BANDI Kasalukuyan naming pinagsasaluhan ang mga pagkaing nakahain ngayon sa mahaba at patag na lamesa sa aming harapan bilang aming panghapunan. Kaagapay ko ngayon ang aking amaing si Amaing Tarong maging ang aking magiging kabiyak na si Mayumi. Bagama't siya ay hindi isang binukot at pangkaraniwang timawa (malayang tao) lamang ay hindi ko na ito pinagtuunan pa ng pansin. Pagka't ang puso ay walang pinipiling katayuan sa bahay, hangga't ang taong iyon ay iyong iniibig ay tiyak kong hindi mo na iisipin ang agwat sa isa't isa. Ako ay mapalad at tanggap iyon ng aking Amaing Tarong, subalit kung nabubuhay ang aking amang si Datu Kalis ay nakatitiyak akong ito ay hindi sasang-ayon sa aking magiging pasya. "Kayo ay kumain lamang at huwag kayong mahihiya," narinig kong usal ng aking amain na si

