SA mahigit isang buwang pamamalagi ni Kenneth sa ibang bansa ay hindi niya akalaing marami ang magbabago. Sa pagdating ni Ace bigkang nabago ang takbo ng buhay niya. Nagawa nitong suyuin si Lenneth at ibalik sa piling nito, dapat maging masaya na siya dahil iyon naman talaga ang napagkasunduan nilang magpinsan. Ngunit paano siya magsasaya kung ang puso niya nama'y nagdurusa? Mahal niya na si Lenneth, handa niya ding gawin ang lahat para lang mapasakanya ang dalaga, pero ang tanong, kaya niya bang agawin ang kaisa-isang minahal ng kanyang pinakamamahal na pinsan? Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Kenneth at inayos na ang sarili upang pumasok sa opisina. Ilang linggo na ang nakararaan simula nang mangyari ang kaguluhan sa Bar kung saan nagkaharap-harap silang lahat. At iyon na

