"Nahihirapan ka 'no? Nahihirapan kang tanggapin ang katotohanang may nararamdaman ka pa rin sa kanya sa kabila ng ginawa niyang panloloko sa 'yo." Ibinalik ni Lenneth ang tingin kay Nanay Iseng, nagulat siya sa sinabi nito at hindi malaman kung ano ang sasabihin. "May mga bagay na kahit galit ka sa taong nagpaiyak at nanakit sa 'yo ay hindi mo magawang kamuhian sila ng lubos. Maaaring galit ka lang kasi gusto mong malaman ang totoo o nagagalit ka sa sarili mo dahil hindi mo matanggap ang sinasabi ng puso mo. Lenneth hindi lang pag-ibig ang nakakabulag, minsan 'yung galit din ang nagiging dahilan para mabulag ang isang tao. Huwag mong hayaang manatili ito sa puso mo, kung ano man ang pinag-usapan niyo ni Ace intindihin mo ito ng lubos at muling buksan ang puso mo sa pagpapatawad at pag-uu

