naman nakaramdam ng pagkahilo si Suzzeth sa naamoy. Ilang segundo lang at tuluyan na siyang nawalan ng malay. …………………………….. Umiikot pa ang paningin ni Suzzeth ng magbalik ang malay niya. Nagpalinga-linga siya sa paligid, labis ang kanyang pagtataka kung papano siya napunta sa isang bakanteng kuwarto na kulay puti ang pader. Biglang umatake ang matinding sindak at malakas na kaba sa dibdib ni Suzzeth nang mapagtanto na nakatali siya nang nakadipa at putol ang dila. Lalong nanginig ang buong katawan ni Suzzeth nang makita niya sa harapan ang puting mesa. Sa ibabaw kasi nito ay nakalagay ang isang fruit blender, isang imbudo na may nakadugtong na hose at isang hawla na may tatlong itim na dagang maliliit. Biglang nagulat si Suzzeth ng bumukas ang pinto ng kuwarto at mula doon ay pumasok ang isang tao na sobrang pamilyar sa kanya. "Danna! Imposible!" sigaw ng utak ni Suzzeth. Nagtungo ito sa mesa at binuksan ang kulungan. Kinuha nito ang isang daga at inilagay sa fruit blender. Walang nagawa ang pobreng daga nang i-on ni Danna ang fruit blender. May inilagay din itong asido kasama ng daga na nasa blender. Nadurog ang mga balat at laman nito hanggang sa tuluyan na itong maging pino. Pagkatapos ay kinuha ni Danna ang imbudong may nakadikit na hose. Pilit na ipinasok ni Danna sa bibig ni Suzzeth ang hose. Halos ibigay ni Suzzeth ang buong lakas niya upang pumalag. Ngunit di siya umubra ng hawakan ng madiin ni Danna ang magkabilang gilid ng bibig niya upang ipasok ang hose. Pagkatapos ay kinuha ni Danna ang fruit blender na naglalaman ng dinurog na daga at saka ibinuhos ang laman nito sa imbudo. Ganun din ang ginawa niya sa dalawang pang natitira daga na nakakulong sa hawla. Nagkandasuka si Suzzeth nang tanggalin ni Danna ang hose sa bibig niya. Kahit wala na siyang panlasa alam na alam niya na marumi at puno ng mikrobyo ang daga. Nagsama-sama ang uhog at luha ni Suzzeth ng saglit na magbalik sa alaala niya nang minsan niyang Isubsob sa sahig na may patay na daga ang mukha ng bunsong anak. Ngayon siya biglang nakaramdam ng labis na pagsisi dahil sa pagmamaltrato niya sa anak. Lumipas ang ilang minuto at tuluyan ng bumula ang bibig ni Suzzeth. Nangisay ito at tuluyan ng binawian ng buhay. Chineck muna ni Danna ang pulso ni Suzzeth sinigurado niyang patay ito bago niya tuluyang nilisan ang silid. ………………………………………….. Samantala, sa kanilang tahanan naman ay lango sa alak at ipinagbabawal na gamot si Darwin. Kanina pa ito nakakulong sa kanyang kuwarto at panay ang sayaw sa saliw ng heavy metal rock music na naka-play sa kanyang sound system. Labis ang kasiyahang nadarama ni Darwin dahil nag-text ang kanyang mommy na hindi makakauwi ngayong gabi dahil sa meron gathering na pupuntahan. Nasa kasarapan ng pagsasayaw si Darwin ng bigla na lang namatay ang ilaw ng kanyang silid. Bigla itong natigilan, binalot kasi ng matinding kadiliman ang buong silid. Tanging ang liwanag lang ng bilog na buwan ang nagsisilbing ilaw. Biglang may sumipa nang malakas sa pinto ng kuwarto ni Darwin at mula roon ay pumasok ang isang pamilyar na tao at dahan-dahan itong lumalapit sa kinaroroonan niya. Biglang nawalan ng balanse si Darwin at napaupo ito sa sahig. Dilat na dilat ang namumula nitong mata. Tila huminto ang pagtibok ng puso nito sa sobrang takot. "Danna!" gulat na wika ni Darwin. Di nagsalita si Danna. May kinuha itong pepper spray mula sa bulsa ng suot na palda at mabilis na inisprayan ang mukha ni Darwin. "Aaaaaaaaaaahh!" malakas na sigaw ni Darwin habang sapo ang mga mata. Pagkatapos ay buong lakas na hinampas ni Danna si Darwin sa batok ng tubo dahilan para mawalan ito ng malay. ………………………………… Mahapdi at medyo nanlalabo pa ang paningin ni Darwin nang muli niyang imulat ang mata. Sinubukan niyang sumigaw at humigi ng tulong ngunit walang boses amg namumutawi sa kanyang bibig. Di rin malaman ni Darwin ang dahilan ng matinding hapdi na nararamdaman niya sa kanyang bibig. Biglaan din ang paglaho ng kanyang panglasa. Napahagulgol ng iyak si Darwin nang mapagtanto na putol ang kaniyang dila. Nasa isang maliit na kuwarto si Darwin. Hubo't hubad siya at nakahiga sa isang mahabang papag. Nakatali ang dalawang kamay niya nang pataas ganun din ang mga paa niya. Pinilit tumayo ni Darwin mula sa pagkakahiga, ngunit maghigpit na nakatali ng kadena ang kanyang mga kamay at paa. Narinig ni Darwin ang mga yabag na palapit sa direksyon niya. Nanlaki ang kanyang mga mata at biglang nangatal ang labi niya sa pagkabigla.l nang makita ang salarin na kamukha ni Danna. Buhat nito ang ang isang timba na naglalaman ng malalansang likido at saka ibinuhos sa hubad na katawan ni Darwin. Halos maduwal si Darwin sa masangsang na amoy ng likido na tila amoy ng bulok na isda at mga panis na pagkain. Pagkatapos ay binuhat ni Danna ang isang hawla na naglalaman ng mga malalaking daga at pagkatapos at pinakawalan nito sa katawan ni Darwin. Wala nang nagawa si Darwin nang unti-unting ngatngatin ng mga daga ang buong katawan niya. Tanging pagtangis ang nagawa niya dahil sa sobrang hirap at hapding nararanasan niya. Ilang minuto pang pinagmasdan ni Danna si Darwin. Sobrang ang galak niya na makitang pinagpiyestahan ng mga daga hubad na katawan ng lalaki. Lumipas ang kalahating oras at tuluyan ng binawian ng buhay si Darwin. Sinigurado muna ni Danna na malamig ng bangkay ang lalaki bago iligpit ang bangkay ni Darwin at linisin ang silid. ……………………………………….. Nagtataka si Darlene kung bakit nang umuwi siya ay bukas ang pinto ng kanilang bahay ngunit napakadilim. Tinawag niya ang mga mga magulangaging si Darwin ngunit kahit isa ay walang tumugon. Agad niyang binuksan ang mga ilaw at saka nagtungo sa sariling silid ngunit bago pa man siya makapasok sa kuwarto ay may matigas na bagay na humampas sa ulo niya dahilan upang mawalan siya ng malay. Nahihilo at masakit pa ang ulo nang muling imulat ni Darlene ang kanyang mga mata. Kasalukuyan siyang nakaupo sa isang bakal na upuan at nakatali ang mga kamay niya at paa. Pinagmasdan ni Darlene ang paligid. Nasa isang bakanteng kuwarto siya na kulay puti ang mga pader. Sa tapat niya ay may isang puting mesa at nasa ibabaw nito ang mga kutsilyo na may ibat-ibang laki at haba. Biglang nakaramdam ng panganib at matinding takot si Darlene. Pilit siyang nagpumiglas ngunit di niya magawa. "Saklolo tulungan niyo ako dito!" umiiyak na wika ni Darlene. Maya-maya pa ay biglang bumukas ang pinto. "Da_da_ da_na!" nangangatal na wika ni Darlene. Muling lumabas si Danna at sa pagbalik nito at at tulak-tulak na nito ang isang wheelchair at sakay nito ang marumi at nangangamoy ng bangkay ni Danny pagkatapos naman ay ang mga bangkay nina Suzzeth at Darwin na pawang mga nakasakay din sa wheelchair. Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Darlene, bigla siyang umatungal ng iyak ng tumambad sa harap niya ang kalunos lunos at nakakaawang bangkay ng kanyang buong pamilya. "Yan ang parusa ko sa demonyo mong pamilya." wika ni Danna ngunit recorded ang boses ng isang bata. "Sino kang hayop ka?" galit na tanong ni Darlene. Ang misteryosong nilalang na kumitil sa buhay ng pamilya ni Darlene ay isang babaeng nakasuot ng makulay na damit na gaya sa isang manika. Kulay dilaw ang buhok nito na naka tirintas pa at may maskara ito na kamukha ni Danna. Nanlaki ang mga mata ni Darlene nang magtanggal ng maskara ang misteryosong nilalang. "Tita Maritess?" takang wika ni Darlene. "Huwag mo akong tawaging tita! Hindi ko tunay na kapatid ang nanay mo!" galit na wika ni Maritess. "Bakit n'yo po ito nagawa?" tanong ni Darlene. "Deserved n'yo ito, dahil angkan kayo ng masasamang tao. Kung apihin ninyo si Danna ay sagad hanggang buto! Bakit? Dahil may kapansanan siya at malas sa paningin ninyo?! Puwes, sa impyerno na kayo mag-reunion ng pamilya mo!" nakangiting saad ni Maritess. Mag-isa na lang sa buhay si Maritess. Nagmamay-ari ito ng isang factory ng mga high class na manika. Di ito biniyayaan ng anak dahil baog ito dahilan para iwan siya ng asawa. Imbes na magmukmok ay nag-focus na lang ito sa pagpapalago ng kanyang business. Ngunit dahil sa pagkamatay ng paborito niyang si Danna ay labis na poot ang naramdaman ni Maritess. Di man niya tunay na pamangkin si Danna ay mahal niya ito na parang tunay niyang anak. Gustong bigyan ni Maritess ng hustisya ang pagkamatay ng pamangkin sa paraan na gusto nito. Naglaan siya ng oras at pera at pinagplanuhan niya kung paano niya pahihirapan ang pamilya Magnawa. Nagpa-customize ng damit na gaya sa manika si Maritess at nagpagawa din siya ng maskara na ang disenyo ay mukha ni Danna upang lalo niyang madama ang paghihiganti. "Pinakuha ko sa basurero ang mga gamit ni Danna. Naroon ang diary niya. Isinulat niya lahat ng pang-aapi ninyo sa kanya. Sobra ang kalupitan nyo sa bata!" naiiyak na sabi ni Maritess sabay dampot ng isang kutsilyo sa mesa. "Tulungan ninyo ako para n'yo nang awa!" umiiyak na sigaw ni Darlene. Unti-unting lumapit si Maritess kay Darlene at nang makalapit ito ay agad nitong binalatan sa braso ang dalaga na tila nagbabalat ng mangga. Umalingawngaw ang sigaw ni Darlene sa buong silid dahil sa sobrang hapding nararanasan nang matapyas ang balat niya. Umagos amg dugo niya sa sahig. Di niya napigilan ang pagtulo ng laway at luha dahil sa sobrang hirap at sakit. Maya-maya ay pinilit ibuka ni Maritess ang bibig ni Darlene at saka hinawakan nito ang dila ng dalaga. Dudukutin niya ang dila nito gaya ng ginawa niya sa iba. Lahat ng lakas ay ginawa ni Darlene upang makatakas. Sa kakapiglas niya ay aksidenteng lumuwag ang ilang mga turnilyo ng bakal na upuan na kanyang inuupua. Nasira ito at napahiga sa sahig ang dalaga. Nakalag sa upuan ang pagkakatali ng kaniyang mga paa. Nang makakuha ng tiyempo si Darlene ay sinipa niya nang ubod ng lakas sa tuhod si Maritess. Nabigla si Maritess dahil doon at nabuwal sa sahig. Bahagya itong napuruhan at di makatayo. Sinamantala ni Darlene ang pagkakataon kahit hirap dahil nakatali ang mga kamay at paa ay gumapang pa din siya palabas ng silid. Ngunit ng makabawi ng lakas mula sa sipang natamo ay biglang tumayo si Maritess at paika-ikang nag tungo sa direksyon ni Darlene. Ngunit alerto si Darlene. Nang makita niya si Maritess na papalapit na sa kanya ay muli niya itong sinipa ng ubod lakas sa binti. Bumulagta muli si Maritess sa sahig na tila nakakaramdam na ng kapaguran. Di na nag-aksaya ng oras si Darlene pinilit niyang tumayo. Di siya makatakbo kaya tumalon talon siya papunta sa mesa na puno ng mga kutsilyo. Dumampot siya ng isang kutsilyo gamit ang dalawang kamay na nakatali at saka mabilis na tinalon ang kinaroroonan ni Maritess. Wala ng nagawa si Maritess ng bigla siyang atakihin ni Darlene at pag-uundayin ng saksak sa dibdib. Tumigil lang si Darlene sa pagsaksak ng makitang wala nang buhay si Maritess at naliligo na ito sa sarili nitong dugo. Napahiga sa sahig si Darlene ng ilang segundo. Maya-maya ay pinilit niyang bumangon. Mangiyak-ngiyak sa sakit ang dalaga nang magalaw muli ang kamay niyang natapyasan ng balat habang pilit na iniaalis ang mga kamay sa pagkakatali at saka siya tumakas sa lugar na iyon. ………………………………………. Anim na buwan na ang nakalipas ngunit sariwa pa rin sa alaala ni Darlene ang kahindik-hindik na karanasan nang muntik ng nakawin ni Maritess ang buhay niya. Nang gabing makatakas si Darlene at makalabas sa abandonadong gusali na binili ni Maritess ay agad siyang kumaripas ng takbo at nagtungo sa pinakamalapit na himpilan ng police upang makahingi ng tulong. Hindi nakulong si Darlene dahil self-defense ang nangyari at napatunayan na tinangay siya ni Maritess at pinagtangkaang patayin. Pinilit ituloy ni Darlene ang kanyang buhay. Sa ngayon ay nagtratrabaho siya sa isang kilalang boutique bilang isang fashion consultant. Dahil mag-isa na lang sa buhay ay di na niya nagawang ipagpatuloy ang pag-aaral at nagtrabaho na lang siya upang matustusan ang sarili. Pagod sa trabaho nang makauwi ng bahay si Darlene kaya pagkatapos niyang maghapunan ay dumiretso na siya sa kanyang silid upang magpahinga. Habang nasa kalaliman ng tulog si Darlene ay bahagya siyang nagising ng maramdaman na may biglang yumakap ng mahigpit sa kanya at tila may humihilik din sa likod niya. Kasabay no'n ay ang biglang paglakas ng amoy na mabaho na tila nabubulok na karne. Malamig ang simoy ng hangin na nagmumula sa bukas na bintana ng kanyang kuwarto. Tuluyan nang nanigas sa takot ang buong katawan ni Darlene. Nagtaasan lahat ng balahibo niya sa kanyang katawan nang bigla siyang makarinig ng boses ng isang bata na tila kumakanta Nanay, Tatay … Gusto kong tinapay… Ate, kuya Gusto kung kape… Lahat ng gusto ko ay sususndin niyo… Ang magkamali ay pipingutin ko….. Takot na napabangon si Darlene. Nakakikilabot ang boses ng bata na tila galing sa ilalim ng lupa. Maya-maya'y narinig ni Darlene na tila may malakas na kumalabog sa loob ng kanyang aparador. Tumayo siya at saka mabilis na binuksan ang lamp shade ngunit ayaw nitong bumukas. Biglang bumukas ang pintuan ng aparador. Mula sa aparador ay lumabas si Danna na duguan at naagnas ang buong katawan. May mga maliliit na uod na gumagapang sa katawan nito at mayroon ding mga bangaw at langaw na nagliliparan. Abot-tenga ang ngiti nito habang dahan-dahang lumalapit kay Darlene. Nagpakawala ng malakas na sigaw si Darlene bago kumaripas ng takbo palabas ng silid. Ngunit lalo lamang siyang kinilabutan nang paglabas sa sala ay nakita niyang naroon ang mga multo nina Danny, Suzzeth at Darwin—mga duguan ang mga ito at nakatingin sa kanya. Kumaripas ng takbo si Darlene palabas ng bahay nanpara bang nawawala sa sarili. Patawid na si Darlene sa kabilang kalye ng bigla siyang masagasaan ng humahagibis na truck. Halos masuka ang mga tao nang makita nila ang durog-durog na katawan ni Darlene. Nagkalat sa kalye ang mga dugo at laman loob nito. Tahimik ang buong paligid, payapa kung pagmamasdan ang tahanan ng pamilya Magnawa. Ngunit sa loob nito ay tabi-tabing nakaupo ang buong pamilya na pawang mga multo na. The end……..

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
181.6K
bc

PARAUSAN NG BILYONARYO

read
73.7K
bc

AGENT ENRIQUEZ (R-18) SSPG

read
26.9K
bc

ANG HAYOK KONG BOSS (SPG)

read
11.0K
bc

NINONG HECTOR (SPG)

read
124.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook