PAGKAALIS ng baliw na gagong lalaking iyon ay pinahupa muna ni Lenneth ang kanyang sarili bago naisipang lumabas ng kwarto at tinahak ang daan papunta sa unit ni Ace. Nasa parehong floor sila ngunit nasa east wing ang unit nito samantalang siya naman ay nasa west. Habang nasa daan ay hindi niya maiwasang hindi isipin ang sinabi ng gagong iyon na agad din niyang iwinaksi. Wala lang sigurong magawa iyong matino at siya ang napagtripang lokohin. Pagkatapat niya sa kwarto ng lalaki ay bigla siyang nakaramdam ng kakaibang kaba, hindi niya alam kung bakit pero bigla siyang nakaramdam na parang may mangyayaring hindi maganda sa oras na tumuloy siya sa loob ng kwartong iyon. Ipinilig niya ang kanyang ulo at ilang beses na huminga ng malalim, napaparanoid na yata siya. Kakatok na sana siya ng b

