LUMIPAS ang isang buwan ngunit hindi pa rin siya tinitigilan ni Ace, kahit anong pagtataboy ang ginagawa niya ay talagang mapilit ito kaya naman nagpatuloy ang malamig niyang pakikitungo rito. Araw-araw ay may bungkos ng bulaklak sa mesa niya at kapag kinokompronta niya ito ay hindi siya nito binibigyan ng pansin, hanggang siya na ang sumuko at hayaan ito sa kung ano ang gusto nitong gawin. Ang importante sa kanya ay nasabi niya na ditong wala siyang mapapala sa kanya. Ngayong araw pagkapasok niya sa kompanya ay iba ang nadatnan niya, isang supot ang nakita niya at isang matandang babae na nakaupo mismo sa kanyang upuan.Kaagat ang labi niya ng maalala niya ang mga magagandang nangyari sa kanya kasama ang matanda. Hindi niya napigilan ang maluha ngunit dagli niya iyong pinunasan at inayos

