KATAHIMIKAN ang sumunod na namayani pagkatapos masabi ni Ace ang lahat ng gustong sabihin kay Lenneth. Pakiramdam niya nabunutan siya ng tinik sa dibdib sa ginawang pagtatapat. Ngayon ang tanging magagawa niya na lang ay hintayin ang desisyon ng babaeng pinakatatangi niya. Alam niyang hindi magiging madali ang lahat para rito lalo pa at sariwa pa rito ang kataksilang ginawa ng nobyo. "Lenneth, please talk to me," nag-aalangang saad niya. Hindi sumagot ang dalaga ngunit naramdaman niya ang malalim nitong pagbuntong-hininga. "Anong gusto mong sabihin ko?" untag ng dalaga na nagpapitlag sa kanya. Siya naman ang napipi at hindi alam ang isasagot sa tanong na iyon ni Lenneth. "Sa tinagal-tagal nang panahong nagdaan bigla kang magpapakita at magpapaliwanag sa totoong nangyari sa 'yo, magmama

