SIKAT ng araw ang pumukaw sa natutulog pa ring si Ace galing sa nakabukas na bintana sa kanyang kwarto. Naitakip niya ang sariling braso at kukurap-kurap na inaalala ang nangyari nung nakaraang gabi sa bar. Nagtagis ang mga bagang niya ng maalala ang napakainit na pagsayaw ni Lenneth sa gitna ng maraming kalalakihan. Hindi pa rin ma-absorb ng utak niya ang ginawang iyon ng dalaga. Talagang nagbago na ang dalaga at hindi 'yun gusto ng binata. Isinandal niya ang hubad na katawan sa headboard ng kanyang kama at iniunat ang maskuladong mga braso. 'Lenneth, what did your boyfriend do to you?' tanong niya sa isip. Naglakad siya papuntang banyo at naligo. Hanggang sa matapos siyang maligo ay laman pa rin ng kanyang utak si Lenneth. Ang mapang-akit nitong mga titig at ngiti na mas lalong n

