NAGISING si Lenneth sa ingay ng telepono niyang nakapatong sa mesa. Naiinis na dinampot niya iyon at pabalag na sinagot. "Hello! Make sure na may sasabihin kang maganda dahil kapag wala huwag ka nang magpapakita pa sa akin!" Isang mahinang tawa lang ang isinagot nang nasa kabilang linya. "Wake up, sleeping beauty, time to put your clothes. Meet me down in the reception," agad na pinatay ng nasa kabilang linya ang tawag. Nalukot ang mukha ni Lenneth at pinanlisikan ang hawak na telepono. Gusto niya pa sanang matulog pero inatake siya ng kuryusidad nang maaalala ang sinabi ni Ace kanina bago sila maghiwalay. Nang bumangon siya ay nakita niya ang isang kulay puting A-line dress na nakapatong sa sofa. May puting flat sandals din na katabi nito, dinampot niya ang damit at nakangiting tinungo

