"I HATE YOU." Iyan ang namutawi sa labi ni Lenneth habang nakangiting hawak ni Ace ang kanyang mukha. Nang hindi pa makuntento ay hinampas niya ito sa dibdib nang paulit-ulit. "I hate you. I hate you. I hate you!" Natatawa namang hinuli ni Ace ang mga kamay ni Lenneth. Sa nakikita niyang reaksyon ngayon ng dalaga ay batid niyang kabaliktaran nang sinasabi nito ang gusto nitong sabihin. "Relax, Neth, I'm here already. Come and give me a hug," panunukso ni Ace na akmang yayakapin si Lenneth. Ngunit naging mabilis ang pagkilos ni Lenneth. Kinuha niya ang mga kamay na hawak nito at iniharang iyon sa dibdib ng binata. "Yakapin mo sarili mo! Gago ka talaga kahit kailan, Ace! Kahit kailan ka talaga! Ilang araw na akong nandito pero ngayon ka lang nagpakita! Alam mo ba yung nararamdaman ko nung

