"So, it's confirmed, you're two weeks pregnant!" bulalas ni Eya na hindi naitago ang saya sa boses. Kahit naman nag-aalala siya para sa kaibigan niya syempre masaya pa din siya at magiging ina na ito. Sino ba naman ang hindi, she's not getting any younger at sa mga pinagdaanan nito ay kailangan niya na talagang lumagay sa tahimik na buhay. Ang tanong lang ay kaya pa ba siyang tanggapin ni Ace? If it's true and real love, he will definitely accept her wholeheartedly. Tahimik lang na tinititigan ni Lenneth ang puting papel na magpapatunay na buntis nga siya. Halo-halo ang emosyong nararamdaman niya ngayon pero nangingibabaw pa din ang kaba at pangamba, although she's happy she's still worried of how to tell Ace that he's going to be a father soon. Sa mga nangyari sa kanya in the past, mala

