"Babe, please kausapin mo na 'ko oh. Hirap na hirap na ako, hindi ko kakayaning iwan mo na lang ako ng gano'n," sabi nito. Halata sa boses nitong medyo lasing ito at wala sa sarili. Pumiksi siya at hinarap ng walang emosyon ang binata. "Lasing ka na Hance, umuwi ka na." "Uuwi lang ako kapag sinamahan mo ako, we need to talk. We need to fix this I don't want to lose you. I love you Lenneth, I really do,""bakas sa boses nito ang pagsusumamo at ang sensiridad sa sinasabi. "Tumigil ka na, Hance, wala na tayong dapat pag-usapan pa. Tapos na tayo, sana naisip mong mawawala ako sa 'yo bago ka pa man gumawa ng kataksilan. Umuwi ka na, I don't want to see you anymore," ani Lenneth na akmang tatalikuran na si Hance. "Pero babe--" naputol ang sinasabi ni Hance nang bigla na lang may sumuntok sa

