Kabanata XVI: Unang Silay sa Pamilihan

1006 Words

HALEYA Kami ay kasalukuyang naglalakad pagka't aming tinatahak ang tahimik na daan dito sa loob ng kagubatan. Kaagapay ko rito ngayon ang aking uripong si Liway maging ang duhang (dalawang) mandirigma na siyang inatasan ng hambog na Datu upang kami ay samahan at bantayan patungo sa lugar kung saan naroon ang pamilihan. Ayon kay Liway ang pamilihan ay binubuo ng mga mangangalakal, mayroon ding mga banyagang mangangalakal na siyang nagbabaligya (nagbebenta) rin ng mga kagamitang nagmula pa sa lupaing kanilang pinagmulan. Subalit ako ay hindi nagkusang sumama pagka't nais kong tumalima sa utos ng hambog na Datu, bagkus ako ay nagnais sumama pagka't nais kong masilayan ang tinatawag nilang pamilihan. Nais ko itong masilayan gamit ang aking sariling mga mata pagka't kay tagal ko na itong nais

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD