LIWAY Kasalukuyan naming pinagmamasdan ang Hara Haleya na magpahanggang ngayon ay hindi pa rin nagmumulat at nagkakaroon ng ulirat. Kaagapay ko rin ngayon sa aking tabi ang Datu Lumad, narito siya pagka't ang mandirigmang siyang sumaklolo sa amin ay nagawang ilahad sa Datu ang kabuuang naganap sa mahal na Hara. Ako ay kagyat nagbaling ng tingin sa kanya no'ng ito ay akma nang tatalikod upang lumisan. "Datu Lumad, sandali lamang," usal ko rito bago ako tuluyang magbaba ng tingin. "Bakit, Liway?" tanong nito sa akin no'ng siya ay tuluyan kong mapigilan sa kanyang takdang paglisan. Hindi ko na lamang maiwasan ang mapabuntong-hininga pagka't ako ay hindi nakatitiyak kung ako ay kanyang muling mapagbibigyan. "M-Mayroon lamang po sana akong nais ipakiusap," sa aking tinuran ay dagling napah

