ISANG linggo na simula nang mangyari ang kaguluhan sa buhay ni Lenneth. Isang linggo na mula nang sumabog ang iba't-ibang balitang hindi niya akalain na mangyayari sabay-sabay. Ang panloloko ni Hance, ang pagsisinungaling ni Kenneth at ang pagpapaliwanag ni Ace na sobrang huli na para sa kanya. Isang linggo na rin mula nang mailabas niya lahat ng sama ng loob niya kay Nanay Iseng, aaminin niyang gumaan nga ang pakiramdam niya pagkatapos noon pero ang pumalit ay pagkalito. Naalala niya ang huling sinabi ng matanda bago niya tuluyang nilisan ang mansyon. 'Sundin mo ang ibinubulong ng puso mo.' Kung gano'n lang kadaling gawin 'yun 'di sana'y hindi siya nagmumukmok ngayon dito sa loob ng kanyang unit. Hinarap niya na sana si Ace at sinabi ang totoong nararamdaman niya. Napabuga siya nang ma

