Kabanata XV: Ang Hambog na Datu

1999 Words

IRAYA Kasalukuyan kong sinisimsim ang mainit ng tsaa na aking tinatamasa bilang aking inumin sa agahan. Subalit ang tasa na aking hawak ay marahan kong nailapag sa patag na mesang nasa aking harapan no'ng sandaling dumatal sa aking harapan ang tapat kong mandirigma na si Dayon. "Mahal na Dayang, paumanhin sa aking paggambala sa inyong agahan. Subalit ang mga isinugo kong mandirigma upang hanapin ang iba pang mandirigmang tumugis sa Hara ay nagbalik na rito sa puod," mahabang turan ni Dayon na siyang naging dahilan upang maitaas ko naman ang aking isang kilay. "At ano ang kanilang hatid na balita?" tugon na tanong ko bago ako tuluyang mag-angat ng tingin sa kanya. "Paumanhin, mahal na Dayang. Subalit ang hatid nilang balita ay hindi kaaya-aya at tiyak kong hindi niyo rin maiibigan," tug

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD