Kabanata XVII: Ang Panaohin ng Datu

1006 Words

LIWAY Kasalukuyan naming tinatahak ngayon ang daan dito sa loob ng kagubatan pagka't kami ay pahalik na sa aming banwa. Tangan ko ngayon sa aking mga bisig ang mga kagamitan at pagkain na ipinagbilin sa amin ng Datu Lumad, na siyang aming ipamili sa pamilihan. Samantalang ang mga banga namang kinasisidlan ng mga pangasi ay siyang tangan ng isa sa mandirigmang aming kaagapay ngayon sa paglalakad. Mabuti na lamang at hindi pa tuluyang lumulubog ang araw at sinasakop ng kadiliman ang buong kapaligiran kung kaya't kami ay hindi pa kinakailangang gumamit pa ng apoy ng sulo bilang tanglaw sa aming dinaraanan. Ako ay marahang nagbaling ng tingin sa Hara Haleya na siyang naging dahilan upang mamalas kong ito ay tahimik lamang. Ako ay nag-iwas at nagbaba na lamang ng tingin no'ng sandaling masa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD